GORGY RULA
Masaya ang mga taga-Regal Entertainment sa magandang feedback sa Regal Studio Presents at pati na ang ratings nito.
Naka-4.4% ang episode na "Promises to Keep" nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda noong nakaraang Linggo, Oktubre 17.
Kelvin Miranda and Mikee Quintos
Hindi bumababa sa 4% ang bawat episode na ipinapalabas sa GMA-7 tuwing Linggo.
Sabi nga ni Roselle Monteverde at ng GMA executive na si Joey Abacan, may iba pang pinaghahandaang TV shows na ipu-produce ang Regal para sa Kapuso network.
Heto nga at ikinakasa na ang susunod na gagawin ng Regal para sa GMA-7—ang drama series na Mano Po.
Hindi lang idinetalye ni Roselle kung ibang-iba ito sa Mano Po movies nila. Pero sa ngayon ay binubuo na raw nila ang cast ng Mano Po series.
Lumalabas ang pangalan nina Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Barbie Forteza, Ken Chan, Jeric Gonzales, at Bianca Umali pero hindi ito kinumpirma ng Regal producer.
Nangako si Roselle na ngayong linggo ay ia-announce nila ang final cast dahil nag-i-screen test pa raw sila.
Exciting ang proyektong ito dahil nag-hit naman ang lahat na pelikula ng Mano Po. Marami pang puwedeng daliruting kuwento ng mga Chinoy at maganda rin kung may malalaking veteran stars na magiging bahagi ng drama series na ito.
Wala pa ring sinasabi ang mga taga-GMA 7 kung para sa GMA Telebabad ba ito o pang-afternoon drama. Abangan na lang natin!
NOEL FERRER
Maganda ang mga collabs at co-production na ito because it is really the way to go now.
Kailangang sama-sama ang creative minds at production, pati ang magaling na technicals to come up with a really good output!
Here’s to more partnerships beyond Regal Studio Presents and Mano Po The Series!
At least, sa mga bagong content na ito, hindi lang nagke-create ng trabaho kundi ang audience din ang panalo!
JERRY OLEA
Nasa Netflix na ang unang apat na Mano Po movies umpisa noong Oktubre 15, Biyernes.
Ang tatlo pang Mano Po movies ay mag-i-streaming umpisa Oktubre 30, Sabado.
Napansin ko na lang na sa Mano Po artcards, walang litrato ni Kris Aquino (na tampok sa unang dalawang Mano Po movies).
At any rate, kapana-panabik ang susunod na handog ng Regal Studio Presents sa darating na Linggo ng 4:35 p.m., pagkatapos ng Dear Uge sa GMA-7.
Sa episode na "My Birthday Wish," si Joanna (Barbie Forteza) ay isang lonely housewife who wishes to go back in time to correct all her mistakes, especially dahil hindi siya satisfied sa kanyang marriage and current life.
There, she repeats her life and makes new decisions to achieve her career. But the question haunts her: masaya ba siya?
Co-stars dito ni Barbie sina Royce Cabrera, Julián Roxas, at Sarah Edwards. Ang episode na ito ay isinulat at idinirek ni Easy Ferrer.
Kuwento ni Direk Easy via Messenger, “Magaang katrabaho si Barbie. Very professional. Ang husay sa acting dahil ang bilis magkarga, ang bilis mag-shift.
“Take one lang, nakukuha na niya ang eksena. I can tell that she studied for the role.”
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.