GORGY RULA
Umabot sa 13,177 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Biyernes, August 13. Hindi magandang senyales sa Friday the 13th.

Kaya muli na namang nauungkat sa kuwentuhan ang mental health, kung paano natin hinaharap ang pabigat na pabigat na pinagdaanan natin sa pandemyang ito.
Isa ang Kapuso actor na si Anjo Damiles sa umaming dumaan siya sa matinding depression nang magsimula ang pandemya noong 2020.
Ibinahagi niya ang pinagdaanang depression sa nakaraang virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko Presents Captain Barbie.
May mga tini-take daw siyang gamot na prescribed ng kanyang psychiatrist, at mabuti't nandiyan ang pamilya niyang di bumitaw sa kanya, at dagdag pa ang patuloy na pagdarasal sa Diyos.
Ngayon ay medyo okay na raw siya.
Malaki ang naitulong ng tuluy-tuloy na trabaho niya sa GMA-7 at malaki rin ang nagawa ng First Yaya sa kanya.
Saad ni Anjo, “Actually, ang laki naman po talaga ng naitulong ng mga trabahong ibinigay sa akin ng GMA-7 when it comes to my career, lalo na yung First Yaya na first time kong gawin, naka-lockdown and everything, na nasa bubble kami.
“Iba po kasi ang samahan namin ng mga nakasama ko dun na, almost every day, para kaming magkakapatid na magkaibigan na sobrang dikit.
“Ganun po kasi yung treatment sa bawat isa. Sobrang naging close ko po sila. Even yung mga TikToks namin, na kahit hindi ako sumasayaw, napapasama ako, nakakatuwa.
“Even mga kuwentuhan namin, sobrang saya, ang bonding sobrang saya.
“Sobrang nakakatulong po yun sa sanity ko, kasi ang daming tao dun nakakausap ko, sa totoo lang. And naging happy ako with them, at nakakita ako ng pamilya sa kanila.
“Walang complications po yun sa mental health ko nung time na nagti-taping kami. Kasi, alam mo po yung nakikita mo pa lang sila, ina-approach ka na, ang gaan lang, e.”
Kaya malaking bagay raw ang naibigay na trabaho sa kanya ng GMA-7 dahil nalagpasan niya ang depression na kanyang pinagdaanan.
Pagkatapos ng First Yaya ay nasundan na ng guestings sa iba't ibang programa ng GMA-7.
At itong latest, kasama si Anjo sa Daig Kayo ng Lola Ko na magsisimula na sa darating na Linggo, August 15. Tampok din dito sina Barbie Forteza at Jeric Gonzales.
NOEL FERRER
Nakakataranta talaga ang mga numero ng COVID cases, at ang dami nating nababalitaang taga-industriya natin na nag-positive.
Kabilang dito ang isang batang music icon, mag-asawang writers, at iba pang staff ng mga programa.
Kawawa, hindi lang ang ating industriya, pero pati na ang ating kababayan.
Sa pagbabalik ng mga programang naging successful, tulad ng First Yaya na puwede namang gawing First Lady, sana ay makagawa sila ng twist na hindi lang pang-aliw at pagtakas ng ating realidad.
Dahil hindi na nakakaaliw ang nagaganap ngayon, sana kahit tinatawanan ito ay maging mas kritikal tayo sa nagaganap.
Hindi lang mental kundi total health ang kailangan — physical, emotional, social, at financial.
Kailangan talaga tayong magtulungan. Sana soon!!!
JERRY OLEA
Ang Chinese Ghost Month ngayong 2021 ay mula Agosto 8 hanggang Setyembre 6.
Ang Chinese Hungry Ghost Festival ay sa Agosto 22.
Ngayong 2021, isa lamang ang Friday the 13th. And that is today.
Next year, isa rin lang ang Friday the 13th—Mayo 13, 2022.
Hindi pa natin nakukumpirma kung tuloy na ang book 2 ng First Yaya, na ang title if ever ay First Lady.
Kung tuloy iyon at kasama roon si Anjo Damiles, nawa’y maging masustansiya ang kanyang role at tumatak sa televiewers.
Sana rin, gawin na ang book 2 ng First Yaya sa lalong madaling panahon.
Bagamat ang pumalit dito na The World Between Us ay ipinangangalandakang No. 1 iyon sa ratings, pakiwari natin ay malaki ang agwat ng First Yaya ratings sa ratings ng teleserye nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
At ngayong Friday the 13th, payanig sa socmed ang pagbulaga ng litrato nina Coco Martin at Julia Montes na balik-tambalan sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Magkadikit ang katawan ng dalawa, kapwa may baril, nakaakbay si Julia kay Coco, ang kaliwang kamay ni Coco ay nakakapit sa baywang ni Julia.
Peg ba nila sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa Mr. & Mrs. Smith (2005)?
