Winwyn Marquez, tuwang-tuwa sa pagpasok ng Nelia sa MMFF 2021

by PEP Troika
Nov 14, 2021
Nelia movie
Winwyn Marquez
Winwyn Marquez (right), sobrang tuwa sa pagpasok ng pelikulang Nelia sa official entries para sa MMFF 2021.

GORGY RULA

Nakakatuwa at nakalusot sa 47th MMFF ang indie film na Nelia, na first venture ng A&Q Production, Films Incorporated nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino.

Nelia movie

Si Winwyn Marquez ang bida sa pelikulang ito na isang suspense thriller at kakaiba ang kuwento, kaya siguro nakapasok.

Winwyn Marquez

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ito siyempre ng producer na si Atty. Alegre dahil first project pa lang nila ay napansin agad at nakalusot sa MMFF 2021.

Dahil dito, inspirado raw silang gumawa pa ng iba pang pelikula, basta maganda lang ang material.

“Maganda ang kuwento nito, e. Kung meron pang maganda ring material, puwede naman namin i-produce,” pakli ni Atty. Alegre noong Nobyembre 12, Biyernes, sa Novotel Hotel, QC.

Kaagad nag-message daw si Winwyn sa kanilang group chat na sobrang saya nito na napasama sa MMFF ang Nelia.

“Gusto niyang pumunta dito, pero she’s indisposed right now, kaya hindi lang siya pumuwede. Today lang naman siya indisposed,” sagot sa amin ni Atty. Alegre nang hinanap namin sa kanya si Winwyn.

Medyo naguluhan pa siya nang inintriga namin dahil wala siyang kaide-ideya sa kumakalat na isyung si Winwyn ang itinuturo sa isang blind item na nagdadalantao raw ngayon.

Wala raw alam ang producer ng A&Q Productions sa ganung tsismis, pero nangako raw si Winwyn na magiging cooperative sa promo ng naturang pelikula.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bente-nuwebe (29) anyos na si Winwyn, and her biological clock is ticking, 'ika nga.

Marami ngang mas bata sa kanya ang bigla na lang nababalitaan nating nakapanganak na.

May paniniwala rin sa showbiz na suwerte ang buntis, di ba?

Lalabas at lalabas ang totoo sa isyu kaugnay sa bali-balitang nagdadalantao si Winwyn.

At any rate, nanood si Winwyn ng Facebook Live ng announcement last Friday ng walong official entries ng MMFF.

“Kinakabahan ako, kasi syempre, mga unang movies na binanggit, napakalaking mga artista at pinaghandaan na mga pelikula din,” sabi ni Winwyn sa kuwentong ibinahagi sa PEP Troika courtesy of publicist Rodel Fernando.

“Hindi ako masyado nag-expect pero I was hoping pa rin nung biglang binanggit yung synopsis, napa-record ako bigla. Kasi di ako makapaniwala. Mixed emotions talaga.

“Kabado, tuwa, takot etc. pero sobrang grateful na napili ang Nelia dahil alam ko, buong cast and production, binigay lahat nung ginagawa ang film. Tinawagan ko agad ang dad ko para balitaan siya.”

Continue reading below ↓

Bakit dapat panoorin ng moviegoers ang Nelia?

“Suspense ang genre ng Nelia. Habang pinanonood ito ng mga tao, they will continue to question everything, every moment and aabangan nila mga susunod na eksena,” saad ni Winwyn.

“I’m sure they won’t get bored, and feeling nila, roller-coaster ride. I’m sure, di sila madi-disappoint.”

Ang Nelia ay kinunan sa Gapan, Nueva Ecija. Co-stars dito ni Winwyn sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Mon Confiado, Lloyd Samartino, Shido Roxas, Dexter Doria, at Dan Alvaro, sa direksyon ni Lester Dimaranan.

NOEL FERRER

Namukod-tangi siguro talaga ang pelikulang Nelia. Hindi ba’t meron nang horror trilogy at comedy horror sa MMFF pero naisama pa rin ito sa category ng suspense.

Pinag-uusapan din ang mga pagganap nina Winwyn at Raymond Bagatsing na sa tingin ba ninyo ay panlaban sa awards?

Ang tiya ni Winwyn na si Melanie Marquez ay tinanghal na Best Actress para sa MMFF 1987 entry na The Untold Story of Melanie Marquez.

Continue reading below ↓

And na-nominate yata ang ina niyang si Alma Moreno para sa MMFF 1991 entry na Magdalena S. Palacol Story? Ang nag-Best Actress noon ay si Nora Aunor para sa Ang Totoong Buhay ni Pacita M.

At least, siguro naman ay magpapakita si Winwyn sa promo para sagutin ang isyu ng kanyang diumano’y pagdadalantao.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez (right), sobrang tuwa sa pagpasok ng pelikulang Nelia sa official entries para sa MMFF 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results