PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne San Jose on GMA Playlist artists; Gold School gigs

Mapa-Kapuso o Kapamilya, ratsada ang gigs ng OPM artists.
by PEP Troika
Published Aug 14, 2021
Julie Anne San Jose (lower left) excited na mabigyan ng break ang artists (upper left) na inilunsad sa GMA Playlist, ang sub-label ng GMA Music. Todo naman ang OPM sound trip sa Gold School: The Best of OPM (right) sa ABS-CBN Music YouTube.
PHOTO/S: GMA Playlist Facebook / Julie Anne San Jose Instagram / Gold School

GORGY RULA

Flattered si Julie Anne San Jose sa sinasabi ng bagong Kapuso singers na siya ang gusto nilang maka-collaboration sa kanilang future projectsnila sa GMA Music.

Inilunsad kamakailan ang GMA Playlist, ang sub-record label ng GMA Music kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang ibang Kapuso stars na makapag-record ng kanilang kanta, at ang iba ay mga sarili pa nilang komposisyon.

Kabilang sa bagong batch ng GMA Playlist sina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith Da Silva, Jennifer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Seb Pajarillo, at Mark Herras.

Halos lahat sila ay si Julie Anne raw ang gustong maka-collab kung sakali.

"Sobrang flattered, nakakataba talaga ng puso na kinu-consider nila ako as one of the people that they want to work with.

"And I’m also looking forward to work with them, especially yung mga new artists, mga new singers natin dito sa GMA," saad ni Julie Anne sa virtual mediacon ng Limitless, A Musical Trilogy na magsisimula ang unang episode sa September 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sa GMA Playlist, mga bagong tunog para sa mga kabataan o mga Gen Z ang mapapakinggan at mapapanood.

Sabi ng senior manager for Music Production Section na si Racquel Gacho, "Fresh and new take of these new artists on the kind of music that they want to do with the team."

Itutuloy pa rin daw nila ang pagtuklas at pag-develop sa bagong artists.

"We also intend to invite other artists to come and collaborate with our artists. So, hindi lang ito TDMD (Talent Development Management Department) or GMA.

"We’re on the lookout for alam mo na, yung mga YouTube sensations natin diyan who can really sing, na hindi lang masyado nabibigyan ng opportunity to do their original music," dagdag ni Gacho.

Maganda ang ginagawang ito ng GMA-7, sabi ni Julie Anne, dahil marami sa mga bagong Kapuso stars na, bukod sa pag-arte at pagkanta, may talent din sa pagsusulat ng mga kanta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang ihahasa pa sa kanila ng GMA Playlist.

Sabi pa ni Julie Anne, "Kung sino man ang talagang gustong gumawa ng mga bagong kanta, gumawa ng bagong art and I am just really amazed sa talent ng mga Pilipino, especially yung mga singers natin sa GMA.

"And I just want to say na ang gagaling kasi nilang lahat.

"If there’s an opportunity, why not, and I would love to get to know them more sa kanilang mga music, kung paano sila magsulat ng mga kanta. I always believe in talent kasi."

NOEL FERRER

Maganda itong sub-division, sub-label ng GMA Music na GMA Playlist for discovering new sound and fresh styles.

And knowing Racquel Gacho, na kasamahan pa namin sa ABS-CBN noon sa music department, I’m sure malaki ang magagawa niya para mapasikat at mapaunlad ang GMA talents na may kunek sa music.

Sa mga nasa GMA Music—sina Julie Anne San Jose, Alden Richards—o kaya sina Mark Bautista at Christian Bautista na may ibang managements, pasok din ba sila sa GMA Playlist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

O baka sina Julie Ann at Alden na ang standard ng GMA Music?

Malay mo naman, si Bea Alonzo, sumabak din into singing, hindi ba’t may album din siya sa Star Records noon?

Sino pa ba ang naiwan na ka-level ni Julie? Si Aicelle? Ang La Divas minus Jona? Si Rita Daniela?

HOT STORIES

JERRY OLEA

Marami ang tinawag pero ilan lang ang pinili, ika nga.

Sandamukal ang nangangarap sumikat bilang mang-aawit, at tuloy ang mga paligsahan sa pag-awit kahit may pandemya. Pero ilan lang ang nagniningning ang bituin.

