Bea Alonzo-John Lloyd Cruz movie project, matuloy pa rin kaya?

by PEP Troika
Nov 13, 2021
Marami ang nagtatanong kung matutuloy pa rin ang movie project nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na No Goodbyes, sa ilalim ng Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina (kaliwa)
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @johnlloydcruztm and @beaalonzo on Instagram

GORGY RULA

Ang titindi ng twists sa pulitika, lalo na’t malapit na ang November 15 deadline para sa pag-finalize ng candidacy.

Sa showbiz naman ay tila may mga pagbabago rin na hindi natin alam kung ano na talaga ang mangyayari—kagaya ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

Ngayong nasa GMA-7 na sila, posibleng magsama sila sa isang proyekto. Pero sa ngayon ay wala pa namang na-finalize.

Ang sabi, sa susunod na taon na sisimulan ni Bea ang gagawin niyang drama series sa Kapuso network, pero tatapusin muna niya ang pelikula nila ni Alden Richards. Totoo bang si Alden pa rin ang kasama niya sa gagawing drama series?

Si Lloydie naman ay inaayos na raw ang sitcom na gagawin sa GMA-7 at may mga lumalabas na ngang pangalang makakasama niya, na karamihan ay mga dating kasamahan sa Kapamilya network.

Ang tentative title daw ng sitcom ay #HappytoGetHer.

Pero di ba, dapat ay gagawin pa nina John Lloyd at Bea ang pelikulang No Goodbyes sa Star Cinema, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina?

Continue reading below ↓

Kinumusta namin ito kay Direk Cathy sa announcement ng MMFF entries nung nakaraang Biyernes, November 12, sa Novotel Hotel, pero tila wala siyang alam at malabo naman daw siyang makagawa sa labas ng Star Cinema at ABS-CBN.

“Andun naman po lagi ang want ko to direct them except that sa ABS lang po talaga ako and Star Cinema.

“So, for as long as project ng Star at ng ABS, walang problema, mai-direct ko uli sila. Pero kung sa labas po, hindi,” napangiti niyang sagot sa PEP Troika.

Tinanong ko kay Direk Cathy na noon pa nababanggit na magsasama sina John Lloyd at Bea sa isang Star Cinema project, pero wala raw siyang alam tungkol dito.

“Hindi ko po alam kung ano yung internal agreement nila. Ang alam ko noon po, dapat gagawan ko sila. But now, I don’t know,” medyo naaalangan pa niyang sagot.

JERRY OLEA

Noong 2018 pa ay balak na ni Direk Cathy na mag-retire sa pagdidirek upang makapag-focus sa pagpapalaki sa dalawa niyang anak.

Continue reading below ↓

Last film na nga sana niya ang My Perfect You (2018) nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

After that ay ginawa pa niya ang The Hows of Us (2018) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Three Words to Forever (2018) nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo, at Hello, Love, Goodbye (2019) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Highest-grossing Pinoy films (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan ang Hello, Love, Goodbye at The Hows of Us.

Lumaganap ang pandemya at nagkaroon ng sapat na panahon si Direk Cathy sa kanyang mga supling.

Disyembre 2020 nang mapabalita na ididirek niya sina Bea at John Lloyd sa pelikulang No Goodbyes ng Star Cinema.

Ngayon ay kapwa Kapuso na sina Bea at John Lloyd, at marami silang pinagkakaabalahan, kaya malabo pa ang film project na iyon.

Nagulat na lang tayo na meron nang Star Cinema project si Direk Cathy na Love at First Stream kung saan first time magbibida sa pelikula ang young stars na sina Daniela Stranner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo (kapalit ni Rhys Miguel).

Continue reading below ↓

Love at First Stream

This is the first time na makalahok sa MMFF si Direk Cathy. May plano na nga siyang mag-abroad bilang Xmas vacation pero mukhang may changes dahil sa filmfest.

NOEL FERRER

The good news is… walang exclusive film contracts sina Bea at Lloydie sa GMA or any film outfit for that matter.

Continue reading below ↓

So, may posibilidad pa rin silang magsama sa pelikula—at posible pa rin silang maidirek ni Cathy—na talagang malapit na malapit sa kanilang dalawa.

Sana mangyari pa rin iyun! At sana invested din sina Lloydie at Bea doon para may say sila sa materyal na gagawin nila at may taya sila roon para pagandahin pang lalo.

Isa ako sa naghihintay ng kanilang balik-tambalan, hindi lang bilang aktor kundi bilang mga aktor at direktor.

Sa dami na ng pinagdaanan nila, I’m sure they already want to create a movie na magiging legacy project nila!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nagtatanong kung matutuloy pa rin ang movie project nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na No Goodbyes, sa ilalim ng Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina (kaliwa)
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @johnlloydcruztm and @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results