Beauty Gonzalez, kasado na ang kasunod na show sa GMA-7 katambal ang A-list actor

by PEP Troika
Sep 30, 2021
Isang A-list Kapuso leading man ang napababalitang kapareha ni Beauty Gonzalez sa ikalawang project niya sa GMA Network, kasunod ng ongoing afternoon series na Loving Miss Bridgette.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maganda ang feedback sa Loving Miss Bridgette, ang first installment ng drama anthology na Stories from The Heart.

Tatlong linggo na lang ay matatapos na ito, at consistent siyang mataas ang rating. Naglalaro sa 6 hanggang 7 percent ang rating nito at nakikipagpaligsahan sa mataas na rating ng ibang Kapuso afternoon drama na Nagbabagang Luha at ang replay na The Good Daughter.

Napupuri pa ng netizens ang tandem nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda. Comment ng iba, tila nadala ni Beauty si Kelvin kaya lalong gumaling ang pag-arte ng binata.

Nasa bakasyon pa ngayon sa Paris si Beauty kasama ang pamilya, at pagbalik dito ay paghahandaan na niya ang bagong drama series na susunod niyang gagawin sa GMA-7.

Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, si Beauty raw ang napiling leading lady sa isang malaking drama series na pagbibidahan ng isa sa A-list leading men ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

Hindi lang namin ito puwedeng pangunahan, kaya hintayin na lang ang formal announcement ng GMA-7 kaugnay sa malaking project na ito.

Sa November daw magsisimula ang lock-in taping at binubuo pa ang casting. Maganda ang konsepto at bago ito para sa aktor na bida sa seryeng ito.

Kung walang mababago, ang suwerte ni Beauty na siya ang napiling ka-partner ni lead actor.

NOEL FERRER

Since nag-work ang Loving Miss Bridgette, asahan nating uusbong pa ang maraming mini-series na pang-isang lock-in taping cycle na halos isang buwan.

May isang pamilyadong major network star na naghahanda na ng one-month lock-in taping na haharapin niya.

Oh well, welcome news ito sa akin. Kasi, madalas na marami talaga ang tumatanggi ng mahabaang taping days.

Sakripisyo ito sa pamilya at iba pang programa nito. Pero kailangan din talagang gawin.

Parang ang lesson dito ay we should learn how to live with COVID na. Kaya ba ninyo yun?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Beautiful ang ratings ng mga Kapamilya teleserye ni Beauty na Pusong Ligaw (Abril 2017-Enero 2018) at Kadenang Ginto (Oktubre 2018-Pebrero 2020).

OK rin ang mga series niya sa TV5 na I Got You (Oktubre 2020-Enero 2021) at Paano Ang Pasko?/Paano Ang Pangako? (Nobyembre 2020-Abril 2021).

Masuwerte si Kelvin at siya ang napiling ka-loving-loving ni Beauty sa Loving Miss Bridgette.

Exciting ang pakikipagtambal ni Beauty sa sikat na Kapuso leading man sa malaking project. Pam-primetime siyempre iyon!

Naku! Baka mas magreyna pa si Beauty sa GMA kesa kay Bea Alonzo, huh?!

Si Marian Rivera, nakatuon muna sa pag-aalaga ng mga anak nila ni Dingdong Dantes.

Si Jennylyn Mercado… abang-abang pa tayo kung ano ang update sa Love. Die. Repeat nila ni Xian Lim.

Naku! Naku!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang A-list Kapuso leading man ang napababalitang kapareha ni Beauty Gonzalez sa ikalawang project niya sa GMA Network, kasunod ng ongoing afternoon series na Loving Miss Bridgette.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results