PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

May paglalagyan ba ang mananalo sa The Clash Season 4?

Let the clashes begin!
by PEP Troika
Published Oct 2, 2021
The Clash
The Clash returns tonight! Magsisimula nang muling maghanap ng bagong talento sa pag-awit ang orihinal na reality-singing search ng GMA-7 na "The Clash."
PHOTO/S: GMA-7

GORGY RULA

Magsisimula na ngayong Oktubre 2, Sabado ng 7:15 pm ang original na singing competition ng GMA-7 na The Clash.

Nasa 4th season na ito at tiniyak ng mga boss na humahawak nito na merong paglalagyan ang bagong winner.

Ang unang champion nito na si Golden Cañedo ay pinili munang tapusin ang pag-aaral sa Cebu.

Pero kung may magandang project na puwede siya, open daw at gagawin niya ito.

Ang pangalawang winner na si Jeremiah Tiangco ay tuloy pa rin ang pagkanta sa All-Out Sundays at may nai-record na siya para sa GMA Records.

Pero ang sabi ng Senior Program Manager ng The Clash na si Ms. Ruth Marinas, si Jeremiah daw talaga ang tinamaan nang husto, dahil pagkatapos niyang manalo saka naman dumating ang pandemya.

Si Jessica Villarubin ang champion last year na bahagi pa rin ngayon sa AOS at inililinya sa mga Kapuso divas.

Sabi ni Ms. Ruth, sa kabila ng mga challenges na ito, naniniwala silang mabibigyan ng tamang break ang mga produkto ng The Clash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We’re still hoping. Hindi naman puwedeng overnight within a year… hindi naman measure sa ‘yo na isang taon, walang nangyari, hindi naman puwede, di ba?

“I still believe after ng mga pinagdaanan nilang test sa Clash, nasubukan na ang tibay ng dibdib nila at tatag ng loob nila, kakayanin nila yun.

"We will just have to keep solutions and finding ways,” saad ni Ms. Ruth.

Bukod sa mga programa ng GMA at online platforms na maaaring paglagyan ng mga taga-The Clash, nandiyan pa ang GMA Records at nadagdag pa ang GMA Playlist na sub-label nito.

Kahit mahirap at nasa pandemya pa rin tayo, marami pa raw paraan at mabibigyan ng tamang break ang mga bagong tuklas na mang-aawit.

“I am 100 percent sure na kung sino man ang magiging grand champion na ‘yan, aalagaan nila. Kasi, they are committed to honing or building a new talent.

“Kasi, iyon ang napag-usapan sa kontrata nila and they will do their best to put them in a way they will be able to be featured and they will be able to be seen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon, iyon ang alam kong plano. So for now, yun na muna ang gagawin ng GMA Artist Center dun sa whoever is the grand champion,” saad ni Lani Misalucha na isa sa Clash panel kasama sina Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas.

“It’s a continuous process. It’s very hard actually, but we cannot stop.

“Okay, we are in a pandemic but do we just wait for it to end? Siyempre, hindi, di ba? We have to find ways. In any business, we have to find ways to survive.

“The reason why we continue with The Clash is because we want to keep discovering new talents, because we have a lot of talents out there,” dagdag na pahayag ni Ms. Ruth.

JERRY OLEA

Magical daw ang tandem ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz—JulieVer!

Mystical naman daw ang partnership ng Journey Hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan—RitKen!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Fantabulous ang Clash Panel na binubuo nina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai de las Alas—LaChrisAi!

Pabonggahan sila ng kuda sa unique twists at surprises sa bawat round ng 'ika nila’y “the most exciting search for the newest singing sensation.”

Awesome! Mas pasabog! Super-duper-marvelous to the max!!!

PERO… ang very first golden champion nila, nananahimik na sa Cebu.

At least, ang kanta niyang "More Than Before" ay ginamit na theme song ng primetime series nilang To Have and To Hold.

Ang mga sumunod na kampeon… tila nakikipagbakbakan muli sa sanrekwang “Signed for Stardom” ng GMA Artist Center.

Sabi nga, hope springs eternal. More and more ang nangangarap sumikat sa showbiz.

Try and try and try… keep on trying. Hindi naman ito Squid Game na kapag na-eliminate ka sa isang round, katapusan mo na.

Let the clashes begin!

NOEL FERRER

Magical, mystical at fantabulous! Doon ako sa Fantabulous—mag-aabang at maghihintay!

Ito ang sinasabi nila na tunay na world-class performers na sana, ang mahahanap na winners ay maging tulad nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash returns tonight! Magsisimula nang muling maghanap ng bagong talento sa pag-awit ang orihinal na reality-singing search ng GMA-7 na "The Clash."
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results