Si Golden Cañedo na kampeon sa unang season ng The Clash noong 2018, may puwang pa ba sa local music industry ang kanyang golden voice?

Pumukaw sa pansin natin si Gigi de Lana at ang kanyang GG Vibes. Si Gigi ay dating Gidget de la Llana, contestant sa "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime noong 2016. Sa panahon ng pandemya, umarangkada ang Facebook live gigs niya na GG Vibes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa umpisa ay ang pianist lang na si Jon Cruz ang kasama ni Gigi. Later on ay naki-jam ang saxophonist na si Eljin del Rosario, drummer na si Romeo Marquez, bassist na si Jake Manalo, at rhythm guitarist na si LA Arquero.

Ayon sa isang showbiz insider, gusto sanang kunin ng All-Out Sundays si Gigi. Kaso, nauna ang ASAP Natin ‘To, kung saan kapiling niya ang idolong si Regine Velasquez.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAPAMILY YOUNIVERSE LINEUP

More and more and more ang paandar, pasiklab at payanig ng Kapamilya singers and musicians.

Walong oras ang itatakbo ng Gold School: The Best of OPM sa Agosto 15, Linggo, umpisa alas dose ng tanghali (12:00 nn), sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

Ang online gig na ito ang unang pasabog ng Kapamilya YOUniverse: Bugoy Drilon in Jah Reggae Hits (12:00 nn), Kakai Bautista in Sawi Nights (1:00 pm), Nyoy Volante Acoustic Hits (2:00 pm), Geneva Cruz sings Smokey Mountain (3:00 pm), at Ana Ramsey sings Teleserye Theme Songs (4:00 pm).

Kasama rin sa lineup ang mga sumusunod: Dingdong Avanzado sings his hits (5:00 pm); Tres Marias: Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon (6:00 pm); at Jed Madela sings Cinderella and Sampaguita hits (7:00 pm).

Ang “Gold School” online gig ay isa sa mga exciting “Made for Youtube” titles na kabilang sa bagong Kapamilya YOUniverse, na handa nang maghatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita sa pinagsama-samang YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KZ TANDINGAN AND TJ MONTERDE

“Dodong” at “Inday” ang titulo ng mga bagong kantang inilabas ng mag-asawang singers na sina KZ Tandingan at TJ Monterde, awiting Bisaya na naglalarawan ng pag-ibig nila sa isa’t isa.

Kaiba sa karaniwang tunog ni KZ, isang oyayi ang “Dodong” na hatid ang pasasalamat ni KZ para kay TJ. Tampok din dito ang mensahe ng pagmamahal kahit na ano pa ang dumating sa kanilang buhay mag-asawa.

"Isinulat ko ang ‘Dodong’ two years ago. First time kong sumulat ng Bisaya lullaby pero ‘di ko naisip na i-release ito.

"Kanta ito para kay TJ na pwede niyang pakinggan kapag nahihirapan siyang makatulog," ani KZ.

Isinulat ni TJ ang awiting “Inday” para hindi mag-isang ilalabas ang kantang “Dodong.”

Ang “Inday” ay song of reassurance ni TJ para sa nag-iisang Inday sa buhay niya na si KZ.

Bahagi na ang “Dodong” at “Inday” ng Simula playlist na napapakinggan sa Star Music YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok din sa nasabing playlist ang “Can’t Wait To Say I Do” at “Simula,” song collabs ng dalawa pagkatapos nilang ikasal noong 2020.

Nagmula si KZ sa Davao del Sur, habang si TJ ay mula sa Cagayan de Oro.


JANINE BERDIN

Hugot ng isang "wallflower" na tanggap na hindi siya angat kumpara sa iba ang tema ng "The Side Character," ang bagong single ng “Tawag ng Tanghalan” Season 2 grand champion na si Janine Berdin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinulat ni Janine kasama si Dominic Guyot ang kanta para magpagaan ng loob ng mga nakaka-relate dito.

Ani Janine, "Kahit na pakiramdam mo lagi ka lang nasa gilid, mahalaga ka pa rin. Importante ang role mo. Hindi makukumpleto ang istorya kung wala ka."

Noong 2020 ini-release ni Janine ang kantang “Wala Ako N’yan,” na siya rin ang nagsulat.

