Jak Roberto, di sinagot kung nakarelasyon si Klea Pineda bago naging sila ni Barbie Forteza

by PEP Troika
Dec 6, 2021
klea jak barbie pep
"Hindi ko na lang po sasagutin, Tito, baka maniwala pa sila," iwas ni Jak Roberto nang tanungin kung naging sila ni Klea Pineda (kaliwa) bago naging sila ni Barbie Forteza (kanan).
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Bakit kaya ayaw sagutin ni Jak Roberto ang tanong ko kung nagkaroon ba sila ng relasyon noon ni Klea Pineda bago pa naging sila ni Barbie Forteza?

Nang nagsimula silang mag-promote ng Never Say Goodbye para sa Stories From The Heart, nag-e-emote daw si Barbie dahil sa past nina Jak at Klea.

Napangiti lang ang Kapuso hunk nang nakatsikahan ng PEP Troika sa story conference ng pelikula nila ni Rita Daniela na Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.

“Yun nga po ang lumalabas sa news. Hindi ko na lang po sasagutin, Tito, baka maniwala pa sila,” nakangiting sagot sa akin ni Jak kung naging sila ba talaga noon ni Klea.

Hindi raw pinagselosan ni Barbie si Klea, at all-out daw ang suporta ng Kapuso Primetime Princess sa lahat ng projects niya.

“Lagi naman po, e. Kahit yata dumaan lang ako sa TV, all-out support niya, pinu-post niya agad,” sabi pa ni Jak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung kiyemeng emote daw ni Barbie na may pa-cryptic post pa ay para lang daw sa vlog nila.

Maagang ipinagdiwang ng magkasintahang Jak at Barbie ang birthday ng Kapuso hunk dahil papasok na sa lock-in taping ang aktres para sa bago niyang teleserye.

“Simple dinner lang kami sa Steakhouse. Kami lang dalawa,” nakangiting sabi ni Jak.

Hindi raw niya alam kung matatapos na si Barbie ng taping bago mag-Pasko.

Pero sabi naman ni Barbie, maaaring nakauwi na siya by that time. Maaaring kasama na niya si Jak sa araw ng Pasko.

Wala namang isyu sa magkasintahan kung anong projects ang tatanggapin nila.

Kung si Rita Daniela ang makaka-partner ni Jak sa bagong pelikulang ginagawa niya, gusto ni Barbie na mas mapangahas na ang mga gagawin niyang projects pagkatapos niyang mag-renew ng exclusive contract sa GMA 7.

Wala raw siyang babaguhin, pero mas matapang na siya sa pagtanggap ng projects. Kaya ibang-iba itong bagong drama series na tini-tape niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, mas magiging matapang ako in accepting roles. Pero hindi naman para totally para baguhin ko yung sarili ko, kasi eto naman din ang minahal ng GMA sa akin, di ba?

“Ito rin naman ang nagustuhan nila sa akin in the first place, ang pagiging myself. So, hindi ko siya babaguhin, unless sabihan ako.

“Pero sa ngayon, I don’t think I need to change about myself. Maybe in terms of accepting roles, and siguro I need to be more responsible sa aking schedule, sa aking time, para ma-coordinate lahat na trabaho,” pahayag ni Barbie sa nakaraang mediacon pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7.

JERRY OLEA

Sabi ni Rita Daniela, malabong pagselosan ni Barbie Forteza ang pagtatambal nila ni Jak Roberto sa pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

“Chika kami ni Barang, kasi magkasama kami sa All-Out Sundays,” sabi ni Rita sa recent storycon ng movie.

“Pareho kaming babaeng bakla, so walang…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pa nakatrabaho ni Rita si Jak. Nagkasama nga sila sa music video ng "Hahanap-hanapin Ka," na naging theme song ng unang serye together nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Walang malisya si Rita kay Jak, kumbaga.

Mas kilig-kiligan si Rita sa other leading man niyang si Albie Casiño. Looking forward si Rita sa kissing scene nila ni Albie.

jak rita albie pep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Jak, ever since ay suportado nila ni Barbie ang isa’t isa, iba-iba man ang kani-kanyang kapartner sa project. In the end, sila pa rin naman ni Barbie ang nagkakasama, at going strong ang kanilang relasyon.

Nakapag-invest na si Jak ng lote. Ipun-ipon daw muna siya para walang problema later on sakaling magle-level up na ang pag-iibigan nila ni Barbie.

Next year ay magpapa-design na raw si Jak para sa ipapatayong bahay!

NOEL FERRER

Again, as I always say — water will find its level.

Si Klea man iyan o si Barbie, it says something about Jak o kina Klea at Barbie rin mismo.

Kung sino man ang napupusuan mo ay reflection ng kung sino ka at ng iyong sariling aspirations.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko na lang po sasagutin, Tito, baka maniwala pa sila," iwas ni Jak Roberto nang tanungin kung naging sila ni Klea Pineda (kaliwa) bago naging sila ni Barbie Forteza (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results