Paulo Avelino at Janine Gutierrez, nagpasalamat sa mga Kapuso na nanonood ng Marry Me, Marry You

by PEP Troika
Nov 15, 2021
janine paulo kissing
Janine Gutierrez on Kapuso fans who watch Kapamilya her prime-time series with Paulo Avelino, Marry Me Marry You: “Sobrang grateful po ako sa mga Kapuso, and katulad nga ng sinabi ni Pau, sa lahat ng Pilipino na nagbibigay ng panahon para panoorin yung show namin… I think, yung kuwento naman talaga at lalo na yung mga karakter, makaka-relate ka, e."
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Panlima ang Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You (MMMY) sa mga Pinoy TV shows na pinakapinanood sa Amerika, base sa Comscore ratings sa multicultural Asian households mula Agosto 30 hanggang Setyembre 26, 2021.

Ang Top 4 ay FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, TV Patrol Global Edition, at Init sa Magdamag, na kagaya ng MMMY ay ipinapalabas sa The Filipino Channels (TFC).

Sa Pilipinas, GMA-7 siyempre ang namamayagpag sa TV ratings. Ganunpaman, meron ding mga Kapuso na nahumaling sa MMMY, at kilig na kilig kina Andrei (Paulo Avelino) at Camille (Janine Gutierrez).

Pahayag ni Paulo sa virtual mediacon noong Nobyembre 10, Miyerkules, “Ang ABS-CBN po, in service of the Filipino people.

“So, parang hindi po nagma-matter kung Kapuso o Kapamilya, Kapatid or kung mga Koreanovella o mga Hollywood movies yung trip mo pero as long as you are a Filipino anywhere in the world, ahhm…

“Parang… hindi naman po masamang panoorin kami, at tangkilikin yung mga programa ng mga istasyon na iba sa istasyon na kinalalagayan mo.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Janine, “Sobrang grateful po ako sa mga Kapuso, and katulad nga ng sinabi ni Pau, sa lahat ng Pilipino na nagbibigay ng panahon para panoorin yung show namin…

“I think, yung kuwento naman talaga at lalo na yung mga karakter, makaka-relate ka, e.

“So, I’m happy na nakaka-touch tayo ng mga iba-ibang buhay through Marry Me, Marry You.

“Kaya sobrang thank you, thank you talaga sa lahat ng nanonood!”

Magsisimula ang ikalawang season ng Marry Me, Marry You ngayong Nobyembre 15, Lunes, sa mas maagang timeslot na 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Available din ang episodes nito sa iWantTFC, WeTV iFlix, at sa The Filipino Channel sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

GORGY RULA

Isa ako sa sumusubaybay sa iWant TV ng Marry Me, Marry You. Nasa second season na sila ngayon pero mapapanood pa sa iWant ang Spotlight ng naturang teleserye na recap ng buong season one.

Continue reading below ↓

Puwedeng kinagigiliwan silang panoorin sa iWant, pero pagdating ng free TV, hindi pa sila gaanong nakakalaban sa mga drama series ng GMA-7.

Nung nakaraang Biyernes, November 12 ay naka-3.9% ang combined ratings Marry Me, Marry You, na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Ang katapat nitong To Have and To Hold ng GMA-7 ay 10.4%.

Pero maganda ang takbo ng kuwento ng MMMY at magagaling silang lahat, lalo na sina Cherry Pie Picache, Sunshine Dizon, Teresa Loyzaga, at ang dalawang bidang sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

NOEL FERRER

Nagtapos noong Nobyembre 12, Biyernes, sa free TV ang Huwag Kang Mangamba, Legal Wives, at The Good Daughter rerun.

Ngayong Nobyembre 15, Lunes, ang umpisa ng Viral Scandal, Season 2 ng Marry Me, Marry You, I Left My Heart In Sorsogon, at rerun ng Ang Lihim ni Annasandra.

Nasa mga sinehan ang Hollywood films na Dune at A Quiet Place II.

Continue reading below ↓

Streaming na sa Vivamax ang Mahjong Nights, at naka-line-up na roon for the rest of the year ang More Than Blue, My Husband, My Lover, Pornstar 2: Pangalawang Putok, Dulo, Crush Kong Curly, at Mang Jose.

May streaming date na rin sa Enero 2022 ang Lulu at Hugas.

Escapist o hinaharap lang nila ang realidad na napakabigat na ng buhay ng mga Pilipino kaya pawang wala silang pakialam kung may pandemya at totally oblivious sila sa COVID.

Ito ang state ng entertainment sa ating bansa. Parang politika rin. Kalas sa realidad!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on Kapuso fans who watch Kapamilya her prime-time series with Paulo Avelino, Marry Me Marry You: “Sobrang grateful po ako sa mga Kapuso, and katulad nga ng sinabi ni Pau, sa lahat ng Pilipino na nagbibigay ng panahon para panoorin yung show namin… I think, yung kuwento naman talaga at lalo na yung mga karakter, makaka-relate ka, e."
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results