GORGY RULA
Narinig ko na naman ang kasabihang pinaniniwalaan ng iba: “When money talks, people listen.”
Eto pa rin kaya ang masasaksihan sa darating na eleksyon? Nakakalungkot, pero nangyayari.
Eto pa rin kaya ang panuntunang susundin ng iba? Wala tayong magagawa. Ngayon pa lang ay kumikilos na ang pera.
Kagaya nitong nakarating na kuwento sa PEP Troika.
Malaking halaga, as in malaking pera talaga ang nasa likod ng pag-file ni female personality ng kanyang kandidatura.
Hindi binanggit kung magkano ang sangkot, pero malaki raw talaga na mahirap tanggihan, basta sumama lang siya sa partidong ito.
Kaya niyo bang hulaan mga ka-Troiks?
Hindi lang daw kasi PHP50M ang offer kundi more! More! More!
Kaya sa pagkakaintindi ko sa kuwentong nasagap namin, keber ni female personality kung matalo siya sa darating na eleksyon, malaki ang makakabig niyang pera.
Puwedeng sabihing campaign fund niya iyun, pero definitely, sobra-sobra iyun na puwedeng magpahinga na siya pagkatapos ng eleksyon.
Kaya kahit kontra ang ilang miyembro ng pamilya, at negatibo na ang dating sa mga taong nakapaligid sa kanya, hindi raw niya kayang tanggihan ang tempting offer mula sa isang napakalaking partido.
Gaano ba ka-influential si female personality na susugalan siya ng ganun kalaking halaga?
Maimpluwensya naman daw talaga dahil sa kaugnayan niya sa ilang sikat na celebrities.
Sa totoo lang, hindi na bago ang ganitong kuwento. May ibang kilalang artistang naglalakas-loob na tumakbo dahil suportado at sagot ang gastos ng mayayamang pulitiko.
Nakakalungkot na ang laki talaga ng nagagawa ng pera sa pagpili ng lider ng bansa. Hindi ang tamang credentials nang mamuno, kundi may sapat na perang panggastos sa pangangampanya.
Iyun talaga ang totoong nangyayari!
NOEL FERRER
Nawalan ako ng gana rito. Parang dadaan muna sa butas ng karayom at mauuna muna ang ibang tao na manalo bago itong female personality na ito.
At hindi ba napapabalitang ang nasa likod ng nasabing grupo ay kunektado sa pagpapa-shut down ng ABS-CBN?
Nakakawalang gana lang talaga. Parang may major disconnect. Sana mali ako!
JERRY OLEA
Magbubuhay-reyna ang kilalang female personality sa kakabigin niyang limpak-limpak na salapi! Milyun-milyon!
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ewan lang kung kinakausap siya ng isa niyang kapamilya, lalo pa’t nalinlang at nagamit ang sandamukal na masusugid na tagasubaybay nito.
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! More than P50M… more than P60M… more than P70M… more and more ang hahamigin ng female personality! May “K” siyang humalakhak nang sakdal taginting.
Inggit na inggit siguro sa kanya ang isang lovely celebrity na umatras sa kanyang kandidatura, dahil sa pagba-back out ng kanyang financier.
Ngangey ang lovely celebrity kaya crayola pagaspas ang kanyang alindog. Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!
