PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Everybody Sing shelved episodes to air on Kapamilya Channel, A2Z

Vice Ganda, inanunsiyo ang anim na special episodes ng Everybody, Sing!
by PEP Troika
Published Sep 20, 2021
Vice Ganda, inanunsiyo ang anim na special episodes ng Everybody, Sing! na kinunan bago magsimula ang pandemya sa bansa. Bukod sa aabot sa 100 katao ang songbayanan, o players ng show, hanggang PHP2M ang maaaring mapanalunang premyo.
PHOTO/S: Everybody Sing

JERRY OLEA

Mapapanood na ang mga unang nakunang episodes ng Everybody, Sing! na hino-host ni Vice Ganda.

Ipapalabas dapat ang mga iyon umpisa Marso 15, 2020 bilang kapalit ng Gandang Gabi, Vice. Dahil sa pagtakda ng community quarantine at paglaganap ng COVID-19, na-shelve ang Everybody, Sing! nang mahigit isang taon.

Iniba ang format ng programa nang mag-premiere ito noong Hunyo 2021. Dalawampu’t lima (25) lamang ang songbayanan, at PHP500,000 lamang ang jackpot prize na paghahatian.

Sa susunod na tatlong linggo, matutunghayan ang “100 Songbayanan Special.”

Paliwanag ni Vice sa episode na ipinalabas nitong Setyembre 19, Linggo, “Ito yung mga episodes na nagawa po namin bago pa nauso ang social distancing nating lahat kaya tutukan niyo ‘yan sa tatlong sunud-sunod na weekends.

"Isang malaking thank you namin ‘yan for everybody na nakipagbayanihan sa amin sa saya at sa kantahan."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PHP2M ang maaaring mapanalunan sa jackpot round ng mga episode na ito. Sasabak ang 100 songbayanan ng haircutters sa Setyembre 25 at 26, Sabado at Linggo.

Dahil mas marami ang maglalaro, mas marami rin ang games na mapapanood sa dalawang episodes.


Mapapanood pa rin ang Everybody, Sing sa Kapamilya Channel at A2Z ng 7:00 p.m. tuwing Sabado, habang 7:30 p.m. ito magsisimula tuwing Linggo hanggang Oktubre 3, pagkatapos ng Legends of Dawn: The Sacred Stone.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Babalik ito sa dating timeslot na 7:00 p.m. kada Linggo sa Oktubre 10. Napapanood din ang Everybody, Sing! sa Kapamilya Online Live, TFC, at iWantTFC.

GORGY RULA

Mukhang may captive audience naman ang Everybody, Sing!. Hindi bumababa sa 2% ang rating nito sa Sabado at Linggo.

Noong nakaraang Sabado ay naka-2.7% ang episode ng mga atleta na dalawa lang ang tamang sagot. Noong Linggo ay 2.4% ang episode ng perya performers na pito ang nahulaan, at guest singers sina Jason Dy at Elha Nympha.

Malaking bagay ang kuwela at magaling na pag-handle ni Vice Ganda, na iba ang costume sa bawat episode. Kahit minsan ay laylay na, nadadala niya ito at naging masaya ang episode.

Sa totoo lang, nae-enjoy ko talaga ang game shows. Kaya lagi kong nasisilip ang Everybody, Sing!

Pero mas na-enjoy ko ang The Wall hosted by Billy Crawford, na nag-final episode noong Setyembre 11 sa TV5, at pinalitan ng drama series na Di Na Muli noong Sabado night, September 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang Sabado ng gabi rin nag-umpisa ang "Sing-Lebrity Edition" ng Sing Galing sa TV5, bilang kapalit naman ng Puto.

NOEL FERRER

With Vice’s continued popularity na may steady audience, sana ay maisip ni Vice na gamitin itong power na ito sa darating na halalan.

Diyan makakabawi at makakagawa si Vice sa natulungan niya sa pagpapa-cool sa mga namumuno natin ngayon.

Excited ako hindi lang sa show ni Vice kundi ang efforts niya sa eleksyon.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, inanunsiyo ang anim na special episodes ng Everybody, Sing! na kinunan bago magsimula ang pandemya sa bansa. Bukod sa aabot sa 100 katao ang songbayanan, o players ng show, hanggang PHP2M ang maaaring mapanalunang premyo.
PHOTO/S: Everybody Sing
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results