MTRCB, may bago nang chairman; filmmakers, ano ang opinyon sa muling pagbubukas ng mga sinehan?

by PEP Troika
Nov 10, 2021
bonifacio cinemas
Direk Erik Matti on reopening of cinemas: "I don’t have problems going into the cinemas. What’s hoding me back lang is getting the right numbers that we’re having about the COVID cases."
PHOTO/S: Bonifacio High Street Facebook

JERRY OLEA

Kasabay ng pagbubukas ulit ng mga sinehan ngayong Nobyembre 10, Miyerkules, pinutol ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang extension ng 2020 Deputy Cards, at nalaman natin kung sino ang bagong MTRCB chairman.

Nobyembre 25, 2020 nang ilabas ng MTRCB ang MTRCB Memorandum Circular 02-2020 kaugnay sa extension ng validity ng 2020 Deputy Cards hanggang Disyembre 24, 2021.

Pirmado ni dating MTRCB Chairperson Maria Rachel J. Arenas ang memo na nag-atas sa cinema operators, “Pursuant to the Board’s power to inspect all public exhibitions of motion pictures, and in the light of its authority to exercise such powers and functions as may be necessary or incidental to the fulfillment of its mandate (Section 13 in relation to Section 3 (k), P.D. No. 1986), it is hereby declared that the validity of deputy cards for year 2020 (silver white with red stripes color on its face and silver on its dorsal side) is extended until 24 December 2021.

Continue reading below ↓

“Until otherwise declared by the Board, the legitimate bearers of the aforesaid deputy cards shall be admitted to all public exhibitions of motion pictures during the extended period of validity in the due exercise of their inspection and monitoring duties.”

Naibalita ng katotong Jojo Gabinete noong Oktubre 11, 2021 dito sa PEP na nagbitiw si Maria Rachel Arenas bilang MTRCB Chairperson dahil muli itong kakandidato bilang house representative ng 3rd District ng lalawigan ng Pangasinan.

Itinalaga ang MTRCB board member na si Consoliza Laguardia bilang Officer-In-Charge ng MTRCB umpisa noong Oktubre 1 — ang araw na naghain ng certificate of candidacy si Rachel sa Commission on Elections sa Dagupan City.

Nitong Nobyembre 5, Biyernes, ay naglabas ang MTRCB ng statement kaugnay sa re-opening ng cinemas. Pirmado iyon ni MTRCB Executive Director II and Spokesperson Jose Benjamin A. Benaldo.

Ngayong Nobyembre 10, Miyerkules, inilabas ng bagong MTRCB Chairman na si Atty. Jeremiah P. Jaro ang Memorandum Circular 01-2021 kaugnay sa Revocation of 2020 Deputy Cards:

Continue reading below ↓

“As per Board Resolution No. 03, Series of 2021 dated 19 October 2021, the Board resolved to revoke Memorandum Circular No. 02-2020 which extended the validity of all Deputy Cards to 24 December 2021…”

NOEL FERRER

In fairness sa nakaraang MTRCB chairman na si Maria Rachel Arenas, maganda ang kanyang naging tatak sa ating industriya. Co-terminus ang term ng MTRCB Chair sa appointing officer na Presidente ng Pilipinas.

Ang hamon kay bagong MTRCB Chair Jeremiah Jaro ay tumulong buhayin muli ang ating napahinga o nahimlay na industriya ng pelikula.

Masaya tayong nagbukas na ang mga sinehan at ipinalabas ang Dune at A Quiet Place II, pero wala pang local producer ang naglakas-loob para magpalabas ng pelikula nila.

Mauuna ang QCinema with their original short films sa Nobyembre 26-Disyembre 5. Maliban sa KTX screening, mag-i-screening ang kanilang entries sa Gateway Cineplex 10 sa Araneta City, Cubao, Quezon City.

Alam ninyo kung saan ako excited? Sa CCP Exhibition ng On The Job 2 na pinanalo ni John Arcilla ng Best Actor sa prestihiyosong 78th Venice Film Festival.

Continue reading below ↓

At least, kung sa CCP ipalalabas yun, walang cuts dahil censorship-free ang CCP!

GORGY RULA

Ilan sa mga filmmakers na napagtanungan ko ay hiningan ko na rin ng kanilang pananaw sa pagbubukas ng mga sinehan.

Si Direk Joven Tan ng pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story ay hesitant pa ring lumabas para manood sa sinehan. Diabetic daw siya kasi kaya bahay at office lang daw siya.

Pero ang musical film niyang Yorme ang unang Tagalog film na ipalalabas sa mga sinehan.

“According sa Viva, kami raw ang kauna-unahang Tagalog movie na maglalabas dito sa pag-reopen ng mga sine. Base sa record na nasilip ko, kami yata ang unang ipalalabas.

“Optimistic naman kami na sana maging maayos ang lahat, saka inaayos naman ng mga may-ari ng sine ang mga protocols para maging sigurado na safe naman ang mga manonood,” saad ni Direk Joven nang nakapanayam ko sa DZRH nung Martes, November 9.

Continue reading below ↓

Sa katatapos lang na virtual mediacon ng Upstream.Ph, kung saan ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary, may pahayag din sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde tungkol sa pagbubukas ng mga sinehan.

Ani Dondon, “Kung ino-observe naman talaga ang distancing, tingnan natin. Marami pang kailangang pag-aralan.

“Nakikita ko kasi sa ibang bansa, when they open up, nandun ang mga tao tapos meron na silang mga 30-plus thousand na cases, di ba?

“Parang nakakatakot siya, e. I don’t want to be a victim of that. It’s a learning process pa talaga for us.”

Pahayag naman ni Direk Erik Matti, “What’s holding me back lang... I don’t have problems going into the cinemas. What’s hoding me back lang is getting the right numbers that we’re having about the COVID cases.

“I’m not really sure if it’s the right number. Hindi ko naman na-generalize.

"In other countries, I mean… I went to Venice, nakikita mo yung malasakit sa safety ng tao.

Continue reading below ↓

“Kapag pumasok in an enclosed space… ito sa atin, we’re not really sure if everyone thinks that way, or inuuna lang ang negosyo.

“So, nakakatakot talaga. Kasi, nakikita naman natin, lahat naman tayo, tinamaan naman talaga at least one COVID patient, di ba? It’s no joke kung gaano kahirap.”

Kaya kahit magbubukas na ang mga sinehan, at kung tuluy-tuloy na ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan, tuloy pa rin kina Dondon at Direk Erik ang Upstream.

Marami silang naka-lineup na original local films at international films na sa Upstream mapapanood.

Sa tingin ko, makakatulong din iyan sa ating industriya dahil meron na sa mga sinehan, at tuloy pa ring may napapanood sa digital at streaming app.

Nasa atin na iyan kung saan tayo kumportableng manood.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Erik Matti on reopening of cinemas: "I don’t have problems going into the cinemas. What’s hoding me back lang is getting the right numbers that we’re having about the COVID cases."
PHOTO/S: Bonifacio High Street Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results