PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nanding Josef, nagwaging Best Actor sa Gawad Urian sa edad na 73

Nanding Josef, tinalo ang mas bagets na kapwa nominado.
by PEP Troika
Published Oct 22, 2021
Veteran actor Nanding Josef on his role as Baldo in Lahi, Hayop which won for him the Best Actor award at the 44th Gawad Urian: "Hayop talaga yung Baldo na yun at hindi siya dapat gayahin ng kahit sino man dahil he’s a bully, he’s a dictator. Napakasakim niya. Napakaganid niya… Parang pare-pareho yung ibig sabihin ng sinabi ko, ‘no?But, ahh… I think, na-surprise ako na ako yung kinuha ni Lav to do that role. Kasi, noong mga… Marcos regime… lagi akong aping pari, aping magsasaka, aping manggagawa

JERRY OLEA

Tila hindi makapaniwala ang 73-anyos na si Nanding Josef na siya ang itinanghal na best actor sa 44th Gawad Urian para sa pelikulang Lahi, Hayop.

“What do I say? Maraming salamat sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino! This is totally unexpected!” masayang bulalas ng beteranong aktor.

Tinalo ni Nanding ang mga di-hamak na mas bata sa kanyang sina Elijah Canlas (He Who is Without Sin), Enchong Dee (Alter Me), Noel Escondo (Memories of Forgetting), Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars), Adrian Lindayag (The Boy Foretold by the Stars), Zanjoe Marudo (Malaya), at JC Santos (On Vodka, Beers, and Regrets).

Bakas na bakas sa tinig at mga mata ni Nanding ang kasiyahan, “Napaka-prestigious nitong Gawad Urian award na ito. And for a best actor at 73 years old, it’s like ano… parang… graduation.

“Maraming salamat sa Manunuri. Alam ko, andami-daming mga artista, na nagnanasa o umaasam na magkaroon ng award from Manunuri ng Pelikulang Pilipino dahil napakaganda ng inyong kredibilidad, ng integrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko, walang suhulan dito. Napakasarap nitong ibinigay ninyo. Maraming-maraming salamat sa napakagandang award na ito.”

Pinasalamatan din ni Nanding si Lav Diaz, ang direktor at scriptwriter ng Lahi, Hayop, sa pagpili sa kanya na gumanap ng isang karakter na hayop.

Pagpapatuloy ni Nanding, “Suwerte ko at ibinigay sa akin yung role ni Baldo, yung hayop. Hayop talaga yung Baldo na yun at hindi siya dapat gayahin ng kahit sino man dahil he’s a bully, he’s a dictator.

“Napakasakim niya. Napakaganid niya… Parang pare-pareho yung ibig sabihin ng sinabi ko, ‘no?

“But, ahh… I think, na-surprise ako na ako yung kinuha ni Lav to do that role. Kasi, noong mga… Marcos regime… lagi akong aping pari, aping magsasaka, aping manggagawa. At laging biktima ng mga naghaharing uri, ng diktador.

“So, hindi ako masyadong familiar sa role na ako yung nang-aapi. But napakaganda nung role dahil pinakita talaga yung napakasamang kahayupan ng tao sa kapwa tao, ‘no?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At saka nangungurakot siya ng suweldo ng mga manggagawa. Parang napaka-familiar hanggang ngayon, yung kind of corruption na nandun kay Baldo,” makahulugang pagngiti ni Nanding.

Natawa kapagkuwan si Nanding dahil mahaba na ang kanyang talumpati.

“Sa ngayon siguro, ang mga artista — whether actors, directors, writers — dapat gamitin pa rin natin ang pelikula at iba pang sining para humanap tayo ng bagong pamunuan na ibang-iba sa mga diktador,” sambit ni Nanding.

“Ibang-iba dun sa nang-aapi ng ating mga kababayan, saka yung mga violent. At sa tingin ko, ang magandang piliin natin, yung maraming… at malalim ang pagmamahal.

“Parang ina na nagmamahal ang dapat nating piliin na bagong pamunuan…”

Nanding Josef in Lahi, Hayop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahi, Hayop

Nagwagi rin ang Lupa, Hayop sa mga kategoryang best screenplay (Lav Diaz), at best supporting actress (Hazel Orencio).

Katabla ni Hazel si Dexter Doria (Memories of Forgetting).

Pinarangalan din si Direk Lav bilang Natatanging Gawad Urian 2021 awardee.

Nag-streaming ang 44th Gawad Urian nitong Oktubre 21, Huwebes ng gabi, sa Facebook page ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at YouTube channel na TVUP.

GORGY RULA

Nakikita naman kung ano ang kulay sa katatapos lang na Gawad Urian.

Ang pinanalong Best Picture at Best Documentary na Aswang ni Alyx Arumpac ay tumatalakay sa drug war ng panunungkulan ni President Rodrigo Duterte, ang EJK at human rights violation.

Best Picture and Best Documentary: Aswang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati sa pink shirt na suot ng presenter na si Eljah Canlas (Best Actor sa 43rd Gawad Urian para sa Kalel, 16) at acceptance speech ng ibang winners ay ramdam na kung sino ang susuportahan nilang kandidato sa darating na eleksyon.

Kapansin-pansin sa presenters na past winners ng Urian, bakit wala sina Cesar Montano at Robin Padilla na kapwa nagwaging Best Actor? Sadya bang hindi sila inimbitahan o hindi lang pumuwede?

Karapatan ng mga Manunuri at pati ang mga artista at filmmakers na sa ganung lugar nila ipapahayag ang kanilang saloobin sa mga nangyayari sa atin ngayon. Sana, makarating ito sa mas nakararami.

Puwede pang mapanood ang 44th Gawad Urian sa YouTube channel ng TVUP, at Facebook page ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

NOEL FERRER

Live ba ang speeches ng Urian winners or alam na nila ang mga resulta bago pa man ng streaming?

Sa post ng classmate kong si Jay Altarejos, sabi niya, “Urian ngayong gabi, sana makaisa man lang kami na panalo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang magsalita si Dexter Doria ay sabi niya na nasabihan na siya ahead of time na siya ang magwawagi.

Hindi na humabol si Direk Jay sa pagka-best actor? Chos!

Napakabigat na responsibilidad sa kahit na anong award-giving body na mag-mount ng ganitong event ngayon.

Pero ang tanong talaga: ano ang saysay ng mga ganitong gawad kung tayo-tayo lang ang sumusuporta sa mga ganitong initiatives?

Hindi ba’t parang eleksyon, kailangan talaga nating lumabas sa ating mga echo chambers?

At teka, sabi ni Tata Nanding, ang Urian ay hindi nasusuhulan… meron nga kayang award na nasusuhulan o nabibili? Parang boto sa eleksyon lang?

Mga Ka-Troika at Pepsters, may danas ba kayo sa ganito?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Nanding Josef on his role as Baldo in Lahi, Hayop which won for him the Best Actor award at the 44th Gawad Urian: "Hayop talaga yung Baldo na yun at hindi siya dapat gayahin ng kahit sino man dahil he’s a bully, he’s a dictator. Napakasakim niya. Napakaganid niya… Parang pare-pareho yung ibig sabihin ng sinabi ko, ‘no?But, ahh… I think, na-surprise ako na ako yung kinuha ni Lav to do that role. Kasi, noong mga… Marcos regime… lagi akong aping pari, aping magsasaka, aping manggagawa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results