NOEL FERRER
Naku, naku, ano itong isyung ito tungkol sa wedding details nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kesyo hindi raw ipinapagamit ni Ellen ang apelyido ni John Lloyd sa anak nilang si Elias na lumabas sa teaser ng isang tabloid?
"Elias Modesto Adarna" raw ang nakalagay sa cropped photo bilang ring bearer.
As clarified by Atty. Joji Alonso sa uncropped picture, may "Cruz" na family name.

Nag-react tuloy si Derek sa Instagram nitong Oktubre 30, Sabado ng umaga.
Nanggagalaiting banta ng aktor: “The ultimate bearer of fake news. We will definitely take legal action on this! Don’t ever attack my family.”
Marami nang mga kaso na ang writers mismo ay hindi aware sa mga headline at title na inilalagay ng mga editors. At may writers na bumitiw sa mga publikasyon dahil napapahamak sa ganitong sensational leads.
Ganoon din kaya ang nangyari sa mga kapatid natin sa panulat sa kasong ito?
Sa panahon ngayon, hindi lang kasi sa COVID dapat mag-ingat kundi pati sa fake news.
JERRY OLEA
Three years old pa lang si Elias noong nakaraang Hunyo.
Pamilya na siyempre ang turing ni Derek kay Elias, kaya nauunawaan natin ang damdamin nito kaugnay sa fake news.
Sa Instagram post ni Derek ay may nag-comment na sana ay hindi na lang iyon pinatulan ng hunk actor, sayang daw ang IG space para sa useless people.
Nagpasalamat si Derek sa naturang opinyon pero nananalig ito, “I think it’s time though for people to speak up about fake news.
“There are still professional journalists out there and it’s unfair for their profession to be tarnished by cheap and unprofeesional [sic] heartless reporting.”

GORGY RULA
Pagkakamali lang ito na sana, mag-erratum na lang ang patnugot ng Bulgar.
Marami pang dapat asikasuhin sina Derek at Ellen para sa kanilang nalalapit na kasal. Baka puwedeng palagpasin na lang.
Kasi, kung palalakihin pa ito, ang inosenteng bata lang ang maaapektuhan.
Huwag na sigurong haluan ng kanegahan ang espesyal na araw nilang dalawa.
Kaya mas pinansin ko na lang ang ganda ng kanilang wedding invitation. Ang sosyal ng dating, at nakini-kinita kong kakaibang wedding ceremony ito na gagawin daw sa isang burol (hill).
Mahigpit na ipinagbiling walang may ilalabas na date. Basta ang narinig lang namin, next month na raw at somewhere in the north ang venue.
Sa Ilocos Sur daw ba gagawin? Tikom ang bibig ng mga napagtanungan namin.
Basta, isa sa tatayong ninong si Manong Chavit Singson.
Malamang, makukuha natin ang buong detalye sa kanilang YouTube channel.
