PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali, dumalo sa 24th birthday bash ni Ruru Madrid

Bali-balitang dedmahan nina Bianca at Ruru, walang katotohanan
by PEP Troika
Published Dec 5, 2021
Ruru Madrid
Bianca Umali
Tamis-tamisan sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa 24th birthday celebration ng Kapuso hunk na ginanap nitong nakaraang Sabado, December 4, sa Kaulayaw Cafe sa Antipolo. Binasag nito ang mga haka-hakang nagdededmahan daw ang dalawa nitong mga nakaraang buwan.

GORGY RULA

Dumalo si Bianca Umali sa 24th birthday celebration ni Ruru Madrid na ginanap sa Kaulayaw Café sa Antipolo nung Sabado ng gabi, December 4.

Ruru Madrid
Bianca Umali

Ruru Madrid
Bianca Umali

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyun kasi ang inaabangan ng ibang nakasubaybay sa kanilang relasyon na nakaalam na matagal na raw silang walang komunikasyon at nagde-dedmahan.

Sabi raw ng ilang taong malapit sa dalawa, sinasabi lang daw nilang mag-friends lang daw muna sila.

Ewan ko lang kung charing-charing lang yun dahil never pa talaga sila nagkaaminan.

Mukhang okay naman daw sila nung gabing iyun, at naibulong pa ng aming source na isa na palang INC (Iglesia ni Cristo) si Bianca kagaya ni Ruru.

May ilan din kaming napagtanungang matagal na raw pala nagpapadoktrina si Bianca, pero hindi pa kinukumpirmang na-convert na siya sa INC.

Ewan ko lang kung alam na ito ng pamilya niya.

Samantala, natuwa ang KyRu fans dahil tila pakilig ang birthday message ni Kylie Padilla sa Twitter.

Tweet ni Kylie sa lengwahe nila sa Encantadia: “Hasne Ivo Live ybrahim aking mahal. Ay Ru pala. (laugh emoji).”

Napag-alamang ngayong araw na raw ang swabbing nina Ruru at Kylie at pati ang ibang cast para sa taping ng isang episode para sa Regal Studio Presents.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matutuloy na rin pala ang pagsasama nila rito at next week na raw ang taping.

NOEL FERRER

I never really doubted na ok na ok sina Ruru at Bianca sa kanilang estado ng buhay ngayon.

I know that they are doing well in their respective lives at alam din nating supportive sila sa isa’t isa.

Basta, I look forward to the day that they can do projects together, and I’m sure they’ll be performing really well dahil magagaling at mababait silang tao talaga!

Masaya tayo kung masaya sina Ruru at Bianca… at sana kung anuman, wala nang magne-nega.

JERRY OLEA

Ang saya-saya! Maligaya ang KyRu fans na magkakatambal muli sina “Amihan” at “Ybrahim/Ybarro”!

Of course, wala nang keber diyan si “Machete!”

Tamis-tamisan sina Bianca at Ruru sa bday celebration ng Kapuso hunk! Mainit ang kanilang Pasko, at ang Bagong Taon ay puno ng pagmamahalan!

Read Next
Read More Stories About
Ruru Madrid, Bianca Umali
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tamis-tamisan sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa 24th birthday celebration ng Kapuso hunk na ginanap nitong nakaraang Sabado, December 4, sa Kaulayaw Cafe sa Antipolo. Binasag nito ang mga haka-hakang nagdededmahan daw ang dalawa nitong mga nakaraang buwan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results