Matuloy kaya ang planong fluvial parade ng MMFF 2021?

by PEP Troika
Nov 13, 2021
MMFF Magic 8 entries
Sa Pasig River kaya masisilayan ng fans ang pagparada ng mga artistang may pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2021?
PHOTO/S: Screenshot from MMFF movies

JERRY OLEA

Malamang sa alamang na matindi ang labanan nina Dingdong Dantes (A Hard Day), Daniel Padilla (Whether the Weather is Fine), at Christian Bables (Big Night) bilang Best Actor sa 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.

Dark horse sina Raymond Bagatsing (Nelia) at Ken Chan (Huling Ulan sa Tag-araw).

Dalawang beses nang naging MMFF Best Actor si Dingdong, at sa magkasunod na taon—Segunda Mano (2011) at One More Try (2012).

Interesting din ang labanan sa pagka-Best Actress. Andiyan ang tatlong bida sa horror trilogy na Huwag Kang Lalabas—sina Aiko Melendez (Bahay), Beauty Gonzalez (Kumbento) at Kim Chiu (Hotel).

Andiyan din sina Charo Santos (Whether The Weather Is Fine), Rita Daniela (Huling Ulan sa Tag-araw), Toni Gonzaga (The Exorsis) at Winwyn Marquez (Nelia).

Bet kong manalo si Ma’am Charo. Apat na dekada na, pero sariwa pa sa aking diwa ang nangyari sa MMFF 1981 entry niyang Kisapmata.

Sa pag-uumpisa ng filmfest ay kulelat sa takilya ang pelikula. Sa gabi ng parangal, sampu ang nominasyon nito, at napanalunan nito lahat iyon.

Continue reading below ↓

Kabilang sa awards ng Kisapmata ang best picture, best director (Mike de Leon), best actor (Vic Silayan), best supporting actor (Jay Ilagan), best supporting actress (Charito Solis), best screenplay, best story, best editing, best production design, at best sound engineering.

'Ayun, pumasok sa Top 3 ng takilya ang nakakahilakbot na pelikula.

Pero iyon nga, sa apat na pangunahing artista ng pelikula ay bukod-tanging si Charo ang hindi nominado.

Ang tinanghal na best actress ay Santos din, si Vilma Santos para sa Karma.

Para sa MMFF 2021 Best Supporting Actor, llamado si John Arcilla (A Hard Day) na nagwaging best actor sa 78th Venice International Film Festival para sa On The Job: The Missing 8.

May cameo si John sa Big Night.

Si Soliman Cruz, kasama sa tatlong MMFF 2021 entries—Huwag Kang Lalabas, Big Night, at Huling Ulan sa Tag-araw.

Para sa MMFF 2021 Best Supporting Actress, palaban ang baguhang si Rans Rifol (Whether The Weather Is Fine) sa mga beterana.

Continue reading below ↓

Sa Big Night, andiyan sina Eugene Domingo, Gina Alajar, Gina Pareño, Janice de Belen, at Sue Prado.

Sa Huwag Kang Lalabas, merong Elizabeth Oropesa at Matet de Leon.

Sa The Exorsis, kabogera si Alex Gonzaga.

Sa Nelia, pwedeng makasilat si Ali Forbes o si Dexter Doria (na nagwaging best supporting actress recently sa Gawad Urian, katabla si Hazel Orencio).

At para sa Huling Ulan sa Tag-araw, pwedeng mag-winwyn si Lotlot de Leon.

GORGY RULA

Mahirap pang mag-assume dahil wala pa tayong napapanood. Pero noon pa man ay naririnig kong puring-puri ni Direk Law Fajardo si Dingdong dito sa A Hard Day.

Pero may nagtatanong kung makakalaban ba niya ang co-star niya rito na si John Arcilla.

NIlinaw ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo na sa isinumiteng filmography ng Viva ay nasa Supporting Actor si John.

Puwede naman talagang lumaban dito si Dingdong, pero panoorin muna natin ang ibang entries.

Sa December 27 ang Gabi ng Parangal. Curious ako kung matutuloy ba ang planong magkakaroon ng fluvial parade sa December 23 sa Pasig River.

Continue reading below ↓

Iyon bale ang Parade of Stars ng MMFF 2021.

Paano kaya mapanood ito ng mga tao na may social distancing pa rin? Sa ngayong taon ay wala munang lungsod na maghu-host kundi nasa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) muna ito. Tulung-tulong ang mga mayor.

Sa fluvial parade ay punong-abala siguro ang mga LGU ng Pasig, Makati, Mandaluyong at Manila.

Halos lahat ng taga-movie industry ay hangad na maging successful itong ngayong taong MMFF para tuluyan na talagang maibalik ang dating sigla ng Pelikulang Pilipino.

NOEL FERRER

Sa aming panayam ngayong Nobyembre 13, Sabado ng umaga sa Bida Konsyumer sa ABS-CBN ay muling nasabi ni Chairman Benhur Abalos ang suggestion sa MMFF Execom na gawin ang Parade of Stars sa Pasig River at naka-ferry ang film entries.

Magiliw na tinanggap ito ng producers na bawas gastos sa pagrenta ng truck para sa float.

Kailangan lang i-decorate ang ferry at i-observe talaga ang safety protocols.

Continue reading below ↓

Walang iisang siyudad ang puwedeng magsagawa at mamuno sa MMFF 2021 kundi lahat daw ay mai-involve, sabi ni Chairman Abalos.

Sa rule on face shields, na-submit na nila ang resulta ng rekomendasyon ng MMDA.

Pero hindi tulad ng ibang nauna nang mayors, gusto ni Chairman Abalos na abang-abang na lang daw at manggagaling ang balita mula sa Malacañang.

Ang update ay ang MMFF 2021 Awards Night ay gaganapin sa SM Aura Convention Center on Disyembre 27.

Nakaka-excite at tunay ngang nakakapanabik ang pagbabalik ng MMFF sa mga Sinehan.

Salamat, MMDA at CEAP!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Pasig River kaya masisilayan ng fans ang pagparada ng mga artistang may pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2021?
PHOTO/S: Screenshot from MMFF movies
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results