PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla refuses to run for president in 2022 elections

Senator Bong Revilla: "Ayokong magulo ang buhay ko."
by PEP Troika
Published Oct 15, 2021
Senator Bong Revilla, tinanggihan ang alok na tumakbong pangulo sa 2022 elections: "Ayokong magulo ang buhay ko. Tahimik na ang buhay namin. Ang dami na naming pinagdaanan ng pamilya ko."
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

GORGY RULA

Tinanggihan ni Senator Bong Revilla ang alok ng partidong Lakas-CMD na maging standard bearer nila at tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Nagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sina Anna Velasco at Lyle Fernando Uy bilang Presidente sa ilalim ng partidong ito.

Nagpahayag silang inirereserba raw nila ito kay Mayor Sara Duterte sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

Pero hanggang ngayon ay sinasabi ng Davao City mayor na hindi siya tatakbong presidente.

Ang isa raw sa inirereserba nila sa posisyong ito ay si Senator Bong, pero kaagad-agad itong tinanggihan ng actor-politician.

Sa pagkakaalam ko, tatlong beses siyang kinumbinse, pero buo ang desisyon niyang huwag sumali sa darating na eleksyon.

"Ayokong magulo ang buhay ko. Tahimik na ang buhay namin. Ang dami na naming pinagdaanan ng pamilya ko. Gusto na namin ang tahimik na buhay.

"Masaya na akong nakakapagbigay ng tulong, kahit paano," pahayag ni Senator Bong sa kanyang Facebook Live ngayong gabi, October 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naghihintay po ang partido namin sa desisyon ng nakakataas kung sino ang aming susuportahan, para sa bayan.

"Basta ang isipin niyo, ang iniisip po namin ang mas nakakabuti po para sa lahat.”

Natutuwa si Senator Bong na ikinuwentong 11 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang bilang paghahanda sa taping ng book two ng Agimat ng Agila.

Bago matapos ang buwang ito ay sasalang na siya sa lock-in taping ng fantasy-drama series ng GMA-7.

Pero kailangan niyang mag-break bago mag-November 11, para sa kasal ng kanyang anak na si Gianna Revilla.

JERRY OLEA

Pebrero 12, 2021, Chinese New Year, nang mag-preview ang unang dalawang episode ng Agimat ng Agila sa tahanan nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado.

Noon pa man ay inaasam ni Senator Bong na magkaroon ng Book 2 ang comeback project niya sa TV.

Wala sa hinagap niyang kumandidatong Presidente ng bansa sa May 2022 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa dami ng naghahangad na maging successor ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, mabuti at hindi na nakigulo si Senator Bong.

NOEL FERRER

Hayyyy, pagkatapos sumabak sa politika at showbiz, mas okay na low key na muna si Senator Bong at magpatuloy na tumulong at gampanan ang pagiging mambabatas nang maayos.

Mas okay na sa showbiz na muna siya… nandiyan ang mga tunay niyang kaibigan, na hindi siya iiwan na katulad ng sa politika.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla, tinanggihan ang alok na tumakbong pangulo sa 2022 elections: "Ayokong magulo ang buhay ko. Tahimik na ang buhay namin. Ang dami na naming pinagdaanan ng pamilya ko."
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results