PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso weekend shows, painit nang painit ngayong Setyembre

Regal Entertainment, mamamayagpag na rin ba sa TV?
by PEP Troika
Published Aug 28, 2021
Abangan ang huling dalawang episode ng Catch Me Out Philippines ng Kapuso network. Sa pag-exit nito, papalit naman ang Regal Studio Presents simula September 11

JERRY OLEA

Dalawang pasiklaban na lang ang natitira sa weekend reality game show ng GMA Network na Catch Me Out Philippines.

Ngayong Agosto 28, Sabado ng 8:30 pm, kasama nina Jose Manalo at Derrick Monasterio ang guest Celebrity Spotters na sina Ruru Madrid at Mikee Quintos.

Catch Me Out Philippines

Susubok sa hulihan at hulaan ang Celebrity Catchers na sina Myrtle Sarrosa, Dave Bornea, Nikki Co, Ayra Mariano, at Garrett Bolden kasama ang limang Kapuso viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapakitang-gilas ang isang estudyante mula Nueva Ecija at isang nanay mula Quezon City upang mapaniwala ang Spotters at Catchers na hindi sila amateurs.

Sino sa kanila ang magtatagumpay na maiuwi ang grand prize?

Ano kamo ang papalit sa Catch Me Out Philippines?

Sa September 11, Sabado ng 8:30 pm ang primetime debut ng Regal Studio Presents (RSP) sa GMA-7.

Weekly drama anthology ito, na collab ng Kapuso Network at Regal Entertainment. Ang direktor ay si Easy Ferrer.

Ang regular timeslot ng RSP ay Linggo ng 4:35 pm, pagkatapos ng Dear Uge— simula Setyembre 26.

Magpapakilig sa pilot episode sina Sanya Lopez at Ken Chan, kasama sina Shanelle Agustin at Sandro Muhlach.

Ken Chan
Sanya Lopez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Upbeat fantasy ang second episode kung saan gaganap na sirena si Sofia Pablo, at tampok din dito sina Allen Ansay at Bruce Roeland.

Ang second episode ng Regal Studio Presents ay sa Setyembre 18, Sabado ng 8:30 pm.

At sa Setyembre 25 ay magpa-pilot na ba ang Season 4 ng singing competition na The Clash, kaya magiging pan-Sunday afternoon na ang RSP?

In-announce na ang Top 30 Clashers—sampu mula sa Luzon, sampu mula sa Metro Manila, at sampu mula sa VisMin (Visayas at Mindanao).

The Clash season 4

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Clash season 4

The Clash season 4

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Level up ang bakbakan ng Clashers sa bagong season ng The Clash. May twists at surprises na hindi pa nakikita sa previous seasons ng paligsahan.

Clash Masters pa rin sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela, at The Clash Panel na kinabibilangan nina Lani Misalucha, Christian Bautista, and Ai-Ai de las Alas.

Sa Setyembre ay bubuksan na sa GMA Afternoon Prime ang Stories from the Heart.

Alin kaya ang mauuna — ang Never Say Goodbye nina Jak Roberto at Klea Pineda, o ang Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda?

GORGY RULA

Sa finale episode ng Catch Me Out Philippines sa Setyembre 4, makakasama ni Derrick Monasterio bilang celebrity spotters sina Ai-Ai de las Alas at Allan K.

Riot ang episode na ito na bigay na bigay raw ang pakuwela ni Ai-Ai

Maganda ring bumalik na sa TV ang Regal Entertainment na dati naman nilang ginagawa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana maganda ang magiging resulta ng Regal Studio Presents, at malay natin baka muling babalik ang dati nilang Regal Shocker, Mother Studio Presents, Regal Drama Presents, Regal Family, at kung anu-ano pa. Para bukod sa mga digital films nila, magiging active na rin sila sa TV.

Samantala, marami pang naka-line up na sisimulang programa ang GMA-7. Pero ang latest na nabalitaan namin, baka i-cancel na muna ang isang teledrama dahil mabigat ang pinagdaanan ng bida.

Pumanaw ang isang kapatid niya dahil sa COVID-19 at ang dinig namin, nasa hospital na rin ang magulang niya at nakikipaglaban pa sa kanilang buhay.

Kaya humihingi na rin sila ng tulong dahil ang hirap ng meron pang nasa hospital na lalo pang dumadami ang mga pasyente.

Nakakapanlumo at lalo pang mahirap ang sitwasyon natin ngayon.

Sana malagpasan ito ng Kapuso star na dumadaan sa napakahirap na kalagayan.

NOEL FERRER

The non-narrative formats give us a peep at reality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakahirap i-mount ang mga ganito dahil limitado ang audience. At usually, aside from the guests, ang camera lang ang kausap ng host.

Ang contests naman ay nagbibigay ng pag-asa para sa audience na magkapera sa kabila ng pandemya.

Ganyan ang kailangan ng mga tao ngayon—karagdagang ayuda.

Bukod sa pang-aliw, ang mga ganitong shows ay pagbaling sa pag-asa na puwede nating kapitan—na kailangang-kailangan natin ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abangan ang huling dalawang episode ng Catch Me Out Philippines ng Kapuso network. Sa pag-exit nito, papalit naman ang Regal Studio Presents simula September 11
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results