PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manay Lolit Solis, nagsalita sa isyu nina Paolo Contis-LJ Reyes

Nanghihinayang ang manager ni Paolo.
by PEP Troika
Published Aug 22, 2021
Paolo Contis, LJ Reyes, Lolit Solis
Wala pa mang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Paolo Contis at LJ Reyes (kaliwa), nagpahayag na ng panghihinayang ang manager ni Paolo na si Lolit Solis.
PHOTO/S: @akosilolitsolis Instagram

JERRY OLEA

Nanghihinayang si Manay Lolit Solis sa isyung hiwalay na ang alaga niyang si Paolo Contis at si LJ Reyes.

“Kasi, akala ko, ito na yung last ni Paolo. Kasi, mukha namang tahimik siya nang sila na ni LJ,” text ni Manay Lolit nang uriratin namin nitong Agosto 21, Sabado ng hapon.

“Sayang, parang ang ganda pa naman ng naging influence nila sa isa't isa, parang compatible sila.

“Hoping they can both move on nang walang bitterness.”

Sa guesting ni LJ kamakailan sa Mars Pa More sa GMA-7, ipinahiwatig ng aktres na handa itong mag-migrate sa US kasama si Paolo, ang anak nilang si Summer, maging ang panganay ni LJ na si Aki (whose biological father is Paulo Avelino).

Matagal nang nakunan ang nasabing episode, habang nasa lock-in shoot si Paolo ng Kapuso series na I Left My Heart in Sorsogon.

Agosto 19, Huwebes pumutok ang isyung hiwalay na sina LJ at Paolo, kaalinsabay ng Netflix streaming ng movie ni Paolo with Yen Santos na A Faraway Land.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanong… aalis ba si LJ kasama ang dalawang anak papunta sa “a faraway land” gaya ng Amerika para magpalamig?

GORGY RULA

Wala pang pahayag sina Paolo at LJ kaya mahirap kumpirmahing hiwalay na sila.

Nag-text din ako kay LJ kahapon ng umaga, pero hindi rin siya sumagot.

Ang dami na ring mga kaibigan kong artista ang nagtanong kung totoo ba ang balita, dahil nakakapanghinayang.

Nakakaaliw ang mga vlog nina Paolo, LJ, Summer, at Aki, kaya sayang kung tuluyang mauwi sa hiwalayan.

Sinubukan kong kulitin uli si Paolo tungkol sa naturang isyu, nagpasalamat na lang siya sa magandang feedback na nakakarating sa kanya sa A Faraway Land na trending maging isa ibang mga bansa.

Parang gusto na raw ng producer na magkaroon ito ng part two.

Pero may mga naka-line up pa palang pelikula para kay Paolo na baka kukunan daw sa Switzerland, at meron ding isa pa na kukunan sa Italy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, kung magiging abala si Paolo sa shooting sa ibang bansa at pati sa Sorsogon, okey ring magpalamig na muna si LJ kung gusto niya dahil mas naka-focus siya sa kanyang dalawang anak.

Nasa Amerika ang Mommy ni LJ at kung hindi maayos itong isyu nila ni Paolo, mas mabuting kasama niya ang kanyang ina na yayakap sa kanya.

NOEL FERRER

Sana, maayos pa nina Paolo at LJ ang pinagdadaanan nila, whether together or apart.

Ikunsidera nila hindi lang ang kanilang sarili kundi ang kanilang anak.

Hintayin natin ang kanilang pahayag. If there’s smoke, there’s fire, sabi nga.

Pero kailangang ipakita nila ang kanilang maturity sa pag-handle nito, at mangyayari lang ito kapag inaayos nila ito between them, at hindi bitbit ang madaming opinyon ng publiko.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa mang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Paolo Contis at LJ Reyes (kaliwa), nagpahayag na ng panghihinayang ang manager ni Paolo na si Lolit Solis.
PHOTO/S: @akosilolitsolis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results