MMFF 2021, tuloy na tuloy kahit anong mangyari; official entries, mapapanood na sa mga sinehan

by PEP Troika
Nov 3, 2021
Alin-aling mga pelikula ang magiging official entries sa Metro Manila Film Festival 2021?

NOEL FERRER

Ang Metro Manila Film Festival (MMFF)—the biggest, most popular, and longest-running local filmfest—pushes through despite the pandemic.

Tuloy na tuloy ito anuman ang mangyari!

Sabi nga, COVID cannot dampen the Filipino Christmas spirit and the MMFF Executive Committee has decided to bring this holiday tradition.

This year, the MMDA/MMFF Executive Committee Head Benhur Abalos has been pressing for the re-opening of the cinemas.

Maraming nagsasabi na sila ang ang in-charge sa pagbubukas muli ng sinehan, pero ang MMDA, kasama ng member mayors, ang diretsong gumawa ng mga feasibility studies sa IATF para makumbinsi at ma-approve ang pagbubukas muli ng mga sinehan.

Earlier on, the MMDA/MMFF has helped vaccinate film industry members, production companies and our partner-theater operators to ensure the safety and welfare of our stakeholders, and attempt to restart our economy by pressing to the IATF (where MMDA is a part of) the reopening of the cinemas.

Continue reading below ↓

After careful and thorough deliberations with the IATF, the MMDA and the MMFF Execom upon consultation with the CEAP has been working for the gradual easing up of the restrictions and finally the November 10 gradual re-opening of the movie houses.

With this partnership, we hope to expand the audience percentage by holiday season so that MMFF may reach more people and the Filipino Christmas experience will be complete by watching MMFF movies.

As MMDA/ MMFF Execom Chairman Benhur Abalos says, “We enjoin the public to be one with the entertainment industry and the other stakeholders including the MMFF beneficiaries who have been hardly hit by this pandemic to make this re-opening of the theaters and this year’s MMFF 2021 a success.”

Off hand, there are 19 finished film submissions and the selection committee shall be evaluating them in order to come up with the 8 official entries which will be announced in the next two weeks.

Continue reading below ↓

Kung excited na kayo, kami rin mismo dito sa PEP Troika ay sobrang looking forward na sa pagbabalik ng MMFF sa mga sinehan.

Ano ang mga pelikulang lokal na excited kayong panoorin sa big screen, mga ka-PEP?

JERRY OLEA

Magkakaroon pa ba ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong 2021?

Buong buwan sana ng Nobyembre ang proyektong ito ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinangungunahan ni Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra.

Nabalitaan nating katuwang ang FDCP sa QCinema 2021 (Nobyembre 26-Disyembre 5) na isang hybrid film festival.

Ipapalabas ang mga pelikula ng QCinema 2021 sa Gateway Cineplex 10 sa Cubao, Quezon City. Ang online screenings ay sa KTX.

Mapapanood ang Hollywood films na Dune at A Quiet Place II sa Nobyembre 10, Miyerkules; Black Widow at Don’t Breathe 2 sa Nobyembre 17; Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings at Malignant sa Nobyembre 24.

Ini-announce ni Direk Joven Tan sa Facebook na Disyembre 1 ang pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story.

Continue reading below ↓

Siyempre, kung makabilang ang Benhursa walong official entries ng MMFF, sa Pasko na ang playdate nito.

Sa MMFF this year, wala pa ring bagong pelikula sina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Vice Ganda.

Puwede namang magmaganda ang Mudrasta ni Roderick Paulate, sa direksiyon ni Julius Alfonso.

Kabadingan din pero makabuluhan ang Big Night ni Christian Bables, sa direksiyon ni Jun Robles Lana. Co-stars dito sina John Arcilla, Eugene Domingo, Gina Alajar, Gina Pareño, Janice de Belen, Ricky Davao, Nico Antonio, Alan Paule, Soliman Cruz, Ogie Diaz, Martin del Rosario, Awra Briguela, Sue Padro, at Cedrick Juan.

Continue reading below ↓

Masaya kung makakasali ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa na launching film ni Teejay Marquez, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Isa pang Joel Lamangan film na kaabang-abang ay ang Deception na balik-tambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Para sa katatakutan, andiyan ang star-studded trilogy na Huwag Kang Lalabas sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Kasama sa cast nito sina Kim Chiu, Beauty Gonzalez, Aiko Melendez, Jameson Blake, Elizabeth Oropesa, Matet de Leon, at marami pang iba.

Palaban siyempre sa awards ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) nina Daniel Padilla at Charo Santos.

Sabik din tayong mapanood ang A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo. Napili itong official entry sa naudlot na 1st Summer MMFF (Abril 11-21, 2020).

May isa pang napiling entry sa 1st Summer MMFF na hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas, ang Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, sa direksiyon ni Prime Cruz.

Continue reading below ↓

Abangan po natin ang announcement ng official entries ng MMFF 2021!!!

GORGY RULA

Napag-usapan nga natin, Sir Noel, sa radio program namin sa DZRH kagabi, hinihimok pa ng Executive Committee ng MMFF si Congreswwoman Vilma Santos-Recto na maging bahagi sa Selection Committee.

Sana, tanggapin ito ni Vi, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Nobyembre 3, Miyerkules.

Nung nakatsikahan namin si Jomari Yllana na konsehal ng Parañaque, binanggit nitong suportado niya ang pagbubukas ng mga sinehan, at tinitiyak daw nilang safe ang mga sinehan sa Parañaque.

Nandiyan daw ang suporta nila sa sinisimulang campaign ng FDCP na #NoodTayoNgSine.

Ani Jomari, “We support the business, the cinemas sa Parañaque. Nandito tayo with everyone, with the proper health protocols… saka kung kailangang merong batas para makapag-umpisa na, makabangon ang industriya ng pelikula, gagawin natin yun.

“Naniniwala ako, magbubukas ang mga sinehan with proper health protocols. Magbubukas na rin tayo ng red carpet para sa ating mga premiere night. Kasi ginagawa na ito sa ibang bansa, e.”

Continue reading below ↓

Marami pang kailangang ayusin para matiyak lang na safe ang mga manonood sa mga sinehan, lalo na pagdating ng Metro Manila Film Festival.

Pinag-uusapan pa ng MMFF Executive Committee ang iba pang activities para sa taunang filmfest. Magkakaroon kaya ng parada, pati ang theater tour, at face to face na awards night?

Pagdating sa mga sinehan, inaasahang pagdating ng December ay mataaas na ang capacity sa sinehan.

Kung 30 percent muna ang capacity sa pagbubukas nito sa November 10, sana ay tumaas pa pagdating ng December.

Sana, tuluy-tuloy na ang pagbaba ng COVID cases para makamit natin ito.

Ngayong araw, November 3 ay 1,591 na lang ang karagdagang kaso ng COVID, at 4,294 na ang mga gumaling. Pero may 186 naman na pumanaw.

Makamit kaya natin ang target na herd immunity pagdating ng Pasko? Sana.

Para ma-enjoy naman natin ang panonood sa mga sinehan ng walong pelikulang kalahok sa MMFF 2021.

Continue reading below ↓

MOE PEP TROIKA STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alin-aling mga pelikula ang magiging official entries sa Metro Manila Film Festival 2021?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results