Anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, wish magkaroon ng "baby sister"

by PEP Troika
Nov 7, 2021
tali fourth birthday
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Ang bilis ng sagot ni Talitha na ang magkaroon ng "baby sister" ang birthday wish niya sa kanyang fourth birthday.

Bahagi na ng Dabarkads ang unica hija nina Vic Sotto at Pauleen Luna, kaya may birthday cake din siya sa Eat Bulaga! noong Sabado, November 6.

Binati siya ng hosts na sina Jose Manalo, Waly Bayola, Paolo Ballesteros, MJ Lastimosa, at Maja Salvador bago nila sinimulan ang segment na "Bawal Judgmental."

Hawak ni Pauleen ang cake at pinag-blow ng candle ang bagets.

Tinanong ng hosts si Tali kung ano ang birthday wish niya, at walang kaabug-abog na “baby sister” ang kanyang sagot.

Napangiti na lang si Bossing Vic.

Continue reading below ↓

“Matagal na niya pinagdadasal,” text sa akin ni Pauleen nang tinanong ko siya kung gusto na ba talaga ni Tali na magkaroon ng baby sister.

Tinext ko rin si Pauleen para sabihing ang bait naman ni Tali na hindi nagseselos at gusto niya ng kapatid, na tiyak na mabibigyan ng atensiyon at pagmamahal gaya ng ibinigay ng kanyang mga magulang.

“Di siya nagseselos, NGAYON! Pag meron na ewan ko rin [laugh emoticon],” sagot ni Pauleen.

Nakikita kasi sa ilang posts ni Pauleen na mahilig talaga sa baby si Tali, at mabait siya sa mga kalaro niya.

“Napakalambing na bata. Wala na kami mahihiling pa,” text uli ni Pauleen.

Dagdag na kuwento ni Pauleen, simple lang ang celebration nila ng 4th birthday ni Talitha. Pamilya lang ang dumalo dahil marami namang mga bata sa kanila.

May dalawang friends lang daw si Tali na pinaimbita at wala talagang party. Nag-prepare lang daw si Pauleen ng activities para sa mga bata.

Continue reading below ↓

“Ang request lang niya this birthday, e, to ‘open presents,’ hehehe,” text niya uli sa akin.

Pero kagaya ng hiling ng kanilang anak, gusto na rin daw nina Pauleen at Vic na masundan si Tali, in God’s perfect time.

NOEL FERRER

Madaling gumawa ng baby lalo na sa panahon ng pandemya na laging magkakasama ang pamilya. Pero sa kakaibang ikot ng mundo, medyo challenge magpalaki ng bata sa panahon ng social media.

Ngayon pa nga lang ay nahaharap na si Talitha sa ganung bashers, pero mabuti na lang na wala dun ang focus ng kanyang pamilya.

All good vibes and all the best for Talitha ang gusto nating lahat pati na kina Pauleen at Bossing Vic Sotto.

JERRY OLEA

Kailangan sigurong magsipag sina Bossing Vic at Pauleen sa attempts na makabuo muli.

OK lang kaya kung baby brother ang dumating, if ever?

Oh, well… let’s just wait and see kung ano ang takda ng tadhana.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results