Myrtle Sarrosa, ipinalit sa aktres na nagka-Covid

by PEP Troika
Aug 28, 2021
Myrtle Sarrosa, Voltes V
Myrtle Sarrosa, ipinalit sa isang aktres na nagka-Covid. Kasado na sana ang cast para sa lock-in taping ng bagong Kapuso drama serye, pero dahil nag-positive ang isang aktres, mabilis na ibinigay ang role nito kay Myrtle.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram

GORGY RULA

Ngayong lalong tumataas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19, mas nakakapraning, mas nakaka-stress. Kaya kailangan talaga ang ibayong pag-iingat.

Sa mga taping ngayon, lalong naghihigpit at kailangan walang susuwayin na safety protocols and guidelines na ipinapatupad ng IATF.

Bago ka pumasok sa lock-in taping, kailangan muna ng five-day quarantine sa hotel pagkatapos kang ma-antigen test.

Pag negative ang resulta ng antigen test, tuloy ang quarantine nang limang araw bilang paghahanda sa RT-PCR test.

Kapag nag-positibo ka sa swab test, iri-report ka sa barangay mo para mapagdesisyunan ng LGU kung ipapasok ka sa quarantine facility o sa bahay na lang magpagaling.

Napakahirap din sa isang artista kapag mangyari ito sa kanya, at bago ka isalang sa trabaho.

Magsisimula na ang lock-in taping ng isang drama series sa GMA-7. Kasado na ang buong cast para sa first step na antigen test.

Kaya lang, may isa sa cast na nagpositibo, kaya kaagad itong pinalitan.

Continue reading below ↓

Doon namin nakuhang may kailangang papalitan sa seryeng ito dahil nag-post si Myrtle Sarrosa sa kanyang Facebook account ng “LORD THANK YOU (crying emoji). I am out of words.”

Napag-alaman ng PEP Troika na si Myrtle ang ipinalit sa isang Kapuso actress na nagpositibo sa antigen test.

Masaya ang mga taong malapit kay Myrtle dahil sa tuluy-tuloy na trabaho niya.

Katatapos lang niya ng Nagbabagang Luha na napapanood pa rin hanggang ngayon sa Kapuso afternoon drama.

Nakakalungkot lang kay aktres na nawalan ng trabaho dahil sa nagpositibong antigen test.

Hindi maikakailang minsan ay nangyayari rin sa iba na may mga false positive.

Ang ginagawa ng iba, nagpapa-swab test uli at negative naman pala. Another test uli, negative talaga. Pero nawalan ka na ng trabaho.

Sana ito na lang ang nangyari kay aktres. Pero kung totoong positibo siya sa COVID-19, idalangin na lang natin na mild lang at sana at mabilis ang paggaling.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin sa kanyang vlog kung ibabahagi niya ito sa kanyang subscribers.

JERRY OLEA

19,441 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Agosto 28, Sabado.

Ito ang highest single-day tally mula nang lumaganap ang pandemya sa Pilipinas.

Umabot na sa 1,935,700 ang kabuuang bilang ng kaso sa lupang hinirang. Malamang sa alamang, sa unang linggo ng Setyembre ay aabot na iyan sa dalawang milyon (2M).

Back-to-back-to-back ang pagpanaw ng tatlong kaibigan nating taga-showbiz dahil sa COVID.

Yung una, ang unang nabalitaan natin ay na-stroke na tumuloy sa heart attack.

Marami pang ibang taga-showbiz ang nababalitaan nating tinamaan ng coronavirus. Salamat sa Diyos, ang iba ay nakaka-recover na.

Marami ang nanawagan ng tulong para sa manunulat na si Eros Atalia, na nasa kritikal na kalagayan. Ang UST Artlets Student Council, nakikiusap ng “Pass The Hat.”

“50 Pesos Para Kay Eros” ang fund-raising campaign ng Mga Tala at Tula community sa Facebook. May panawagan din ang Center for Creative Writing-PUP.

Continue reading below ↓

FB post ni Lualhati Bautista, “Sa mga kapatid sa panulat at mga kasamahan sa iba't ibang larangan ng sining: tulungan po natin ang kapwa manunulat na si Eros Atalia na nasa kritikal na kalagayan ngayon sa ospital dahil sa covid. Anumang halaga ay makakatulong na nang malaki.

Ang GCash account ng asawa niya ay:

Jessica T.

(Jessica Rose Tinio-Atalia)

09059050677

“Maaari din pong bumili ng artwork ng award-winning writer na si Jun Cruz Reyes. Lahat ng mapagbilhan ay pupunta sa hospitalization ni Eros.

“Makipag-ugnayan lang kay Jun o kay Beverly Wico Siy. Samahan din po natin ng panalangin na malagpasan ni Eros ang kalagayan niyang ito.

“Maraming salamat po.”

NOEL FERRER

Nakakatakot na talaga! At sa puntong ito, not even the possible resignation of DOH Secretary Duque can give us hope.

Dapat talaga managot ang mga taong na-mismanage itong Covid response natin and worse, may nahaharap pa sa alegasyon ng korupsyon na kailangan talagang linawin sa bayan.

Continue reading below ↓

Sa ating industriya, ang hirap din ng hinaharap nating sitwasyon sa pagsu-shoot. Kawawa itong aktres na nag-positive pero that’s the best way para maging safe.

And to Myrtle na siyang beneficiary nito, bukod sa suwerte, sana patunayan niyang deserving siya rito. Kasi hanggang ngayon, kailangan pa ring tumatak sa kamulatan at diwa ng masa ang kanyang hitsura.

Kahit talupan pa si Myrtle, hindi pa rin siya matandaan ng kasambahay namin, kahit pa sabihin kong taga-UP siya!

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa, ipinalit sa isang aktres na nagka-Covid. Kasado na sana ang cast para sa lock-in taping ng bagong Kapuso drama serye, pero dahil nag-positive ang isang aktres, mabilis na ibinigay ang role nito kay Myrtle.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results