JERRY OLEA: Balitaktakan ang mga Pinoy sa pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa bakbakan kay Yordenis Ugas.
Dahil sa pang-ookray ni Pacman sa LGBTQ+ community, nag-shoutout si John Lapus sa Facebook, “Ayan Lotlot. Ang Saya.”

Ang ibig sabihin ng Lotlot ay “talo.” Kasingkahulugan iyon ng Jolo, Luz Valdez, Lucita Soriano, Lucila Lalu, among others.
May meme na "Lotlot and Friends," kung saan magkakasama sina Lotlot de Leon, Manny Pacquiao, at Dindi Pajares na olat sa Miss Supranational 2021.

Ang Lotlot & Friends ay panghapong TV show ni Lotlot noong 1988 sa RPN-9.
National Lotlot Day ba ang Agosto 22?
“‘matic olat talaga pag homophobe,” tweet ni Adrian Lindayag, na bida sa BL movie na The Boy Foretold by the Stars.

Parunggit ng scriptwriter-actor-producer-yoga instructor na si Lex Bonife sa Facebook,
“When a successful man does not recognize his limits.
“If he thinks he can be whoever he wants to be.
“If his quest for power borders on the absurdity.
“He deserves the most tragic fall of them all.”
Siyempre pa, masaya rin ang mga DDS at avid supporters ni Presidente Duterte sa pagkatalo ni Pacquiao.
May mga nagpaalala pa rin sa kontribusyon ni Pacman sa bansa.
Pahayag ni Kris Aquino sa Facebook at Instagram, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo.
“No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.
“Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what i am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.
“My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.
“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao”
Post ni Sen. Nancy Binay sa Facebook, “A champion is defined not by his wins but by how he overcomes setbacks. Time and again, Pacman has proven that he has the heart of a champion. He will come back better and stronger.
“Maraming salamat, Sen. Manny Pacquiao. Hindi pa tapos ang laban.”

Post ni Jeffrey Santos sa Facebook, “I seldom post about other people.. But in this case, I give credit where credit is due. Thank you Sen. Manny Pacquiao for giving the Filipino people the dignity and respect when we needed it.
“Your achievements came at points where the country needed a morale boost and remind us what Filipinos are capable of. You've made the Filipinos believe in achieving greatness through hard work. NO REGRETS. Just thanks.
“You dreamed, worked for it, and made it happen. What a stellar example to set one's sight in! Time to move to more significant aspirations.
“Mabuhay ka Sen. Manny Pacquiao! #proudpinoyhere #mabuhaykasenmanny #pinoyboxer”

Facebook post ng dating sexy actress na si Rita Magdalena, “You’re still our champion! Thank you for always giving us a good fight! #legend Manny Pacquiao”
FB post ng indie actor na si JM Martinez, “It could have been a draw.. pero compare to other aging fighter mas maganda pa rin pinakita mo, it is sad na wala ung legs mo para to move around , iba n tlg tumatanda.
“Wala nang makakapantay sa nagawa mo for the sports of Boxing.”
Pabirong nagbanta si Niño Muhlach sa Facebook, “UGAS. Pag nag kita tayo sa personal, dadaganan kita!”

May tatlong dalit sa FB ang artista-makata na si Frank Rivera, collectively titled HULING LABAN
#inthe2ndyearofthepandemic
Yaman kahit nadagdagan
Sana yabang mabawasan
Pulitika'y wawakasan
Talo na sa huling laban.
Panahon nang magpahinga
Sa boksing at politika
Ang bayan mong sinisinta
Hindi ikaw ang pag-asa.
Salamat sa karangalang
Ibinigay mo sa bayan
Walang dapat patunayan
Ika'y nasa kasaysayan.
MABUHAY ANG PILIPINAS!
NOEL FERRER
Nasaktan ako sa pagkatalo ni Senator Manny Pacquiao. Pagkatapos ng kanyang laban, I immediately sent a message kay Jinkee na now more than ever, ngayon niya makikilala ang mga tunay na kaibigan nila ng kanyang pamilya.
Nagkalat ang memes na sumasayaw at nagbebelat ang mga kasamahan ni Pacquiao sa PDP Laban.
Bukas, pinapupunta ang mga nanalong Olympians at coaches nila sa Malacañang.
Sana naman, wala na tayong maririnig na parunggit o punchlines mula sa mga kalaban ni Manny Pacquiao sa politika.
He is and will always be our best Filipino boxer who has brought honor to our country.
Sabi nga ni Bernard Cloma na malapit sa pamilya Pacquiao, may purpose ang lahat. We trust in the grand plan of the Lord.
Ate Vi, our favorite Congressman, the Star for all Seasons said, “Mabuhay ka Manny! We are proud of you!”

GORGY RULA
Masaya ang sambayanan sa magandang resulta ng pagsali ng mga atleta natin sa nakaraang Tokyo Olympics.
Iyon pa rin ang dapat na ipagbunyi natin.
Palipasin na natin itong pagkatalo ni Sen. Pacquiao.
Tama ka nga, Sir Noel. Dito makikilala ni Sen. Pacquiao ang mga tunay niyang kaibigan.
Sana, malaman din niya na may ilang kaibigang sumasamba sa kanya noong kapanahunan ng kanyang tagumpay, ngayon ay pumupusta na laban sa kanya.
Wala pa ring makakatalo sa lahat na achievements ni Pacman.
Wala na tayong magagawa kung may mga masaya sa kanyang pagkatalo.
Sana, maisip ng mga taong ito na ang totoong pagkatalo natin ay ang laban sa pandemyang ito.
Sana, maisip nilang ang bansa natin ang isa sa pinakahuli sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Halos isa’t kalahating taon na tayong pinadapa ng virus na ito.
Kailan at sino ang makakapag-ahon sa sa pagkalugmok natin?
Napagtanto na kaya ito ng kahit 16M man lang na kababayan natin?
