Watch Now

Ana Jalandoni, naunahan si AJ Raval kay Aljur Abrenica

by PEP Troika
Oct 24, 2021
Aljur Abrenica and Ana Jalandoni during the Manipula presscon.
Leading man ni Ana Jalandoni sa kanyang pinagbibidahan at pinrodyus na pelikula ang kontrobersiyal ngayong si Aljur Abrenica.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tampok sina AJ Raval, Rose Van Ginkel, at Ana Jalandoni sa unang Vivamax original movie, ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na nag-streaming noong Enero 29, 2021.

Kapagkuwan ay nagbida si AJ sa Death Of A Girlfriend katambal si Diego Loyzaga, na nag-streaming noong Abril 30.

Palamuti si AJ sa Nerisa na pinagbidahan nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica. Sinubukan dito ang tandem nina AJ at Sean de Guzman. Nag-streaming ito noong Hulyo 30.

Nagbida sina Sean at AJ sa Taya na nag-streaming noong Agosto 27. Suporta rito ang mga baguhang sexy star na sina Angeli Khang at Jela Cuenca.

Nitong Oktubre 8 ay nag-streaming sa Vivamax ang Shoot! Shoot! ni Andrew E, kung saan leading ladies sina AJ at Sunshine Guimary.

May forthcoming film pa si AJ, ang Crush Kong Curly with Wilbert Ross na nakatakdang mag-streaming sa Disyembre.

Si AJ ang break-out star ng taon, at lalong dumami ang nakakakilala sa kanya nang magkamabutihan sila ni Aljur Abrenica, na kahihiwalay lang sa asawang si Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta kamo ang kapanabayan ni AJ na sina Rose at Ana?

Si Rose, ka-love triangle sina Maui Taylor at Janno Gibbs sa 69 + 1 na nag-streaming noong Setyembre 3.

Si Ana, katatapos lang mag-shooting ng launching movie niyang Manipula, kung saan leading man niya si Aljur, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

Si Ana mismo ang producer ng Manipula, isang erotic thriller na mala-I Spit On Your Grave (1978) at Angela Markado (1980), na may bahid ng Tagos ng Dugo (1987).

Sa presscon ng Manipula nitong Oktubre 23, Sabado sa Tipsy Pig, Timog Ave., QC, sinabi ni Direk Neal na sila ni Ana ang pumili kay Aljur para maging leading man sa movie.

Sa tingin ba ni Ana, may rivalry sila ni AJ?

“Diyos ko po, wala naman po siguro! Wala po!” mabilis na sansala ni Ana.

At least, masasabi ni Ana kay AJ na nauna siyang matikman si Aljur bilang leading man sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napahagalpak si Ana, “Ay! Hindi naman po! Ha-ha-ha-ha-ha! Hindi po ganun! Ha-ha-ha-ha! Hindi po!

“Kung ano po yung kanya, kanya.”

Magkaibigan ba sila ni AJ?

“Opo, magkaibigan po kami… sa trabaho, and nirerespeto ko po siya as a woman.”

Okey lang sa kanya na magsama silang muli ni AJ sa pelikula?

“Oo naman. Oo, baka gumawa pa ako ng movie for us.”

So, nag-iingat siya sa tambalan nila ni Aljur at baka pagselosan siya ni AJ?

Ngumiti si Ana, “Hindi naman po. Ahhm, bale alam ko naman po yung boundary ko po. Hindi naman po siguro mangyayari na pagselosan ako.”

Hindi siya magiging… ana-conda? Hindi niya aahasin si Aljur?

“Ay! Hindi po! Hindi po! Malabo pong mangyari yun!”

Kasama rin sa Manipula (as in “Red Peanut”?) sina Rosanna Roces, Alan Paule, Christian Vazquez, Marco Alcaraz, Kiko Matos, at Mark Manicad.

GORGY RULA

Sabi ni Ana, dala ng pandemic na limitado ang negosyo kaya pinasok niya ang pag-aartista. Tinanggap niya ang alok ng Viva na maging contract star nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mahilig kasi talaga sa panonood ng pelikula si Ana, gusto niyang subukan ang pagpu-produce ng pelikula.

Mabuti at pinayagan daw siya ng Viva na gumawa sa labas ng naturang produksyon basta sa sariling film outfit lang, ang AFlix Productions.

Nakapag-ipon ang sexy actress sa negosyo niyang buy and sell, at real estate, gusto raw niyang gamitin ito sa pagpu-produce ng pelikula.

“Now kasi, ‘tong savings ko, gusto kong may marating. Kaya pinasok ko ang pagiging producer. Gusto ko, lumaki ‘to. Gusto ko, marami akong matulungan. Gusto ko, makatulong sa industriya,” pakli ni Ana sa nakaraang presscon ng Manipula.

Sana, mabawi niya ito, dahil gusto raw niya talagang sunud-sunod na mga pelikula ang mapu-produce ng AFlix Productions.

Thankful naman si Aljur na siya ang kinuhang lead actor sa pelikulang ito.

Kahit may mga mga pinagdadaanan, nagagawa raw niyang ihiwalay ang personal niyang problema sa trabaho. “I’m glad, kasi, parang natutunan kong ihiwalay ang trabaho sa personal ko na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa natutunan ko sa industriya, okey ako, masaya ako. Okey ako pag nagtatrabaho. Hindi naman nakakaapekto,” pahayag ni Aljur.

Nakakagulat nga na marami raw projects na inaalok sa kanya. Pero pinipili raw niya talaga at hindi lang basta tanggap lang nang tanggap.

NOEL FERRER

Naku, ang laking challenge nitong pelikulang ito, dahil kailangang patunayan ng mga kasama rito na sila’y hindi lang panregalo kapag Pasko o ang sinasabi noong wooden acting kundi given all their experiences sa buhay, I’m sure nag-level up na sila sa kanilang pagganap.

Sugal din para kay Ana Jalandoni ito kung paano niya mare-recoup ang kanyang investment sa proyektong ito na malamang hanggang online viewing lang muna.

Good luck!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leading man ni Ana Jalandoni sa kanyang pinagbibidahan at pinrodyus na pelikula ang kontrobersiyal ngayong si Aljur Abrenica.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results