Aktres, may misteryosong karamdaman; Aktor, tumakas sa lock-in taping

by PEP Troika
Nov 4, 2021
blind item actress and actor

GORGY RULA

Nagkakaproblema ngayon ang taping ng isang drama series na naka-lock in sa isang probinsiya dahil sa dalawang cast members.

Una, ang isang aktres na bahagi ng drama series ay kailangang palabasin ng bubble taping dahil sa kanyang misteryosong karamdaman.

Hindi raw COVID-19, pero natatakot sila kung ano talaga ang karamdaman nito na kailangan niyang maospital at dumaan sa series of tests.

Sobrang sakit daw ang nararamdaman ni Aktres sa ilang bahagi ng katawan, pero hindi masabi ng aming source kung saan banda dahil hindi raw sinasabi sa kanila kung gaano kalala ang sakit nito.

Sinasabi ng aktres sa ilang malapit na kaibigang may sakit siya, pero hindi niya maibigay ang buong detalye ng kanyang kalagayan. Kailangan talaga siyang ipa-checkup kaya pinayagan itong lumabas.

Hindi namin alam kung sandali lang o pababalikin pa ang aktres sa lock-in taping. Panalangin naming gumaling siya at malagpasan ang kasalukuyang karamdaman.

Samantala, kailangang i-quarantine uli ang isang aktor na bahagi rin nitong drama series.

Continue reading below ↓

Nabukelya ng production staff ng drama series na tumakas sa location si aktor habang natutulog silang lahat. Hindi alam kung saan siya pumunta, pero apat na oras itong nawala at nakarating ito sa production staff.

Hindi muna siya isinama sa taping. Kailangan siyang dumaan uli sa ilang araw na quarantine, at i-RT-PCR test para matiyak na negative at walang madadalang virus mula sa labas.

Kailangan talaga nilang mag-ingat at sundin ang mga ipinatutupad na safety protocols. Ano ang silbi ng lock-in taping kung labas-masok ka sa location, di ba?

Kaya ang ending, ilang araw ang nawala kay Aktor na hindi siya kumikita dahil sa ilang araw na pagku-quarantine.

Wala lang kaming ideya kung anong adjustment ang ginawa sa script na hindi na muna kasali si Aktor, at ganun din si Aktres na may sakit.

NOEL FERRER

Naku, saan kaya nagpunta itong si Aktor? Hindi kaya niya alam na puwede siyang maging health risk sa mga kasamahan niya sa set?

Continue reading below ↓

Iniba talaga ng COVID ang kalakaran ng mundo, bawal nang tumakas nang walang paalam. Kasi, maano bang magpasabi na lang muna sa production kung emergency talaga ito?

So, yung four hours ng pagkawala ay nagbunsod ng pagkablanko o bokya sa taping dahil kailangang mag-quarantine siya at mag-test ulit kung sakali.

Tuloy, usap-usapan siya sa taping kaya, dapat talaga, kung ano ang napagkasunduang protocols at system, yun ang masusunod!

Don’t think na makakalusot ito sa production, kasi lahat tutok at ingat sa kanilang kalusugan at buhay.

Pero ang tanung-tanungan sa set, saan nga ba nagpunta ang aktor na ito at nawala ng apat na oras?

JERRY OLEA

Maraming dumadalangin upang bumuti ang kalagayan ng aktres. Naawa sa aktres ang isang close friend niya dahil babalik na ito sa lock-in taping kahit hindi pa ganap na nakaka-recover.

Sabi ng close friend, giniginaw ang aktres kahit naka-heater ang tinutuluyan nito. Importante ang karakter ng aktres sa serye, hindi puwedeng mawala na lang basta o magkaroon ng kahalili.

Continue reading below ↓

Tungkol sa mahiwagang pagkawala ng aktor ng apat na oras, blangko ang isip ko. Hindi ko mawari kung saan siya nagliwaliw.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results