PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pacquiao at Bong Revilla, sapul sa patama ni Phillip Salvador?

Senator Bong Revilla, deadma lang sa parunggit ni Phillip Salvador.
by PEP Troika
Published Sep 20, 2021
Para iangat si Senator Bong Go, pinatutsadahan ni Phillip Salvador ang ibang senador: “Sinamahan ko po sila. Nangampanya kami. Nangako sila sa mga tao. Ibinoto sila ng mga tao, at nanalo po sila. At pagkapanalo po nila, lahat ng kanilang ipinangako, anong nangyari? Napako! Kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram

GORGY RULA

Nag-react ang ilang common friends nina Senator Bong Revilla at Phillip Salvador sa ipinost ni Robin Padilla sa Instagram ngayong Linggo, September 19.

Mahigit limang minutong video ang ipinost ni Robin kung saan makikitang nagtatalumpati si Phillip sa isang event. Makikita rin doon si Senator Bong Go sa itaas ng entablado at nakatayo sa may podium.

Nasa ibaba ng stage si Phillip at nagsasalita ito ng pawang papuri kay Senator Go.

Naintriga ako nang slight sa caption sa post na yun ni Robin.

Aniya: “Si Kuya Ipe ang larawan ng Mabuting kaibigan. Masamang kaaway. Panoorin po ninyo at pakinggan ang kanyang talumpati.

“Walang sinuman ang makapagsasabi na hindi totoo ang bawat binigkas na salita ng hari ng pelikulang aksyon ng Pilipinas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Robin at Phillip ay parehong kilalang malapit kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.

Nag-anunsiyo na ng kanilang kandidatura sa 2022 elections si Senator Go para sa pagka-Presidente at si Pangulong Duterte para sa pagka-Bise Presidente.

Ang talumpati ni Phillip ay malinaw na endorso, at ang pag-post ni Robin ay susog din dun.

Pero tila may mga na-offend sa mga tinuran ni Phillip. Si Bong Go lang kasi ang pinuri nito nang milya-milya, gayong may mga ibang kaibigan pa siya sa Senado, at isa sa pinakamalapit doon ay si Bong Revilla.

Ang dating sa ilang nakakita sa video ay nilahat na ni Phillip ang pagbanat sa mga senador, at bukod-tanging si Bong Go lang ang mabuting pulitiko para sa kanya.

Bahagi ng mga sinabi ni Ipe sa mga taong dumalo sa pagtitipon: “Marami na ho akong nasamahang pulitikong tao. Napakarami po.

“Buong respeto po, Cong, Mayor [humarap siya sa iba pang mga taong nakaupo sa stage], hindi po lokal. National.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sinamahan ko po sila. Nangampanya kami. Nangako sila sa mga tao. Ibinoto sila ng mga tao, at nanalo po sila.

“At pagkapanalo po nila, lahat ng kanilang ipinangako, anong nangyari? Napako! Kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako.

“Ngayon ho, sa mga nangyayari. Yung taong nagtatrabaho. Yung taong nagseserbisyo sa inyo, binabatikos. Bakit? Dahil malapit na ang eleksyon. Bakit? Kasi gusto nilang mapansin sila.

“Nung manalo sila na ibinoto mo sila, lahat ng ipinangako nila, hindi nila nagawa. Meron na ho ba kayong nakitang senador, bukod kay Senator Bong Go, sa harapan niyo ngayon? Meron na po bang pumunta sa inyong mga senador?”

Mahaba rin ang hanash niya sa mga senador na wala raw ginawa kundi batikusin si Senator Go.

“Nasasaktan ako sa ginagawa nila sa kanya. Alam ko ho ang ginagawa ni Senator Bong Go. Bakit? Kasama po ako sa lahat na mga pinupuntahan niya para makatulong.

“Pero ano ho ang nangyayari? Sinisiraan nila si Senator Bong Go. Winawarak nila ang pagkatao ni Senator Bong Go. Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi naiinggit sila. Hindi nila kayang gawin ang sakripisyong ginagawa ni Senator Bong Go. Maski na COVID, humaharap sa inyo,” dagdag na emote ni Phillip.

Malinaw na ang ibig sabihin ni Kuya Ipe sa "sinisiraan nila si Senator Bong Go" ay ang pagkakasangkot ng pangalan ng senador kay Lloyd Christopher Lao, ang dating Undersecretary ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ng Department of Health (DOH).

Si Lao ay iniimbestigahan sa pagbili ng DOH ng overpriced pandemic supplies.

Balik naman sa mga kaibigan ni Kuya Ipe na nagtataka sa mga inaasal niya ngayon. Mukhang wala nang kinilalang mabuting tao ang aktor kundi si Senator Go.

Ano na ang tingin niya kay Senator Bong Revilla na orihinal niyang barkada? At sa mga senador ring sina Manny Pacquiao at Lito Lapid na kasamahan niya rati sa industriya?

Nakausap ko si Senator Revilla nitong Linggo ng tanghali, September 19, at may mga nagparating nga raw sa kanya ng mga sinabi ni Kuya Ipe. Ayaw na lang daw niyang mag-comment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tingin ko naman, hindi ako ang pinatatamaan niya. Alam ko namang mahal ako ni Ipe,” paiwas na sagot ni Senator Revilla.

JERRY OLEA

Mas pinaghahandaan ni Senator Bong ang Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway sa Setyembre 25 at 26, Sabado at Linggo.

Bong Revilla

Kaugnay sa ika-55 kaarawan ni Senator Revilla, mamimigay siya ng cash, kabuhayan package, laptop, tablet, at cellphone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat ay gagawin ito ng actor-senator nang maaga, pero kailangan pa raw mag-quarantine nang halos dalawang linggo ang ilang staff dahil na-expose sila sa ilang COVID patients.

Kaya ginawa na nila sa mismong kaarawan niya sa September 25, at meron pa sa 26.

Sa mga interesadong sumali at magkaroon ng chance na manalo, mag-fill out ng Google form link at isumite ito sa social media account ni Senator Bong Revilla.

Mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveway.

Tatanggap ng entries ang Google Form link hanggang sa alas-12:00 ng tanghali ng September 23, Huwebes.

“Kahit maliit lang ito, gusto ko na i-share sa kanila ang blessings. Wala naman akong balak na mag-celebrate sa birthday ko. Mas kailangan ng mga tao ang tulong,” dagdag na pahayag ni Senator Bong.

NOEL FERRER

Tama kayo, mga Ka-Troika, mas mainam na labas na si Senator Bong Revilla sa ganyang mga usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasi, talagang hindi naman niya kailangang mabahiran ng politika dahil kung anuman ang nagaganap kina Senator Bong Go at Philip Salvador ay wala na siyang kinalaman doon.

Masaya tayo na okay ang pagbabalik-showbiz niya kaya move ahead, Senator Bong.

All the best!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para iangat si Senator Bong Go, pinatutsadahan ni Phillip Salvador ang ibang senador: “Sinamahan ko po sila. Nangampanya kami. Nangako sila sa mga tao. Ibinoto sila ng mga tao, at nanalo po sila. At pagkapanalo po nila, lahat ng kanilang ipinangako, anong nangyari? Napako! Kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results