PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gary Valenciano, naka-quarantine hanggang November 6

Gary V, hindi muna mapapanood sa Asap Natin 'To ngayong Linggo
by PEP Troika
Published Oct 23, 2021
Gary Valenciano, kasalukuyang naka-quarantine dahil nag-positive sa RT-PCR test ang kanyang driver kaninang Sabado ng umaga. Bagamat nag-negative antigen result na ito kinalaunan, minabuti pa rin ni Gary at ng kanyang handler na sumailalim sa self-imposed quarantine hanggang November 6 bilang paninigurado.
PHOTO/S: @garyvalenciano on Instagram

JERRY OLEA

Anong nangyari kay Gary Valenciano? Bakit nawala siya sa line-up ng performers sa ASAP Natin ‘To bukas, Oktubre 24, Linggo?

Nag-tweet si Mr. Pure Energy noong Oktubre 15, Biyernes ng hapon, “Hi everyone. Just wanted to see how you’re all doing. Can I ask you say a prayer for me? Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly lead by the Spirit. Thanks my friend.”

Pagsapit ng Oktubre 17, Linggo, napansin ng masusugid niyang tagasubaybay na absent siya sa ASAP Natin ‘To. Nangamba ang mga Kapamilya na iiwan na ni Gary V ang ASAP Natin ‘To at lilipat na ito sa ibang TV station.

Oktubre 18, Lunes ng madaling-araw, nilinaw ng maybahay ni Gary V na si Angeli Pangilinan na hindi iiwan ni Gary V ang ASAP, at nagka-dengue ang singer kaya hindi ito nakasipot sa taping.

Sabi pa ni Angeli, mapapanood si Gary V sa October 24 live presentation ng ASAP Natin ‘To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oktubre 19, Martes, nag-tweet pa si Angeli na, “Hi all the reason Gary has been absent on ASAP is because he had dengue fever and he is okay already !!!! Don’t worry he remains a Kapamilya hehe and a Kapatid in a way and a friend of the Kapusos all forever !!!!”

Oktubre 22, Biyernes nang makatanggap ang PEP Troika ng email kaugnay sa line-up ng performers sa ASAP Natin ‘To para sa Oktubre 24, Linggo.

“Abangan ang Jubilee performance ni Gary V. kasama ang paborito ninyong Kapamilya singers” ang kicker sa title ng press release.

Bahagi pa rin ng nasabing PR material, “Ma-inspire din sa handog na Jubilee performance mula kay Gary Valenciano kasabay sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Kyla, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Lian Kyla, Anthony Castillo, at Reiven Umali para sa ika-500 na taon ng Kristiyanismo sa bansa.

“At pakatutukan ang bigating power ballads kantahan nina Gary Valenciano, KZ, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez sa ‘The Greatest Showdown’…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oktubre 23, Sabado ng 5:43 pm, nakatanggap ng update ang PEP Troika. Wala na si Gary V sa line-up ng ASAP Natin ‘To performers this Sunday. Si Ogie na ang mangunguna sa Jubilee performance. Sa ‘The Greatest Showdown’ segment ay si Jed Madela naman ang humalili kay Gary V.

Ngayong Sabado ng umaga ay nag-tweet si Gary, “Join me on Pray.”

Gary Valenciano

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaakibat niyon ang Bible verse na Job 5:6, “Although affliction cometh not forth of the dust, neither doth trouble spring out of the ground;”

NOEL FERRER

Nag-text tayo sa nagbabalik na handler ni Gary V na si Vina Pareja para linawin ang ikinabago ng mga plano sa ASAP Natin ‘To.

Ayon kay Vina, nag-positive sa RT-PCR ang driver ni Gary nitong Sabado ng umaga. Then, tinest nila after, nag-negative antigen. Then, negative RT-PCR pero ayaw pa rin payagan as per production rules.

Kaya quarantine muna si GV—kahit both negative results na ang antigen at RT-PCR ng driver niya after the first swab.

Hanggang Nobyembre 6 daw ang quarantine ni Gary V at ng assistant niyang si Vina.

Excited pa naman si Gary V to do ASAP after his dengue bout. We trust in the Lord’s grand plan.

Be well, Mr. Pure Energy!

Ang galing din sa sistema ng ASAP, malalim ang bench nila ng kilalang world class performers kaya kudos to Ogie Alcasid and Jed Madela na nag-step up to take over Gary’s numbers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, double birthday treat ang hatid nina Janine Gutierrez at Ronnie Alonte sa ASAP Natin ‘To this Sunday.

Bigatin ang TikTok hits number nina Edward Barber, Joao Constancia, Sam Concepcion, iDolls, at marami pang iba. Tuloy-tuloy ang hatawan sa sayawan nina Maymay Entrata, Darren, AC Bonifacio at Kim Chiu kasama ang dancing delivery riders na sina Jomak Peladra, Lloyd Corsino, and Neil Alferez sa "ASAP Discoveries” segment.

May Janet Jackson tribute pa sina Zsa Zsa Padilla, Morissette, Nina, at Regine Velasquez.

GORGY RULA

Sa tingin ko naman, magiging bahagi pa rin ng ASAP Natin ‘To si Gary Valenciano.

Ipanalangin na lang natin ang kalusugan niya, na sana okay na siya talaga, para mapanood natin siya muli sa naturang programa.

Siyempre, ang isa sa curious ako sa All-Out Sundays, na ewan ko kung interesado si Sir Noel.

Makiki-all out party na rin kasi ang main cast ng Las Hermanas na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva sa All-Out Sundays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali naman sa comedy segment na Isla Fantasia si Mikoy Morales, ang dating boyfriend ni Thea. Ewan kung magkikita sila roon sa studio ng AOS.

Hindi nga ba sila okay pagkatapos nilang maghiwalay? Happy na kasi ngayon si Thea sa kanyang bagong non-showbiz boyfriend.

Tahimik lang ang Kapuso actress dahil ayaw niyang i-showbiz ang kasaluyan niyang karelasyon.

Bago pa lang daw sila ng non-showbiz boyfriend niya, at happy lang daw siya dahil bukod sa kanyang pamilya, nagbibigay rin daw ito ng inspirasyon sa kanya.

“Happy po ang heart ko. Inspired po. Naintindihan naman po niya ang trabaho ko,” tipid na pahayag ni Thea sa nakaraang virtual mediacon ng Las Hermanas.

Sa Lunes, October 25 na magsisimula ang Las Hermanas sa afternoon drama ng GMA-7.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano, kasalukuyang naka-quarantine dahil nag-positive sa RT-PCR test ang kanyang driver kaninang Sabado ng umaga. Bagamat nag-negative antigen result na ito kinalaunan, minabuti pa rin ni Gary at ng kanyang handler na sumailalim sa self-imposed quarantine hanggang November 6 bilang paninigurado.
PHOTO/S: @garyvalenciano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results