Shooting ng Big Night, nabulabog dahil sa na-possess na talent

by PEP Troika
Nov 16, 2021
big night christian eugene
Eugene Domingo and Christian Bables in a scene from the MMFF 2021 official entry Big Night.

JERRY OLEA

Nakakahilakbot ang isang insidente sa shooting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 official entry ni Christian Bables na Big Night.

“May na-possess!” bulalas ni Direk Perci Intalan nitong Nobyembre 12, Biyernes ng hapon, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Si Direk Perci ay katuwang ni Direk Jun Robles Lana bilang executive producer ng The IdeaFirst Company, na nag-produce ng nasabing social drama.

Salaysay ni Direk Perci, “Nagsisimula na yung pandemic nung time na mag-shooting kami nito. Nagpaparamdam na.

“So, nagsisimula na kaming magsuot ng mask. Napapraning na kami dun sa maraming tao sa kalye. Wala kaming idea na pupunta sa ano…

“Maraming nakakaaliw na nangyari habang sinusyuting ito, pero ang hindi namin makakalimutan, nagkaroon kami ng possession!

“Diyos ko! Kasi, may eksena kaming kinukunan sa QI [Quezon Institute], may isang talent… na-possess.

“Nandoon ako hanggang dinner, then umalis na ako. Maya-maya, tinatawagan ako ng EP [executive producer], ‘May napo-possess po! May napo-possess po!’

Continue reading below ↓

“Lahat sila, nagpa-panic. ‘Maghanap kayo ng pari! Maghanap kayo ng pari!’ Si Janice de Belen, dumungaw, na-curious.

“Tapos, natapilok siya, nahulog. So, akala ng mga tao, pati si Janice, na-possess. Yun, di ko makakalimutan yun.

“Si Martin del Rosario, nandun pa nung araw na yun. Last day namin yun.”

Gumanap si Christian Bables bilang parloristang si Dharna sa Big Night. Nawindang si Dharna nang makasama ang pangalan niya sa watchlist ng drug users.

Iyong mga nasa watchlist ay isa-isang natotokhang, kaya kumilos si Dharna upang linisin ang kanyang pangalan at reputasyon, at iligtas ang kanyang kagandahan.

Maliban kina Christian, Janice, at Martin, nasa cast ng Big Night sina Eugene Domingo, Gina Alajar, Ricky Davao, Gina Pareño, Alan Paule, Soliman Cruz, Nico Antonio, Awra Briguela, Ogie Diaz, Sue Prado, at John Arcilla.

big night poster

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Magwo-world premiere ang Big Night sa Nobyembre 25 sa 25th Tallinn Black Nights Film Festival (Nobyembre 12-28) sa Estonia. Palaban ito sa Main Competition.

May dalawa pang pelikulang Pinoy na kabahagi sa nasabing filmfest. Ang Love is a Dog from Hell ni Direk Khavn de la Cruz ay nasa kategoryang Rebels with a Cause, samantalang ang short film ni Direk Petersen Vargas na How to Die Young in Manila ay nasa shorts competition.

“Thank you to our three filmmakers for bringing the Philippines with them in the spotlight at Tallinn Black Nights International Film Festival,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

“We are proud of them. Congratulations for making it to the competitions, and the best of luck to all of them in the coming days.”

how to die young in manila poster

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Malaki ang pressure sa Big Night, kasi sa bawat MMFF, may gay film na umaariba hindi lang sa awards kundi sa box office.

Andiyan ang Die Beautiful ng kaparehong producer, Rainbow’s Sunset, Isa Pang Bahaghari, kahit itong The Boy Foretold By The Stars, tapos heto ngang Big Night.

Sana maging successful ito sa Tallinn Black Nights Film Festival at patunayan na ito ang karapat-dapat na gay film sa MMFF na marami rin ang nagtangkang pumasok.

Game!!!

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eugene Domingo and Christian Bables in a scene from the MMFF 2021 official entry Big Night.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results