PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mikael Daez at Megan Young, handa na bang magka-baby?

Mikael Daez, hindi threatened sa mga bagong-lipat na Kapuso actors.
by PEP Troika
Published Aug 27, 2021
Sabi ni Mikael Daez sa plano nila ni Megan Young sa pagpapamilya: "Naisip namin, huwag nating isabay-sabay kung kaya naman. We were able to plan things well naman. Maybe 2022, no promises yet."
PHOTO/S: @megan_bata Instagram

GORGY RULA

Naiintindihan natin kung takot munang magka-baby ang mag-asawang Mikael Daez, 33, at Megan Young, 31.

Kuwento sa amin ni Mikael nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA-7 nitong Huwebes, August 26, nang ikinasal sila ni Megan noong 2020, open na sila sa posibilidad na magka-baby agad.

Kaya lang, nagka-pandemic. Napagkasunduan daw nilang huwag na lang muna.

Paliwanag ni Mikael, "Yung original plan talaga was enjoy muna tayo. Mag-vlog… kung saan man tayo mapunta, enjoy lang natin yung time as a married couple.

"And then, of course, the pandemic hit. Naisip namin, okay, medyo mahirap yata ‘to. Nakakatakot ma-hospital at this time.

"So, we decided na okay, 2021, huwag muna."

Hindi pa raw masabi ni Mikael kung kailan na nila gustong magka-baby.

Patuloy ng Kapuso actor, "Yung pagpaplano namin, year on year. So, 2022, wala pa kaming plano.

"I guess we’ll discuss that maybe pag November, December na.

"So, 2021, we’re still this focusing I guess on work. Kasi, malaking transition period for everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naisip namin, huwag nating isabay-sabay kung kaya naman. We were able to plan things well naman.

"Maybe 2022, no promises yet. We’ll let you know."

Thankful si Mikael sa GMA-7 dahil hindi naman siya pinababayaan. Pinapirma siya uli, at sinasabi nga niyang sana, Kapuso na siya forever.

Kahit may mga naglipatang ibang aktor mula sa ibang istasyon, hindi raw siya nakakaramdam ng kaba na baka mapalitan siya.

Na-appreciate naman siguro ng GMA-7 ang lahat na nagawa niya sa 11 taon niyang pagiging Kapuso.

Ani Mikael, "Hindi ko naman naisip yung kaba, kasi, for the past 11 years, talagang binuhos ko yung lahat ng effort na kaya kong ibigay to try and keep on improving and proving myself and making the most out of the trust na ibinibigay sa akin.

"So, para sa akin, dapat sulitin lang yung opportunites na binibigay."

JERRY OLEA

Kasama dapat si Megan Young sa GMA-7 prime-time series na Legal Wives. Kapagkuwan ay pinalitan siya ni Andrea Torres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabalita na iho-host nina Megan at Mikael Daez ang Sing For Hearts, kung saan magdi-discover ng bagong breed of talented artists who can make beautiful music together. Tuloy pa ba iyon?

May naka-lineup nang project ang GMA kay Mikael, pero hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano iyon. Basta, excited si Mikael dahil hindi pa raw niya iyon nagagawa.

Kung si Mikael ang papipiliin, sino sa Kapuso stars ang gusto pa sana niyang makatrabaho?

Sina Lovi Poe at Heart Evangelista ang ilan sa nabanggit ng aktor.

"I realized that I worked with Lovi once dun sa Titser, but I haven’t really worked with her yet. So, that’s really interesting," ani Mikael.

Patuloy niya, "Then, sabi ni Megan, si Heart, hindi ko pa nakakatrabaho. Sa mga leading ladies na medyo ka-age ko, sila yung mga naisip namin.

"Pero ang daming mga bagong mga talent na younger na talented sila. Kasi, nakikita ko sila, e. Nakikita ko sila sa YouTube, sa Facebook, sa mga Instagram nila, sa mga posts ng GMA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, sabi ko, alam mo, napaka-interesting din siguro if I get paired off with someone younger.

“How does that work? Ano yung lalabas na chemistry? Ano yung lalabas na dynamics? So, interesting din yun."

NOEL FERRER

Bagay kay Mikael Daez na mag-host. Isa itong talent niya na puwedeng ma-tap ng GMA.

Habang nakakakaba ang consistent na mataas na bilang ng COVID-19 cases, mahirap talagang magbangko ng mga episodes sa teleserye.

Kaya since maayos namang magsalita at pawang maraming alam ang mag-asawang Megan at Mikael, wagi talaga kung makakagawa pa sila ng maraming content sa social media! Interesante sila at kaaya-ayang panoorin!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ni Mikael Daez sa plano nila ni Megan Young sa pagpapamilya: "Naisip namin, huwag nating isabay-sabay kung kaya naman. We were able to plan things well naman. Maybe 2022, no promises yet."
PHOTO/S: @megan_bata Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results