PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan Sanya Lopez pilot episode Regal Studio Presents

Bagong format ng new Kapuso shows, mas patok kaya sa viewers?
by PEP Troika
Published Aug 29, 2021
Ken Chan at Sanya Lopez, kaabang-abang ang pagbida sa primetime debut ng Regal Studio Presents episode na That Thin Line Between sa September 11, 8:30pm, written by Joey Reyes and directed by Easy Ferrer.

JERRY OLEA

Bida sina Ken Chan at Sanya Lopez sa primetime debut ng Regal Studio Presents (RSP) sa September 11, Sabado ng 8:30 pm sa GMA-7.

“The pilot episode is titled That Thin Line Between, written by Direk Jose Javier Reyes,” lahad ni Direk Easy Ferrer nitong Agosto 29, Linggo ng umaga via Messenger.

“Istorya ito nina Julius at Gemma Rose, dalawang bagong magkapitbahay na never nagkasundo. Lagi silang nag-aaway kahit sa maliliit na bagay.

“Until one day, nagkaroon ng pangyayari na kailangan nilang tulungan ang isa’t isa.

“Si Ken Chan agad ang naisip para sa pilot, kasi suwerte siya. Si Sanya naman, kakatapos lang ng success ng First Yaya. Kaya magandang combination ang dalawa.”

Ang Regal Studio Presents ay idea nina Joey Abacan (Kapuso executive) at Ms. Roselle Monteverde (Regal heiress), na sinumulang buuin June of this year. Biggest telemovie collab ito ng taon, ayon sa teaser ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naisip nilang buhayin ang legacy ng Regal Entertainment thru rebooting ang Mother Studio Presents noon,” saad pa ni Direk Easy.

“Chance din ito to showcase GMA Artists para maipakita ang galing nila thru a weekly anthology.”

Si Easy ang direktor ng unang tatlong episode ng RSP. Limang episode pa ang nakatoka sa kanya.

Ang second episode ay pinamagatang Raya Sirena—isang cute mermaid story starring Sofia Pablo, Bruce Roeland, and Allen Ansay. One Million Comments, Magjo-jowa na Ako ang third episode, kung saan tampok sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Manolo Pedrosa, at Kat Galang.

Ang regular timeslot ng RSP ay Linggo ng 4:35 pm, pagkatapos ng Dear Uge— umpisa Setyembre 26.

“Bagong mundo talaga working with GMA people. They’re very kind, una sa lahat,” salaysay pa ni Direk Easy.

“Magiliw silang kausap, ka-brainstorm, and very welcoming and warm. Very systematic din sila when it comes to workflow. Malinaw ang mga bagay-bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The actors are what I’m most excited about. Matagal ko nang gusto makatrabaho sila, kasi alam ko na very talented din sila. Nakaka-excite. Lalo na sina Ken Chen at Sanya.

“The bagets are also very dedicated, seryoso sa ginagawa nila, inquisitive, at mabilis makakuha ng instruction. Lalo na si Sofia. Now ko lang siya na-meet, namangha ako how intelligent she is.

“Pati sina Allen at Bruce, alam mong may drive gawing tama ang mga atake sa acting.”

GORGY RULA

Sa tingin ko lang, mas okay itong ginagawa ng GMA-7 na gumawa ng mga programang per episode ang kuwento.

Kagaya nitong Regal Studio Presents, iba-ibang kuwento bawat episode. Mas maraming Kapuso stars ang nabibigyan ng trabaho.

Pati sa mga drama series, okay na rin yung tig-isang season na lang. Para mas natsa-challenge ang writers na mag-isip ng magagandang kuwento.

Sumubok ng mga bagong tema at bigyan ng chance ang iba pang Kapuso stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas okay kung maghanap pa ng ibang writers, pati direktor para makapag-isip ng mga bagong kuwento.

Bukod sa Regal Studio Presents, sisimulan na rin sa susunod na buwan ang Stories From the Heart na sa afternoon prime ng GMA-7 mapapanood. Parang I Can See You ito na iba-ibang kuwento rin ang ilalahad.

Ang unang installment ng Stories From the Heart ay itong Loving Miss Bridgette na tatampukan nina Beauty Gonzales at Kelvin Miranda, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Ang alam namin, this coming week ire-reveal ang iba pang kasama sa cast. Limang linggo na tatakbo ang mini-series. Tini-tape na rin ang susunod na installment.

Kung hindi ako nagkamali, ito yung Never Say Goodbye nina Jak Roberto at Klea Pineda. Co-stars nila rito sina Lauren Young, Snooky Serna, Max Eigenmann, Kim Rodriguez, Sharmaine Santiago, at Mosang, sa direksyon ni Paul Sta. Ana.

Marami raw intense scenes dito si Jak. Sa isang matinding eksena, napalakas ang suntok ni Jak at nagkasugat ang kanyang kamao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Jak, “Kailangang magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce. So, halu-halong galit, frustration, betrayal. Ganun yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat."

Sana nga ay ibalik na rin ang I Can See You na hahawakan naman ng ibang grupo, kagaya ng News and Public Affairs.

Mas maraming shows, mas maraming mabibigyan ng trabaho. Hayahay ang buhay!

NOEL FERRER

Tama kayo.

More programs, more jobs, more people involved in creatives and production.

I am soooo looking forward to some shake-up and major reinforcements in GMA’s creatives then!

Habang ang afternoon prime ay ang stepping stone to primetime, do I hear some major major level-up sa primetime on GMA-7 soon? Excited ako, and hope springs eternal!

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan at Sanya Lopez, kaabang-abang ang pagbida sa primetime debut ng Regal Studio Presents episode na That Thin Line Between sa September 11, 8:30pm, written by Joey Reyes and directed by Easy Ferrer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results