Kamakailan lang, pumirma siya ng kontrata bilang Star Magic artist. Regular siyang napapanood sa ASAP Natin ‘To kasama ang iba pang New Gen Divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, at Zephanie.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IÑIGO PASCUAL

Mapapakinggan na ang Deluxe version ng Options album ni Iñigo Pascual tampok ang mga kolaborasyon niya kasama ang notable artists mula sa Manila, Singapore, Los Angeles, San Diego, at Bay Area.

Bahagi rito ang original tracklist, alternate versions mula sa nagdaang dalawang taon, at apat na bagong remix.

Nitong Hunyo lang nang i-release ni Inigo ang Options The Album kung saan ibinida niya ang Original Pilipino Music (OPM) sa international stage gamit ang 12 orihinal na mga kanta na ini-record niya kasama ang batikang composers at Grammy-nominated producers simula 2019.

Ngayon, mas pinalawak ni Iñigo ang pakikipagsanib-pwersa sa mga local at international acts sa pamamagitan ng Options Deluxe kung saan bida sa Volume 2 ang mga bagong interpretasyon ng mga kanta sa Options album.

Una na rito ang “First Impressions Remix" nina Yuan Estrada at Dave Añonuevo na dinagdagan ni Yuan ng panibagong verse. Maririnig din sa remix ang mas nakakaindak na beat at samba-type percussion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Singapore-based Filipino producer na si Dave ang nag-recruit kay Yuan (na anak ng mga artistang sina Janice de Belen at John Estrada) na gumawa ng bagong bersyon ng kanta.

Matapos marinig ang mga unang draft ni Yuan, sumali na rin si Dave para mas mapaganda ang proyekto.

Nasa Options Deluxe rin ang remix collab ni Dave sa kapwa Singapore-based Filipino artist na si Tonie Enriquez para sa kantang “Always,” na dinagdagan ng rap stanza ni Tonie bilang sagot sa verse ni Iñigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KERVIN KANE

Ni-revive ng pop rock Cebuano singer na si Kervin Kane ang classic Bisaya song na “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko.”

Si Evelyn Bacarra ang unang nagpasikat sa kanta na tungkol sa pagsuko ng isang tao sa natapos na relasyon at ikinukumpara ito sa natutuyong bulaklak.

Lubos ang galak ni Kervin sa pagkakataong gumawa ng remake ng nasabing OPM classic bilang isang Cebuano artist.

Aniya, "It's a great opportunity for me to make a version of the song that was written by one of the most prominent Cebuano composer-musicians, Mr. Max Surban."

Nananatiling madamdamin ang hatid na emosyon ng DNA Music reimagined version na ngayon ay may mellow rock nang tunog.

Bago ang soft rock version niya ng “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko,” ni-remake din ng 28-anyos na Cebuano ang Tausog song na “Ina Ku Kalasahan” ngayong taon, na dinagdagan niya ng Cebuano at Tagalog lyrics.

Taong 2021 din nang i-release niya ang komposisyon niyang “Pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EMOTIKONS

May dalang good vibes ang bandang Emotikons sa bago nilang kanta na “Kapitbahay” na magpapa-miss sa inumang Pinoy kasama ang buong tropa.

Naisulat ang “Kapitbahay” bago lumaganap ang COVID-19 pandemic, na layunin sanang ibida ang isa sa mga pinakapaboritong pampalipas oras ng mga Pilipino— ang inuman.

"Ngayong nasa pandemya tayo, naging pagbabalik-tanaw na lang yung kanta sa mga panahon dati na mas madaling makipag-inuman at pwede ring gawin nang mas madalas," paliwanag ng Emotikons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang banda ay binubuo nina Marco Nardo (lead vocals), Ronnel Alegre (rhythm guitar at second vocals), Darwin James Mabolo (drums, beatbox, at second vocals), Melvin Mendoza (lead guitar), Lourence Fernandez (bass), at Elmar Abalos (percussion).

Noong 2020, nag-cover ang grupo ng kantang “This Guy’s In Love with You Pare,” at ini-release ang isa pa nilang original song na “Dudera.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose (lower left) excited na mabigyan ng break ang artists (upper left) na inilunsad sa GMA Playlist, ang sub-label ng GMA Music. Todo naman ang OPM sound trip sa Gold School: The Best of OPM (right) sa ABS-CBN Music YouTube.
PHOTO/S: GMA Playlist Facebook / Julie Anne San Jose Instagram / Gold School
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results