PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana, napaka-radiant bride sa kasal nila ni Tom Rodriguez

Bakit wala sa kasal ang dating manager ni Carla na si Arnold Vegafria?
by PEP Troika
Published Oct 23, 2021
Ikinasal ngayong Sabado ng hapon, October 23, 2021, sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan, Batangas. Kabilang sa kanilang mga principal sponsors ang ilang top executives ng Kapuso network, pati na rin ang ilang tanyag na pangalan sa mundo ng showbiz. (Photographer: Pat Dy)

GORGY RULA

Nagsimula ng eksaktong 3:15 ng hapon ang misa para sa pag-iisang dibdib nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ngayong Oktubre 23, Sabado.

Ginanap ang kasal sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan, Batangas.

Carla Abellana
Tom Rodriguez

Si Bishop Teodoro Bacani ang officiating priest, at dinaluhan iyon ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaalam pa ng PEP Troika kung kumpletong nakadalo ang mga Ninong at Ninang.

Pero nasa imbitasyon nito ang anim na pares na binubuo nina Attty. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit Jr., Mr. Ben Chan, Mr, Arnold Clavio, Mr. Popoy Caritativo, Mr, William Portacio, Atty. Joji Alonzo, Dra. Vicki Belo, Mrs. Lilybeth Gomez-Rasonable, Mrs. Redgie Acuna-Magno, Mrs. Josette Campo-Atayde, at Mrs. Carmela Corro Tiangco-Cornejo.

Tom Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa Groomsmen sina JC Tiuseco at Rafael Rosell na kaibigan at kasama ni Tom sa kuwadra ng manager niyang si Popoy.

Carla Abellana
Tom Rodriguez

Napansin naming wala sa entourage ang dating manager ni Carla na si Arnold Vegafria.

JERRY OLEA

Bakit ba ganyan, Marites? Oo nga’t si Popoy Caritativo na rin ang manager ni Carla, pero pagdating sa TV career ng actress, ang may hawak pa rin ay si ALV (Arnold L. Vegafria), di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tagal ng pinagsamahan nina Carla at ALV, kapansin-pansin na ligwak si ALV sa line-up ng godfathers.

At any rate, ang ganda-gandang bride ni Carla. Napaka-radiant ng kanyang ngiti.

Best wishes, Carla and Tom!

NOEL FERRER

And may they live happily ever after!

Ang maganda lang kina Carla at Tom, they are able to bring out the best in each other.

So from My Husband’s Lover na hit serye nila noon, ito na ngayo’y “My Husband Ever After."

Imagine, sa gitna ng pandemya at nakaambang ulan, heto at nagtagumpay ang pagmamahalan nina Carla at Tom at naging maayos ang kanilang kasalan!!!

CONGRATULATIONS & OUR BEST WISHES!!!

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinasal ngayong Sabado ng hapon, October 23, 2021, sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan, Batangas. Kabilang sa kanilang mga principal sponsors ang ilang top executives ng Kapuso network, pati na rin ang ilang tanyag na pangalan sa mundo ng showbiz. (Photographer: Pat Dy)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results