Legal Wives, mas naging makabuluhan dahil sa Muslim-inspired story

by PEP Troika
Nov 13, 2021
Legal Wives
Sa pagtatapos ng Kapuso teleseryeng Legal Wives, bukod sa mataas na rating ay mas naging makabuluhan ito dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa isang Muslim-inspired story sa telebisyon.

JERRY OLEA

Maluwalhati ang send-off sa Legal Wives nitong Nobyembre 12, Biyernes, sa GMA Telebabad.

Ikinasal si Marriam (Ashley Ortega) kay Edgar (Derrick Monasterio). Sinundo ni Imam (Al Tantay) ang second wife niyang si Zaina (Cherie Gil) sa airport.

Legal Wives

Kaya nasa bahay sina Imam, Nuriya (Irma Adlawan) at Zaina nang iniuwi ni Ismael (Dennis Trillo) ang first wife niyang si Amirah (Alice Dixson) na naka-wheelchair.

Continue reading below ↓

Legal Wives

May moment si Amirah at ang malapit nang manganak na si Diane (Andrea Torres). Sabi ni Diane, lalaki ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at papangalanang Nasser.

Legal Wives

Continue reading below ↓

Si Nasser (Alfred) ang namayapang first husband ni Amirah, half-brother ni Ismael, anak ni Nuriya.

Naging maayos na talaga ang turingan nina Amirah at Diane, parang sina Nuriya at Zaina. Habang magkahawak silang nagtatawanan ay pinagmamasdan sila ni Ismael.

Legal Wives

Facebook post kapagkuwan ng Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero, “Sa totoo lang, mahirap gumawa ng Muslim serye. Ibang iba kasi ang psyche at beliefs ng isang Muslim sa Christian. Kaya paano isisulat ng mga gaya naming Kristyano ang kwentong Muslim?

Continue reading below ↓

“Kaya hard work ang pagsusulat na may kasamang research at guidance ng mga Imam. Di pwedeng hinuhulaan lang ang pagbubuo ng mga scene at characters. Masakit sa ulo pero masarap gawin kasi challenging.

“Pinakamalaking problema ang initial na impression sa show. Maraming may ayaw nung hindi pa naipaplabas. Baka raw kasi anti-Islam.

“Masyado kasing protective ang ating mga kapatid na Muslim sa kanilang relihiyon at sa kultura kaya talagang inilalaban nila ito. Na wala namang masama. Dapat rin naman talagang ilaban at protektahan.”

Ikinuwento ni Suzette na maraming taon na ang nakaraan nang magtangka silang gumawa ng teledrama na ang title ay "Haram."

Ani Suzette, nahusgahan agad itong anti-Islam. Maraming nag-ingay at nag-petition na huwag ituloy. May kung anu-anong banta kaya hindi iyon itinuloy.

Salaysay ni Suzette, “Kahit ang totoo ay balik-Islam ang tema talaga ng show na iyon. Pero wala na kaming magawa kungdi isuko na lang.

“Mabuti na lang at hindi nadala ang GMA na mag produce pa ng isang Muslim series. Itong Legal Wives nga.

Continue reading below ↓

“Pero gaya sa 'Haram,' hindi pa naipapalabas ay may mga nag react na rin. Kesyo bababuyin raw namin ang Islam at ang kulturang Maranaw.

“Hindi pa man naeere pero may isang kilalang Sheykh na rin ang kumastigo sa show (at may isa siyang follower na gusto pa akong sampalin as if natatakot ako. Mag tawbah ha di pa kayo nag so sorry sa pagiging judgemental lols).

“Noong enere, may mangilan ngilan pa ring nagsalita laban sa show kahit di naman nanonood pero generally ay tinanggap ito bilang isang soap na bagamat hindi 100 percent na halal ay may dawah naman.

“Dawah, kaya maraming krstyano ang naliwanagan kahit kaunti, kung ano ang Islam. At kung ano ang duwaya o polygyny. At dahil dito, palagay ko ay nagtagumpay kami. Kaya Salamat sa panonood!”

Nagpasalamat si Suzette sa Team Legal Wives at ang kanyang PS, “Hindi ko akalain na magre rate ang show. Nung una kasi ay napufrustrate pa ako haha. Kaya naghinahpis ang ate nyo hahaha.

