Cast ng pelikulang Nelia, todo hataw na sa promo sorties

by PEP Troika
Nov 20, 2021
Raymond Bagatsing
Juan Carlos Galano
Ali Forbes
Shido Roxas
(L-R) Raymond Bagatsing, Juan Carlos Galano, Ali Forbes and Shido Roxas, ang main cast ng pelikulang Nelia, na pinagbibidahan din ni Winwyn Marquez at prinodyus ng A&Q Productions Film Inc. Kabilang ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2021.

GORGY RULA

Parang normal na ang nadaluhan namin ni Jerry Olea na event sa Maynila nung Biyernes, November 19.

Ito yung Manila K-Town Cha-Cha-Cha Fest 2021 na ginanap sa Remedios Circle sa Malate.

Pagtitipon ito ng mga Koreano na may business doon sa Maynila.

Kung napapansin ninyo, ang daming mga Korean restaurants doon sa Malate, at ang iba ay nagtitinda pa ng Korean products.

Bago ka makapasok sa mismong venue, dadaan ka muna sa isang maliit na cubicle para ma-disinfect.

May nakabantay namang mga kapulisan para limitahan ang mga pumapasok at ma-practice pa rin ang social distancing, pero hindi pa rin maiwasan ang paglalapit ng mga taong nandun.

Mahirap pigilan ang mga batang naglalaro roon, na ang iba ay wala pang suot na face mask.

Halatang na-miss na talaga nila ang mga ganitong event, kaya pinagkaguluhan doon ang mga dumating na cast members ng MMFF entry ng A&Q Productions, Film Inc. na Nelia.

Continue reading below ↓

Dumating sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas at Juan Carlos Galano.

Ali Forbes
Shido Roxas
Juan Carlos Galano
Raymond Bagatsing

Keber na sa social distancing ang karamihan basta makapag-picture lang sila sa mga artista.

Kuwento nga ni Raymond na nag-iikot na rin sa Maynila dahil tumatakbo siyang vice mayor ng naturang lungsod, hindi raw talaga maiwasan ang paglalapit ng mga tao lalo na sa mga pinupuntahan niyang mga outreach program na tinutulungan nila.

Continue reading below ↓

“Minsan talaga, ang mga tao talagang sobrang excited. Napapadaan kami dahil may mga feeding program kami. May mga programa kaming tinutulungan sa Maynila, especially now because magpa-Pasko, may mga event na iniimbita kami,” kuwento ni Raymond.

“Hindi mo maalis, e. Minsan, pinapatanggal pa ang maskara mo.

“Sabi ko nga, kung ano po yung destiny, because I’m here 100 percent… pati yung Mayor ko, matapang, e, 63 years old na siya, hindi siya pinagma-maskara,” pahayag ni Raymond tungkol sa kanyang mayoralty running mate na si Atty. Alex Lopez, na panganay na anak ng dating Manila Mayor na si Mel Lopez.

Pero nandun siya sa Manila K-Town Fest hindi para mangampanya, kundi i-promote ang MMFF entry nila ni Winwyn Marquez na Nelia.

Napakabait daw kasi ng producer nila, at first venture nila ito sa film production kaya tinutulungan nila para makabawi at makapag-produce pa ng maraming pelikula.

NOEL FERRER

Good luck sa Nelia na entry sa MMFF 2021.

Continue reading below ↓

Naalala ko tuloy, kung vice mayor ang tinatakbuhan ni Raymond Bagatsing, bale kalaban niya sa posisyon si Yul Servo sa Maynila.

I wonder kung ano ang stand ni Raymond Bagatsing sa pagkaka-deny ng franchise ng ABS-CBN samantalang si Yul ay isa sa mga pumatay sa prangkisa nito na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ng maraming kaibigan natin sa showbiz nung kasagsagan ng pandemya.

Nagtatanda tayo at hindi natin kalilimutan ang mga ganito.

JERRY OLEA

Nobyembre 5, Biyernes, nang ibaba sa Alert Level 2 ang NCR.

Nabalitaan natin kapagkuwan na dumagsa ang mga tao sa mga mall at pasyalan.

Nobyembre 10, Miyerkules, nag-reopen ang mga sinehan. Ipinalabas ang Dune at A Quiet Place II.

Noong Nobyembre 14, Linggo ng hapon, andaming tao sa Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City.

Napanood namin nina Gorgy Rula at Bernard Cloma ang 7:10 pm screening doon ng Dune.

Siyempre, 50% capacity lamang ang allowed, at one seat apart ang mga manonood.

Continue reading below ↓

Sa tantiya ko ay 45% ng seats ang inokupa ng moviegoers sa nasabing screening.

Nitong Nobyembre 17, Miyerkules ay tatlo pang banyagang pelikula ang nag-open sa mga sinehan — Black Widow, Don’t Breathe 2, at Spencer.

Nanood kami ng dalawang pelikula nitong Nobyembre 20, Sabado, sa Gateway Mall, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Kokonti lang ang kasabay naming nanood sa 1:10 pm screening ng Black Widow, lalo na sa 5:00 pm screening ng Spencer (na isang screening lang that day).

Sabi ng takilyera, may araw naman na marami ang nanonood. Sa food court sa ibaba ng mga sinehan, ang daming mga tao!

Mahigpit na ipinatutupad ang safety protocols sa Gateway. Pagpasok ng mall, may temperature check, at pipirma sa contact tracing.

Bago pumasok ng sinehan, temperature check uli, kailangang ipakita ang vaccination card, at dini-disinfect ang sinehan matapos ang bawa’t screening.

Napansin ko lang na ang ipinapalabas pang paalala ng MTRCB ay nagtatampok sa dating Chairman na si Rachel Arenas.

Continue reading below ↓

Sana mag-shoot na ng reminder ang bagong MTRCB chair na si Atty. Jeremiah P. Jaro na noong Oktubre 22 pa na-appoint.

Maging iyung paalala ng Optical Media Board (OMB) ay ang dating chair pa ang tampok, kasama si Angel Locsin. Noong Oktubre 29 ay na-appoint si Jeremy Marquez bilang bagong Chairman at CEO ng OMB.

Sa Nobyembre 24 ay ipapalabas naman ang Malignant, at Shang-Chi and the Legend of the Ten 10 Rings.

At sa Disyembre 1 ay makikipagsalpukan ang Yorme: The Isko Domagoso Story sa Eternals.

Tungkol kay Raymond Bagatsing, batid niya na kalaban niya sa pagiging vice-mayor ng Maynila ang kapwa artista na si Yul Servo.

Pahayag ni Raymond, “Kaibigan ko rin po yun. Nakasama ko po si Yul Servo for one year sa Channel 5 sa Baker King.

“Mahal ko po yun. Kaibigan ko yun. Nagkataon lang, hindi ko naman akalain na siya yung makakalaban—sabihin nating kalaban sa pulitika.

Continue reading below ↓

“But kaibigan ko pa rin yun.”

Aabot kaya sa puntong magsisiraan sila?

“Hindi po! Hindi ko po ugali yun! Hindi po ako sang-ayon sa ang nagiging plataporma ay paninira kaysa talagang gustong tumulong!” bulalas ni Raymond.

“I don’t think I like that. Hindi po ako ganung klaseng tao.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Raymond Bagatsing, Juan Carlos Galano, Ali Forbes and Shido Roxas, ang main cast ng pelikulang Nelia, na pinagbibidahan din ni Winwyn Marquez at prinodyus ng A&Q Productions Film Inc. Kabilang ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results