PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ervic Vijandre, gaganap bilang PDEA agent sa bagong pelikula

Ervic Vijandre, matindi ang training bilang PDEA agent para sa bagong pelikula
by PEP Troika
Published Oct 23, 2021
Ervic Vijandre, bida sa pelikulang Buy Bust Queen, ang advocacy movie ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kasama rin dito sina Phoebe Walker, Jeric Raval, Maxine Medina, Jeffrey Santos, Ricardo Cepeda, Christian Vazquez, Alex Medina, Jeffrey Santos, at marami pang iba.

GORGY RULA

Ang laki ng pasasalamat ni Ervic Vijandre na bago siya mag-focus sa pangangampanya sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa district 1 ng San Juan City, nabigyan siya ng magandang film project na gustung-gusto niyang gawin.

Siya ang kinuhang lead actor sa advocacy movie ng PDEA na pinamagatang Buy Bust Queen.

Si Phoebe Walker ang bida rito kasama sina Jeric Raval, Maxine Medina, Jeffrey Santos, Ricardo Cepeda, Christian Vazquez, Alex Medina, Jeffrey Santos at marami pa. Ang direktor nito ay si JR Olinares.

Nagsimula na silang mag-lock in taping sa Kalinga, Apayao, at meron din silang kukunang mga eksena sa Antipolo at Quezon City.

Tamang-tama raw na siya ang kinuha rito dahil kontra sa droga ang isa sa campaign niya sa San Juan, at gusto niyang tutukan kung papalarin siya sa darating na eleksyon.

Ani Ervic, “This is an advocacy movie laban sa droga at nais ipakita ng pelikulang ito the sacrifices of each and every PDEA agent, and a glimpse of the six months of intense training bago maging isang PDEA agent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipapakita din dito ang mga teknikal na operasyon ng PDEA. Kasabay nito ang istorya ng buhay ng mga nilikhang agents ng PDEA.”

Maingat daw sila sa kanilang shooting na talagang lahat sila ay dumadaan sa antigen at RT-PCR tests, kasama ang ilang taga-PDEA na nagga-guide sa kanila.

Ang hirap lang daw ng 16 hours na biyahe pa-Kalinga at ang pag-akyat sa bundok para sa kinukuhang eksena ng buy bust operations.

“We were trained by PDEA officers under the supervision of the director general of PDEA Wilkins Villanueva before the start of the shoot, and mabusisi kaming binabantayan ng Regional Director Gil Cesar Castro ng PDEA sa Kalinga, Apayao,” dagdag na text ni Ervic sa PEP Troika.

Ang nais lang daw ng PDEA kaya binuo nila ang pelikulang ito ay maipakita sa taumbayan kung ano talaga ang totoo sa ahensyang ito.

“Ang isa sa pinakaimportante na message ng pelikulang ito ay para ipaala, o imulat sa karamihan na ang ‘tokhang’ ay walang kinalaman o kaugnayan sa PDEA,” sabi pa ni Ervic Vijandre, na single pa rin daw hanggang ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Talaga?!? Wala sa radar ng PDEA ang tokhang?

Paano kaya tinalakay ng pelikula ang drug war ngayong ultimo DOJ na ang nagsasabi na marami sa mga ito ay galing sa “nanlaban” na narrative ng mga pulis.

Ang dami nang inosente ang namatay. May stand kaya ang pelikula rito o deadma lang?

Kapag sumusuri ka ng isang akto kahit sa sining, tatanungin mo, para kanino, at sino ang makikinabang rito?

Lagi at lagi, sana ito ay para sa nakararami, at para sa mga walang boses at walang kapangyarihang ipagtanggol ang sarili nila na ating mga kababayan.

Sana.

JERRY OLEA

Yummylicious pogilicious si Ervic sa PDEA uniform, ha?! Matikas! Mukhang mabango!

Good luck kay Ervic sa kanyang bagong movie, pati na sa kandidatura niya bilang konsehal ng San Juan City!

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ervic Vijandre, bida sa pelikulang Buy Bust Queen, ang advocacy movie ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kasama rin dito sina Phoebe Walker, Jeric Raval, Maxine Medina, Jeffrey Santos, Ricardo Cepeda, Christian Vazquez, Alex Medina, Jeffrey Santos, at marami pang iba.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results