Continue reading below ↓

“Mabuti at dumami ang audience kalaunan. Nadala ata sa word of mouth na matino ang palabas. Salamat mga kapuso at pinatunayan ninyo na pwedeng mag rate ang ganitong plabas. Mahal namin kayo. Muah!”

Ang kapalit ng Legal Wives simula Nobyembre 15, Lunes, ay ang I Left My Heart In Sorsogon nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

Sa Nobyembre 22, Lunes ng 8:50 pm babalik ang sinasabing epic teleserye nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na The World Between Us.

GORGY RULA

Naka-16.9% ang rating ng Legal Wives noong nakaraang Miyerkules, November 10.

Masaya ang buong team ng Legal Wives, na wala tayong kamalay-malay sa gitna ng pagti-taping na ito ni Dennis Trillo ay inaayos pa pala nila pagkakaroon ng baby nila ni Jennylyn Mercado.

Bago sila bumalik sa lock-in taping ay naisingit pa pala ni Dennis ang pagpunta sa Amerika para alalayan si Jennylyn na inaayos ang pag-fertilize dapat ng egg cells niya bilang paghahanda sa surrogacy.

Continue reading below ↓

Pero naiba ang plano nang biglang nabuntis si Jennylyn at siya na mismo ang magdadala ng magiging baby nila ni Dennis. Dito muna sila naka-focus bago ang pagiging legal wife ni Jennylyn.

Maganda ang kabuuan ng Legal Wives at na-achieve nila ang gusto nilang iparating sa mga manonood. Excited din ako sa ipapalit na I Left My Heart in Sorsogon.

Ngayong binubuksan na ang turismo sa ating bansa, maganda ring nagpi-feature tayo ng mga magagandang tanawin ng Pilipinas, at isa na rito ang Sorsogon na napakaganda naman talaga.

Andiyan ang whaleshark (butanding) interaction sa Donsol, hot springs at Danao Lake sa Irosin, Malawmawan Island sa Castilla, Bulusan Lake sa Bulusan, Subic Beach sa Matnog, Panumbagan Sandbar sa Pilar, Bagatao Island sa Magallanes, at marami pang iba.

Kaya proud si Heart Evangelista sa bago niyang drama series na suportado nang husto ni Gov. Chiz Escudero.

“Sobrang supportive niya. Kasi kahit bumibiyahe ako nung sa past, eto talaga yung na-lock in ako nang matagal.

Continue reading below ↓

“So, nanibago siya, sa totoo lang. Nanibago siya na minsan parang nasasabi niya na nasa-sad daw siya…. parang ramdam niya yung pagkawala ko sa buhay niya.

“But yet, he’s keeping himself busy and I’m just happy na napaka-supportive niya especially nung nasa Sorsogon kami, talagang hands-on kasi si Chiz sa lahat ng bagay.

“Nakakataba ng puso na again, when you marry someone, you don’t just marry someone because in love kayo sa isa’t isa, pero kailangan makapangasawa ka rin ng taong kaibigan mo talaga at nandiyan para sa ‘yo in different aspects.

“So, naipakita yung side na yun sa kanya and for Sorsogon, of course, he was all-support because siyempre nung naging governor siya, talagang pinaghandaan niya yung pag-reopen ng mundo ng mga turista pumunta ng Sorsogon, kung ano na ngayon yung Sorsogon,” saad ni Heart.

NOEL FERRER

Owww, hindi lang pala sa politika may galawan, pati sa telebisyon next week.

Continue reading below ↓

Good luck sa pagpalit ng I Left My Heart in Sorsogon sa The Legal Wives, at ang pagpalit ng Viral Scandal sa Huwag Kang Mangamba.

Nandiyan na rin at in production na ang Voltes V Legacy: Lolong, First Lady, Mano Po: The TV Series, Prima Donnas (Season 2), Love. Die. Repeat, Darna: The TV Series, Flower Of Evil at marami pang iba.

Sana lang, part of it… hindi lang basta drama o teleserye pero iyung may kagat sa realidad at magiging daan sa pagpapabago at pagpapaunlad ng ating buhay.

“Sana”… na may buntong-hininga.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagtatapos ng Kapuso teleseryeng Legal Wives, bukod sa mataas na rating ay mas naging makabuluhan ito dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa isang Muslim-inspired story sa telebisyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results