PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz, sagot sa pag-"heal" ng puso ni Julie Anne San Jose?

JulieVer chemistry, ramdam na ramdam sa "Heal" episode ng Limitless online show
by PEP Troika
Published Nov 21, 2021
Rayver Cruz
Julie Anne San Jose
Si Rayver Cruz ba ang sagot sa pag-heal ng problemadong puso ni Julie Anne San Jose? Ramdam na ramdam ang chemistry ng dalawa sa "Heal" episode ng Limitless online concert ni Julie Anne na ipinalabas kagabi, November 20. (Photo credit: Screen grab from @gmasynergy on Instagram)

GORGY RULA

Tanong ko lang, mga ka-Troiks… JulieVer fan na rin kaya ako kapag tumitili ako sa mga eksena nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa "Heal" episode ng Limitless: A Musical Trilogy ni Julie Anne?

Napanood ko nung Sabado ng gabi ang isa’t kalahating oras na musical show na ito ni Julie Anne na kinunan ang kabuuan sa mahiwagang isla ng Siquijor.

Special guests niya rito sina Rayver, Jessica Villarubin, at magaling na talent ng Dumaguete na si Joaquin Abregana na mas kilala bilang si Kalamay Papi.

Halos buong show ay kasama ni Julie Anne si Rayver. Ang ganda ng dance number nila sa may breakwater, at sa dalampasigan ng San Juan, Siquijor.

Ipinakita rin ang iba pang magagandang lugar ng naturang lalawigan, at ang ilang paniniwala nila roon at ang kakaibang klaseng paggamot na doon lang sa Siquijor makikita.

"Heal" ang title ng second installment ng Limitless, pero tila nasa proseso pa ng paghilom si Julie Anne na kung saan inilabas niya ang lahat na saloobin niya sa mga pinagdaanan ng kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinatago na lang daw niya ang lahat na sakit na nararamdaman ng puso niya.

Hinahayaan na lang daw niyang siya ang nasasaktan, kesa ang ibang tao.

“Kaya ko siya hinahayaan, kasi ayokong makasakit ng tao. Ayoko nang ma-feel nila yung napi-feel ko.

“Hirap. Mahirap siya,” sabi niya habang seryosong nakikinig sa kanya si Rayver.

Sinasabi niyang tama na yung umiyak siya sa unang episode ng Limitless, pero tila mas matindi itong hugot niya ngayon lalo nang napag-usapan ang pag-move on sa mga sakit na dinanas niya sa lovelife.

“Mahirap maka-move on, pero minsan kasi kailangan, e. Kasi wala kang choice,” pakli niya.

“Hindi ko deserve talaga. Most of my relationships have failed. I know that. Tapos iniisip ko, kanino ba yung mali? Ako ba yung nagkulang?

“Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Bakit nangyari sa akin ito?

“Pero siyempre, ako kini-keep ko na lang sa sarili ko kasi ayokong… pag sini-share ko sa family ko, ayokong nakita nila ako nang ganyan. Ayokong nakikita nila akong nasasaktan, ayokong nagwu-worry sila sa akin… na I have problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always have to think of it that way. Sa akin ba yung problema? Kasi okay naman siguro ako. I’m not the bad person. Mahaba naman ang pasensya ko… pero parang hindi ko alam kung bakit ganun. Pero siyempre, wala naman akong choice.

“Akala ng mga tao, okay ako pero hindi. And it has to happen so so many times,” madamdamin niyang pahayag.

Nataon pa itong guesting ni Rayver sa Limitless na lumabas ang balitang break-up nila ni Janine Gutierrez.

Kahit ako ay naiisip ko ring bakit hindi na lang sina Rayver at Julie Anne? Bagay sila, e.

At sa nakikita ko sa kanilang mga production numbers, ewan ko kung namamalisyahan lang akong may "something" silang dalawa.

