Tali Sotto, agaw-pansin sa Eat Bulaga Christmas carol music video

by PEP Troika
Nov 14, 2021
Vic Sotto, Pauleen Luna, and Tali Sotto beside their Christmas tree
Kapansin-pansin ang pagkanta ni Talitha Sotto (with parents Vic Sotto and Pauleen Luna-Sotto) sa bagong Eat Bulaga Christmas carol music video na unang ipinalabas kaninang hapon, Nobyembre 14, 2021.
PHOTO/S: Eat Bulaga! (GMA-7)

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali sa first ever Christmas carol ng Eat Bulaga na "Parating Na Ang Pasko."

Inilunsad ang music video nitong Sabado, November 13 sa Eat Bulaga.

Nasa video ang lahat na mga Dabarkads ng Eat Bulaga kasama ang kani-kanyang pamilya.

Pero si Tali ang napansin ng karamihan na talagang nag-record siya ng ilang linya ng kanta.

Talitha Sotto

Continue reading below ↓

“Sobrang saya niya, kuya,” text sa akin ni Pauleen nang kinumusta ko ang pag-record ni Tali ng naturang kanta.

“Sa studio siya nag-record. Sandali lang naman siya, wala pa yatang 10 minutes,” dagdag na text sa akin ni Pauleen na proud na proud sa participation ng kanyang anak.

Pamilya naman kasi talaga ng mga mang-aawit si Talitha, kaya hindi malayong maging singer din siya paglaki.

Naalala kong ikinukuwento ni Bossing Vic noon na mahilig daw talaga kumanta ni Tali, at ang dali niyang ma-memorize ang isang kanta.

Kaya hindi imposibleng sa mga susunod na taon ay bahagi na talaga ng mga Dabarkads si Tali sa Eat Bulaga.

JERRY OLEA

Nakakatuwa ang effort nina Tito, Vic & Joey para sa Xmas carol na ito.

Kudos din kina Maine Mendonza, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng makasaysayang kalyeserye, pati na sa Dabarkads na sina Ryan Agoncillo, Allan K, Jimmy Santos, Maja Salvador at Patricia Tumulak.

Continue reading below ↓

Kung kumurap ka sa panonood ng music video, baka hindi mo mapansin si Alden Richards na inabutan at nagpasa ng parol. Lumang video clip ba iyon?

Masyado bang abala si Alden sa so-called epic series niyang The World Between Us kaya wala siyang panahon para mag-shoot sa first ever Xmas carol ng Eat Bulaga?

Nakakapagtampo! Nakakahinampo! Nakakahinanakit! Sa Nobyembre 22 pa naman ay magpapatuloy na ang kuwento ng The World Between Us.

Sa tingin ninyo, may oras o interes ang Asia’s Multimedia Star para magsalita sa usaping ito?

NOEL FERRER

Oo nga, ‘no? Bakit ganun?

Hindi na ba nakikita ng GMA Artist Center ang pagbabalik ng Asia’s Multimedia Star sa programang malaki ang naitulong sa pagkakakaroon ni Alden ng masa base ngayon?

Let’s face it, more than his teleseryes, sa AlDub kalyeserye ng Eat Bulaga naaalala si Alden.

Oh well, isang bagay ang sabihin na Dabarkads ka, ngunit mas malaking bagay ang maipaglaban mo sila, sa kabila ng dami at iba’t iba mong ginagawa.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapansin-pansin ang pagkanta ni Talitha Sotto (with parents Vic Sotto and Pauleen Luna-Sotto) sa bagong Eat Bulaga Christmas carol music video na unang ipinalabas kaninang hapon, Nobyembre 14, 2021.
PHOTO/S: Eat Bulaga! (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results