PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Second episode ng Regal Studio Presents, mag-rate din kaya?

Sofia Pablo at Allen Unsay, nagkakamabutihan na nga ba?
by PEP Troika
Published Sep 18, 2021
Matapatan kaya ng "Raya Sirena" episode ng Regal Studio Presents ng Kapuso Network ang pilot episode nitong "That Thin Line Between" na umere noong nakaraang Sabado at umani ng 10.4% sa NUTAM People's Rating? Bida sa "Raya Sirena" sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

GORGY RULA

Kung nag-trending ang #KenSanyaRegalStudioPresents nung nakaraang Sabado, September 11, inaasahang magti-trend din itong #SofiaAllenBruceRayaSirena sa "Raya Sirena" episode ng Regal Studio Presents ngayong Sabado.

Sofia Pablo
Allen Ansay

Marami na ring followers ang Tiktok at vlog ng tandem nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Ang dami nang likes ang mga post nila, at cute naman silang tingnan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon sila nagsimulang magsama at maganda ang resulta, kaya sila na ang ipinagtambal sa Prima Donnas, at pati dito sa "Raya Sirena" kasama si Bruce Roeland.

Marami na tuloy ang nagdududang nagkamabutihan na sina Sofia at Allen dahil sa madalas silang magkasama sa kanilang vlog at Tiktok.

Pero itinanggi nilang dalawa nang tinanong namin ito sa kanila sa nakaraang virtual mediacon ng Regal Studio Presents.

Yun na kasi ang duda ng karamihan dahil sa closeness nilang dalawa.

Hindi raw talaga, sabi ni Allen lalo na’t bantay-sarado si Sofia ng kanyang magulang.

Pero close daw si Allen sa Mommy ni Sofia.

“Close po sila, e. Mas nagkakampihan pa nga po sila kesa sa akin e,” pakli ni Sofia.

“Pero siyempre, for now friends muna kasi bata pa po. It’s not the right time.

“Maybe pagtanda, pero definitely not now, kasi focus po muna sa aming career,” sabi pa ng batang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May basbas daw ng magulang niya ang kanilang loveteam na type naman ng kanilang mga fans.

“Magka-loveteam naman po kami, so we spend most of our time together para pag-usapan ang aming career kung papaano mag-improve. So now, happy naman po kami as close friends,” sabi pa ng bida ng "Raya Sirena."

Sabi naman ni Allen, “Basta ngayon po, ini-enjoy muna namin yung mga bonding namin, katulad nung December, nag-Boracay kami.

“Matagal na rin po naming pinlano iyan, tapos magkatrabaho pa kami. Kaya sobrang gaan, sobrang saya, sobrang madali yung trabaho namin.”

JERRY OLEA

O, ayan, ha… sa Boracay nag-bonding ang mag-friends na sina Sofia at Allen—hindi sa Baguio.

Kasing hiwaga ng Boracay ang paglangoy ni Sofia sa episode na "Raya Sirena."

Sa istorya, hindi naniniwala ang dalaginding na si Raya sa mga sirena. Isang araw, nagtungo siya sa private beach ng kanilang pamilya, at matutuklasan niya ang katotohanan sa mythical beings na mga ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

As a famous social media personality, Raya tends to be dismissive and snobby with people.

This stems from her family’s situation since she feels overlooked by her father who is a workaholic.

She finds comfort from her special friend, Joshua (Bruce Roeland), whom she collaborates with in her popular dance video uploads.

Raya will soon have an unlikely encounter with the son of the resort’s caretaker, Gavin (Allen Ansay), as they will share a big secret.

NOEL FERRER

Promong-promo naman ito. Hehehe!

Aba! Naka-10.4% sa NUTAM People Ratings ang pilot episode ng Regal Studio Presents episode na "That Thin Line Between" na pinagbidahan nina Ken Chan at Sanya Lopez.

Regal Studio Presents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana matapatan ng baguhang tambalan ang susunod, ka-level ng dating Mother Studio o Regal Presents noong panahon natin, mga Ka-Troika!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapatan kaya ng "Raya Sirena" episode ng Regal Studio Presents ng Kapuso Network ang pilot episode nitong "That Thin Line Between" na umere noong nakaraang Sabado at umani ng 10.4% sa NUTAM People's Rating? Bida sa "Raya Sirena" sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results