PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dave Bornea, hanggang saan ang kayang ipakita sa pelikula?

Dave Bornea, hanggang saan ang kayang ipakita sa pelikula?
by PEP Troika
Published Oct 20, 2021
Dave Bornea: “Basta po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko masabi, pero ano po ako… basta challenging siya, maayos, go ako kung ano man yung sasabihin o ipapagawa sa akin, I’ll do it!”
PHOTO/S: @davebornea23 on Instagram

JERRY OLEA

Mapangahas ang pagganap ni Dave Bornea sa episode ng Magpakailaman noong Oktubre 2 tungkol sa online body selling.

Pero siyempre, dahil sa TV iyon, maraming limitasyon. If ever sa pelikula, hanggang saan ang kayang gawin at ipakita ni Dave?

“Ako naman po… gusto ko din talaga ng challenging na role po talaga,” malumanay na tugon ni Dave sa virtual storycon ng Walker nitong Oktubre 19, Martes ng gabi.

“For the sake of the Art. Kasi, isa din po ito sa passion ko talaga. Wala naman po akong problema kung ano… as long as the material is good, and worth it siya.”

Hanggang saan ang kaya niyang ipakita? Lahat ba, kaya niyang ipakita?

Natawa si Dave, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ahh, yun nga lang po, depende po. Depende po sa materyal.

“I never tried pa naman po na umabot sa ganun. Pero if meron din naman po, and if ever na si Direk Joel din ang magdidirek, why not po?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko masabi, pero ano po ako… basta challenging siya, maayos, go ako kung ano man yung sasabihin o ipapagawa sa akin, I’ll do it!”

Ano ang reaksiyon ni Direk Joel sa sinabi ni Dave na gagawin nito ang lahat pag siya ang direktor ng right project?

Tumikwas ang kilay ni Direk Joel, “E, di, tingnan natin! Kung merong isang project na bagay sa kanya na gagawin niya ang lahat, e, di, ating titingnan kung magagawa niya talaga ang lahat.”

Pilyong pagngiti ng Kapuso hunk actor, “Sige, Direk! Basta ikaw! Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA

Naging bahagi ako ng StarStruck 6 noong 2015, at si Dave ang isa sa mga paborito ko dahil ang amo ng mukha niya.

Chat Bornea pa ang gamit niya noon, at marami na kaming nagkakagusto sa kanya dahil mas mukha siyang star kumpara sa ibang finalists.

Pero kinulang sa suporta ng fans kaya hindi siya umabot sa finals. Hanggang Top 18 lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pitong male finalists ng StarStruck 6 ay sina Migo Adecer, Elyson de Dios, Jay Arcilla, Avery Paraiso, Kevin Sagra, James Teng, at Joemarie Nielsen.

Hindi naman sukatan yun dahil gumanda ang career ni Dave nang na-handle siya nang mabuti ng GMA Artist Center.

Napapansin na si Dave ng ilang producers at bumenta ang twerking niya sa TikTok. Ang alam ko, ilang BL series na rin ang gusto siyang kunin, pero abala siya sa mga drama series ng Kapuso network.

Bahagi rin si Dave sa pelikulang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, at nagustuhan na siya roon ni Direk Joel Lamangan.

Kaya first choice siya sa Walker, at bongga rin kung mabigyan siya ng mapangahas na eksena sa pelikulang ito.

Palaban si Dave, at pursigido siyang matuto para makilala siya bilang magaling na aktor.

NOEL FERRER

Good luck, Dave Bornea!

Since nalilinya siya sa mga mapapangahas na mga pelikula under Joel Lamangan, sana ay mapansin at matanggap siya ng madla at kritiko na higit pa sa hanay ng Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, at iba pang daring na pelikula ngayong panahon ng pandemya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos sana nitong pelikula, maiangat na rin ang estado niya bilang artista.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dave Bornea: “Basta po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko masabi, pero ano po ako… basta challenging siya, maayos, go ako kung ano man yung sasabihin o ipapagawa sa akin, I’ll do it!”
PHOTO/S: @davebornea23 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results