GORGY RULA
Wala pa kaming nakukuhang kumpirmasyon mula sa Crown Artist Management, na nagha-handle sa showbiz career ni John Lloyd Cruz, kung nagkaayos na ba sila sa kontrata ng aktor sa GMA-7.
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-text nito si Lloydie at sinabi raw ng aktor na nagawa na ang kontrata ng sitcom na gagawin niya sa GMA-7.
Pinag-aaralan na raw ito ng legal counsel ng Crown, kaya wala pa rin silang final na pahayag kaugnay rito.
Tama ang unang nabalitaan namingsitcom lang muna ang commitment ni John Lloyd sa Kapuso network.
Susubukan daw muna sa sitcom, saka nila pag-uusapan kung magkakaroon ba ng network contract.
Iilan lang daw kasi muna ang may guaranteed contract sa GMA-7.
Karamihan ay exclusive, pero hindi guaranteed contract ang pinapirma na kahit wala kang show na gagawin, bayad ka pa rin base sa kontratang pinirmahan.
Mas nag-iingat ngayon sa mga kontrata ang Kapuso network, at masuwerte ka kung mare-renew ang kontrata mo.
Marami na rin kasi sa mga dating Kapuso artists na hindi na na-renew ang kontrata.
Parang mas okay raw sa GMA-7 na mag-gamble na lang sila sa mga bagong artistang igu-groom nila, kesa sa mga datihang mas mataas ang talent fee pero walang katiyakan kung maghi-hit ang show o hindi.
Ang mahalaga ay maganda ang show at pasok sa panlasa ng mga manonood.
May nabalitaan pa kaming isa sa mga araw na ito ay may papasok na malaking pangalan na tutulong sa mga programang gagawin ng GMA-7.
Kilala siyang nakakagawa ng mga top-rated shows. Saka na raw ibubulong ng aming source kung sino, kapag nagkasundo na sa kontrata.
NOEL FERRER
John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz.
Hindi ko alam ko kung kailangan niya ng isang show na parang audition niya para magka-network contract.
JLC, for me, is still the best actor of his batch.
Makakahanap at makakahanap siya ng tamang platform sa kanyang pagbabalik.
JERRY OLEA
Nabalitaan natin noon na nagkaproblema sa negosasyon sa talent fee ni John Lloyd. Kapagkuwan ay naayos ang gusot.
Nakarating sa PEP Troika na desisyon ng panig ni John Lloyd na huwag munang pag-usapan ang network contract.
Gusto raw ni John Lloyd na makita muna kung ano ang resulta ng sitcom bago siya makipag-usap kaugnay sa network contract.
If ever matuloy ang sitcom ni John Lloyd sa GMA, si Andrea Torres kaya ang makaka-partner niya?
Siyempre, hopia at asado tayo na magkasama-sama rin sa isang sitcom sina Ai-Ai delas Alas, Pokwang, at Eugene Domingo.
Sa tamang panahon, when the constellations conspire, magaganap iyan.
Siyanga pala, riot sa katatawanan at kilig ang episode ng Dear Uge sa Setyembre 19, Linggo, 3:45 p.m., sa GMA-7.
Sa episode na pinamagatang "Deadz Ako Sa ‘Yo," may trauma sa marriage proposals si Aloha (Rhian Ramos).
Kasi, sa kanyang boyfriends ay namatay matapos na alukin siyang magpakasal. Paniniwala ni Aloha, sumpa ang marriage proposals.
Kaya mas pipiliin niya ang lalaking hindi naniniwala sa kasal, gaya na lang ng tattooed rocker na si Tats (Paolo Contis) na mukhang gago, marupok, at walang planong magpakasal.
Shout out sa mga nagpapalamig sa Baguio as a friend… panoorin ninyo ang episode na ito!!!
