McCoy de Leon, tinawag na "asawa" si Elisse Joson; kasal na sila?

by PEP Troika
Nov 2, 2021
McCoy de Leon's message for his "asawa" Elisse Joson: "At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize."
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram / @mymetrophoto via @elissejoson Instagram

JERRY OLEA

Halloween, Oktubre 31, Linggo, nang aminin nina McCoy de Leon at Elisse Joson sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na meron na silang baby girl. Kinuha nila si Kuya na ninong ng supling nilang si Felize McKenzie.

Makatulong kaya ito sa promo ng kani-kanyang movie? Si McCoy ay isa sa mga bida sa Yorme The Movie, samantalang gumanap si Elisse bilang daughter ni K Brosas sa Will You Marry?

Nobyembre 1, Lunes, Todos Los Santos, nag-post si Elisse sa Instagram at Facebook ng dalawang cropped pictures ng kanyang panganay.

Emote ng 25-anyos na si Elisse (published as is), "Our little angel (angel emoji) ready to say hello to the world.

"Dearest Felize,

"Life was uncertain before you came. I didn't know which path to take, the choices to make. I didn't know what to be, what I want to be.. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.

Continue reading below ↓

"I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you, our greatest blessing, in our lives."

Sa eponymous YouTube channel ni Elisse, bidang-bida si Baby Felize sa vlog na “ADIML” (A Day In My Life.”

Nito ring Lunes ng hapon, nag-emote ang 26-anyos na si McCoy sa Instagram at Facebook, kalakip ang litrato nila nina Elisse at Baby Felize.

Continue reading below ↓

Lahad ni McCoy, "Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag asa ng nanay mo.

"Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito.

"Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon.

"Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako.

"Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.

"Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo.

"Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako... kaya salamat Elisse ko.

"At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo.

Continue reading below ↓

"Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize."

Asawa? Kasal na ba ang McLisse? If ever hindi pa, kukunin ba nilang ninong sa kasal si Kuya?

GORGY RULA

Nakapanayam pa namin si McCoy de Leon nung June 17 nang mag-courtesy call sila kay Mayor Isko Moreno para sa promo nila ni Xian Lim na Yorme: The Movie.

Doon siya natanong kung okay na ba sila ni Elisse, lalo na sa ina ng aktres.

Ang ganda ng ngiti n McCoy nang sinabi niyang okay na sila at lalong lumalim ang kanilang relasyon.

Maaaring nagdadalantao na noon si Elisse kaya niya nasabi yun. Deretsahan niya ring sinabing si Elise na ang gusto niyang makasama sa buhay.

Ngayon ay malaya na nilang naipu-post ang kanilang baby, at ang saya nila. Abangan na lang natin kung kailan ang announcement ng kasal.

Maaaring matagal-tagal pa, dahil sinasabi rin noon ni McCoy na kailangan pa niyang mag-ipon para sa future nila ni Elisse.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana nga, masaya na sina Elisse at McCoy sa kanilang buhay “mag-asawa,” lalo na’t may bunga na ng kanilang pagmamahalan.

Teka, paano na kaya si Jameson Blake na minsan ding na-link kay Elisse?

Oh well, mahirap talagang maging Pambansang Third Wheel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon's message for his "asawa" Elisse Joson: "At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize."
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram / @mymetrophoto via @elissejoson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results