Watch Now

Caught in the Act, unang Pinoy movie to reopen local cinemas

by PEP Troika
Dec 5, 2021
Joaquin Domagoso
Andi Abaya
Perry Escano
Cast ng pelikulang Caught in the Act, with director Perry Escano (extreme right). Ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Joaquin Domagoso at Andi Abaya ay magiging kauna-unahang Pinoy film na ipapalabas sa mga sinehan mula noong magsimula ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

GORGY RULA

Sa halip na ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story ang unang local film na ipalalabas sa mga sinehan ngayong pandemya, ang pelikula ng anak ni Mayor Isko na ang kauna-unahang local film na magkakaroon ng theatrical release.

Sa December 15 na ang showing ng pelikulang Caught in the Act na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso, kasama sina Andi Abaya, Karel Marquez, Shido Roxas, Lance Raymundo, at mga batang baguhang sina Jhassy Busran, Bamboo B, John Gabriel, EJ Panganiban, at Josh Lichtenberg.

Si Perry Escaño ang nagsulat at nagdirek nito, na ipinasa sa Metro Manila Film Festival, pero hindi nakapasok sa Magic 8 ng naturang filmfest.

“Okay lang,” ang mabilis na sagot ni Joaquin nang tinanong siyang mauunahan pa niya ang showing ng kuwento ng buhay ng kanyang ama.

“Glad ako na mapapalabas na po yung movie namin. Pero hindi naman po sa mas masaya ako or mas malungkot ako na mauna yung movie ni Papa o hindi. Pero happy ako na maipapalabas naman pala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa January 26 po yun, ano?” dagdag na sagot ni Joaquin sa nakaraang presscon at press preview ng Caught in the Act na ginanap sa Cinema 5 ng Gateway nung Sabado, December 3.

Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso
Andi Abaya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joaquin Domagoso
Andi Abaya

Nasa Zoom lang si Joaquin, pati sina Karel at Andi dahil nasa lock-in taping sila.

Sabi pa ni Joaquin, siya naman daw ngayon ang hindi makakasama ng pamilya sa kanilang regular na Sunday bonding dahil nasa lock-in taping siya ng First Lady.

Nilinaw ng young actor na kahit sobrang busy ng kanyang ama, tinitiyak daw nilang makakasama nila ito tuwing Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bihira raw nila itong nakasama sa bahay dahil madalas na late na ito nakakauwi.

“Nakakauwi naman po si Papa, e. Pero hindi siya nakakauwi nang maaga, laging gabi at umaalis siya nang maaga,” pahayag ng Kapuso young actor.

Sa totoo lang, pressure din daw sa kanya ang maging anak ni Mayor Isko Moreno dahil kailangang maayos daw siya sa mga sinasabi niya at baka makaapekto pa ito sa kanyang ama.

“Ang dami pong mga taong nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi mapi-pressure?” pakli ni Joaquin.

“Sa ngayon po, ang dami pong nag-i-interview sa akin, lagi pong natatanong about my dad.

“Lagi po akong napi-pressure na dapat kailangan kong magsagot nang tama. Kasi if something happens wrong, ako pa ang may kasalanan sa pagkatalo ng Papa ko. Dun po ako napi-pressure,” deretso niyang pahayag.

JERRY OLEA

Disyembre 1, Miyerkules, ang original playdate ng pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikipasalpukan sana ito sa marvelous film na Eternals.

Nakiusap si Manila Mayor Isko Moreno sa producer na ipagpaliban sa Enero 26, 2022 ang pagpapalabas ng kanyang musical biopic.

Gusto kasi ni Yorme na mapanood ng mga kabataan ang pelikula upang kapulutan nila ng aral at ma-inspire sila.

Marami sa kabataan ang hindi pa naka-second dose ng bakuna, at ang iba’y ni hindi pa naka-first dose, kaya bawal pa silang manood ng sine.

Hindi siguro iyon isinasaalang-alang ng Caught in the Act kaya magsu-showing na ito sa Disyembre 15, kasabay ang James Bond movie na No Time To Die, at ang Resident Evil: Welcome To Raccoon City.

Bida sa Caught in the Act ang anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Bet kaya ng producer na masabing ang project nila ang unang Pinoy film na ipinalabas matapos mag-reopen ang local cinemas, kaya kinuha na nila ang nasabing playdate?

Traditionally, patay na playdate iyon dahil abalang-abala na ang mga tao sa nalalapit na Kapaskuhan, and the moviegoers are looking forward sa MMFF entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This year, abang-abang tayo sa A Hard Day ni Dingdong Dantes, Huwag Kang Lalabas nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez at Kim Chiu, Huling Ulan sa Tag-araw nina Rita Daniela at Ken Chan, Nelia ni Winwyn Marquez, at iba pa.

At any rate, itong Caught in the Act ni Joaquin ay malayo ang istorya sa 1981 Regal movie of the same title na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Amy Austria at Phillip Salvador, sa direksyon ni Lino Brocka.

Nakakaaliw ang anecdote ni Joaquin kung paano siya na-“caught in the act” sa totoong buhay sa kanyang kuwarto.

Napapangiting pagtatapat ni Joaquin, “Ganito po kasi. Last year lang po yun. May ginagawa ako sa kuwarto ko, akala ko locked yung door.

“Sa room lang po ako, nag-a-iPad po ako privately. Akala ko, locked yung door, biglang pumasok yung yaya ko, hawak-hawak yung mga damit.

“Wala akong magawa. Sinara na lang po niya ulit. End of story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Oh, si Direk Perry pala ang nagdirek ng makabagong Caught in the Act. Let us see if this will top all the other much talked about films like Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, Overture at Ang Sikreto ng Piso at iba pa.

Let us see kung paano ito susuportahan ng ating manonood na medyo nasa Christmas rush na ngayon.

Good luck!

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cast ng pelikulang Caught in the Act, with director Perry Escano (extreme right). Ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Joaquin Domagoso at Andi Abaya ay magiging kauna-unahang Pinoy film na ipapalabas sa mga sinehan mula noong magsimula ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results