PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela, hindi threatened sa mga bagong Kapuso

"Iba-iba naman po kami ng ano, e… ng galing, kumbaga."
by PEP Troika
Published Dec 6, 2021
rita daniela sexy
Rita Daniela on her past heartbreaks: “Oo naman. Siyempre, hindi natin maiiwasan yung… naku! Siyempre, nung dati pa naman, may mga inibig din ako nung high school ako, nung college ako, di ba? Kumbaga, lahat din talaga na tumatak sa buhay ko. Ganyan.”
PHOTO/S: @missritadaniela

JERRY OLEA

Excited si Rita Daniela sa ire-release niyang EP (extended play) next year na pawang komposisyon niya ang laman. Ibinuhos ba niya sa music ang mga angst niya sa pag-ibig?

“Ahhm, sige… ang concept kasi ng gusto kong i-release na EP ko is… this is like love letters to all the men that I’ve loved,” mahiwagang pagngiti ni Rita.

Marami ba sila?

Tumikwas ang kilay ni Rita, “Aba, siyempre naman! Minsan lang tayo mabubuhay! Di ba? Kailangan, push tayo!”

Mula kasi nang magtambal sila ni Ken Chan sa Kapuso series na My Special Tatay (Setyembre 2018-Marso 2019) at bumongga ang RitKen tandem nila, hindi na siya na-link sa iba.

Meron bang nakakasingit na manligaw sa kanya? Hindi ba nai-intimidate sa kanya ang kalalakihan?

“Before pa yun, bago pa nagkaroon ng Ken Chan sa buhay ko!” paglilinaw ni Rita.

“Kumbaga, jinampack ko siya sa isang album. Siyempre, meron din akong song for my dad. Meron din para kay Ken. Talagang for the boys, and the men…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ba siyang heartbreak na pinaghugutan ng inspirasyon para sa mga kantang binuo niya?

“Oo naman. Siyempre, hindi natin maiiwasan yung… naku!” napatili ang 26-anyos na Kapuso actress.

“Siyempre, nung dati pa naman, may mga inibig din ako nung high school ako, nung college ako, di ba?

“Kumbaga, lahat din talaga na tumatak sa buhay ko. Ganyan.”

Kaya ba niya gustong mag-release ng EP next year ay para “humabol” sa kakontemporaryo niyang si Julie Anne San Jose na may concert trilogy na Limitless?

“Hindi naman sa habol. Siguro, more of a realization for me. Kasi, sabi ko, I’ve been in the industry for 16 years,” pagmamatuwid ni Rita.

“And people know that I’m also a singer. Bakit hindi ako nagre-release ng songs, or ng music? Na kaya naman.

“So, it’s more on personal growth. Kumbaga, yun ang isa kong realization.”

Maraming pumapasok na bagong artista sa Kapuso Network. Nate-threaten ba siya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi!” mabilis na tugon ni Rita.

“Ako, mas excited akong makatrabaho sila. Kasi, iba-iba naman po kami ng ano, e… ng galing, kumbaga.

“Kung yun po yung tamang word. If not, I’m sorry. Pero iba-iba din po kasi ang talent namin.

“So, ako po, mas excited. Hindi ako nate-threaten actually.”

At hindi naman siya napapabayaan ng kanyang TV network?

“Opo. Kasi, pangalawang bahay ko na ang GMA at saka, kumbaga, kabisado na rin nila ako bilang artist.

“Kaya OK naman po ako. Masaya naman po ako.”

Nakatsikahan ng PEP Troika si Rita sa storycon ng pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa nitong Disyembre 3, Biyernes ng hapon, sa Sikat Studio, Morato Ext., Quezon City.

Bida rin si Rita sa MMFF 2021 official entry na Huling Ulan sa Tag-araw, katambal si Ken.

GORGY RULA

Dapat naman talagang bigyan din ni Rita ng atensyon ang pagkanta niya dahil forte din niya ito, at marami na siyang nagawang kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di ba, meron pa siyang nagawa para kay Ken Chan na nag-blush nang napakinggan ang first verse at chorus ng awit?

Pero panibagong challenge din itong ginagawang pelikula ni Rita na nag-umpisang magsyuting nitong Disyembre 5, Linggo, sa Pampanga.

Nakaka-pressure daw sa kanya itong role na gagampanan niya sa Madawag ang Landas Patungong Pag-asa, pero gagamitin daw niya ang pressure na ito para lalo pa niyang galingan.

“It’s a good kind of pressure na gusto kong gamitin para, kumbaga, husayan ko ang gagawin ko. Hindi yung pressure na takot.

“Actually, mas excited ako, kasi this will be my second lead sa isang pelikula. So, nakakatuwa kasi pinagkatiwalaan ako nina Sir Dennis [Evangelista], Direk Joel [Lamangan], at ng ating mga producers po. Thank you very much,” saad ni Rita.

Hindi niya kasama si Ken Chan dito, kaya isa rin ito sa pagbabago sa kanyang career.

“Naniniwala naman po ako na darating at darating po yung araw na maghihiwalay kami. Kasi si Ken, isang mahusay na aktor din talaga at kailangan din niyang mag-move on at ganun din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa po ito sa pasimula ko na kumbaga, at masaya po ako, kasi makakasama ko at alam ko maaalagaan ako ni Direk Joel at may mga tao pong mag-aalaga po sa akin,” sabi pa ni Rita.

NOEL FERRER

Kung merong strength si Rita, I think ito ay ang kanyang pagiging singer/performer. Hataw na! Kanta, sayaw ka na, Rita!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela on her past heartbreaks: “Oo naman. Siyempre, hindi natin maiiwasan yung… naku! Siyempre, nung dati pa naman, may mga inibig din ako nung high school ako, nung college ako, di ba? Kumbaga, lahat din talaga na tumatak sa buhay ko. Ganyan.”
PHOTO/S: @missritadaniela
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results