Muli na naman akong tumili nang pinuntahan nila ang isa sa attraction sa Siquijor na Cambugahay Falls kung saan karamihan doon ay tumatalon mula sa tuktok ng falls kasabay ng pagragasa ng malakas na tubig sa naturang talon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanong ni Rayver si Julie Anne kung gusto niyang tumalon. Tumanggi si Julie Anne. “I’m afraid to fall,” sabi niya.

Pero bago mag-end ang show, magkahawak-kamay silang dalawa na tumalon sa naturang falls.

Hay! Sana, ma-fall na talaga sila sa isa’t isa!

Samantala, nasilip ko naman sa iWant TFC ang latest episode ng Marry Me, Marry You.

Nag-propose na roon si Paulo Avelino kay Janine.

Ilang beses din silang naghalikan na ramdam mo rin ang init ng pagmamahalan nina Andrei (Paulo) at Camille (Janine).

Kaloka! JaPau fan na rin kaya ako?

NOEL FERRER

Before I deal with Julie Anne, I’d like to commend the key people behind this concert’s production—sina Paolo Valenciano (director) and Myke Salomon (musical director) for coming up with this compelling online concert series.

As for its main star, sana ito na nga ang vehicle to make her join in the big league in terms of concert performances. Sana mas mainit pa rin ang pagtangkilik sa kanya ng mga tao after this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And after being linked to Elmo Magalona, Alden Richards, Benjamin Alves and Kim Last, sana nga si Rayver na ang ka-match niya. As I always say, water will find its level.

Oh well, kung wala pa ring lovelife, may ibang escape or release pa ba si Julie Anne?

“Siguro ang pinaka-escape ko na lang is work,” sabi niya.

“Pag may pinagdadaanan ako, siyempre hindi ko pinapahalata, kasi I have to be professional. I have to do my job. I have to appear like I’m okay na parang walang nangyari ganyan.

“And it’s just sucks kasi habang lumilipas siya parang walang resolve, e. Tapos, hanggang sa naiipon siya nang naiipon, and ayoko na talaga dumating sa point na parang tumigas na yung puso ko. Kasi that’s not good.

“That’s not a good sign, ayokong tumigas ang puso ko. Kaya at the end of the day, mag-isa na lang ako. Iniiyak ko siyang mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I pray. I talk to God. I talk to myself. Even if sometimes, I don’t make any sense at all.”

JERRY OLEA

Limited pa rin ang kilig ko sa JulieVer. Kahihiwalay pa lang ni Rayver kay Janine.

Kung gusto na sana ni Rayver mag-propose kay Janine, kailangang maghilom muna ang sugat sa puso ng binata. Hayaan natin ang panahon at tadhana na magtakda kung kailan magmamahal muli si Rayver.

Si Julie Anne naman, sakaling umibig daw siyang muli, gusto raw niya na God-centered ang relasyon.

“Ang pinakaimportante sa lahat, someone who is faithful and God-centered, cause when you’re God-centered, everything else follows,” hanash ni Julie Anne.

“Sobrang importante sa akin yung faith… I do believe in God. Wala kang problema kung Siya lang ang takbuhan ko.

“Actually, palagi ko Siyang kausap pag nagmumuni-muni ako. Alam kong andiyan lang Siya.”

Sa ngayon ay gusto raw muna ni Julie Anne na mag-focus sa sarili bago magmahal ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa phase ako ng buhay ko na kailangang bigyan ko muna ng importansya ang sarili ko bago ako magmahal ng iba ulit.

“Proseso naman yun, e. Hindi naman puwedeng madaliin,” hirit pa ng Unli Star.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Rayver Cruz ba ang sagot sa pag-heal ng problemadong puso ni Julie Anne San Jose? Ramdam na ramdam ang chemistry ng dalawa sa "Heal" episode ng Limitless online concert ni Julie Anne na ipinalabas kagabi, November 20. (Photo credit: Screen grab from @gmasynergy on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results