GORGY RULA
Hindi pa rin sumagot ang kampo ng original Superstar Nora Aunor kaugnay sa lumabas na balita nung Sabado, December 3, na ang partylist nitong NORA A o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts ang isa sa na-disqualify ng COMELEC.
Itong NORA A ang isa sa 107 na partylists na na-deny ang kanilang motion for reconsideration. Kaya hindi na ito makakasali sa raffle ng COMELEC.
Nababalitaan na namin noon pa na nanganganib daw itong partylist ni Ate Guy na i-disqualify ng COMELEC dahil nakukuwestiyon na raw kung para saan talaga ang niri-represent nito, at wala pa raw naipapakitang may nagawa sa ilang sector ng lipunan.
Ilan sa mga kongresista ang hiningan namin ng opinyon tungkol dito, at umaayon sila sa ginagawa ng COMELEC na dapat ay mapag-aralan nila ang bawat partylist na nag-file ng kanilang candidacy para sa 2022 elections.
Sinasabi ng iba na may ilan daw kasing nakaupo sa Kongreso na hindi mo alam kung para kanino talaga ang niri-represent nila.
Sabi nga ni Cong. Niña Taduran ng ACT-CIS na partylist na nag-number one nung 2019 elections, kailangan daw talagang rebisahin at repasuhin ang mga partylist na gustong tumakbo sa darating na eleksyon.
“Kasi, pag sinabi kasing partylist, dapat marginalized sector. Niri-represent mo yung marginalized.
“Kaya nga binibiro ko yung mga kasamahan ko sa Congress. Ako talaga ang totoong marginalized sector. Kasi, sabi ko, na-experience ko yung 3,500 pesos na suweldo sa media.
“Pero at that time siyempre, minimum pa yung 3,500. Ang ibig kong sabihin, kailangan naman talaga… kumbaga, ayusin yung sa partylist system.
“Ako mismo, na-experience ko sa ACT-CIS. So, dapat tingnan natin… dapat ma-accredit talaga ng COMELEC. I-scrutinize nilang maigi. Dapat alam nilang nagri-represent sa marginalized sector,” saad ni Cong. Nina.
Ano kaya ang masasabi ng Noranians dito?
NOEL FERRER
Kung iyan man ang kinahaharap ngayon ng NORA A partylist, ano kaya ang kasasapitan ng Mothers for Change ni Mocha na naka-pending pa rin ang motion for reconsideration, pati na ang partylist din ni Celine Pialago?
In the end, doon tayo sa may tunay na marginalized sektor na nirerepresent tulad ng Kapamilya Partylist ni Jerry Gracio na kinailangang mag-resign sa network duties niya para ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawang hindi lang Kapamilya kundi Kapuso at Kapatid, pati Dabarkads at kung kaninuman.
Sana, ang mga karapat-dapat na partylist ang manalo!
JERRY OLEA
Nakakalukring nga yung ibang partylist charing-charing!
May budget na P20M hanggang P100M para magpaendorso sa celebrity. Marginalized ba yun, o naghahangad lang ng kapangyarihan?
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
