PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban, "10" ang rating sa kanyang "kangks life"

Angelica, only choice ni Direk Antonette Jadaone para sa The Kangks Show.
by PEP Troika
Published Dec 10, 2021
angelica antonette the kangks show
Direk Antonette Jadaone (right) on Angelica Panganiban being her only choice as the lead star of WeTV series The Kangks Show: "Si Angge, pag di niya tinanggap ‘to, wala na yung show, change concept na kami. Siya lang talaga ang naiisip ko na gaganap na Doc Kara. Si Angge lang talaga ang naisip ko."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ang bilis ng sagot ni Angelica Panganiban na "10" ang rate ng kanyang "kangks life."

Tungkol sa kangkangan o sex ang pinag-usapan sa nakaraang virtual mediacon ng bagong mini-series ng WeTV na pinamagatang The Kangks Show.

Sabi ng writer at direktor nitong si Direk Antoinette Jadaone, open na pinag-uusapan ang sex sa programa. Kaya ipinatanong ko na rin sa host ng mediacon na si DJ Chacha kung kumusta at ano ang rate, from 1-10, ng "kangks life" ng main cast ng The Kangks Show.

“Ako, 10. Why? I think, pass!” natatawang sagot ni Angelica.

Kaya pala super blooming daw ang beauty nito, susog naman ni DJ Chacha.

Mahina yata ang signal ng Zoom ng ilang co-stars ni Angge na sina JC de Vera at Maris Racal kaya hindi nila nasagot ang naturang tanong. Wala naman sa Zoom sina Kit Thompson at Angeli Bayani.

Sabi ni Direk Tonette, si Angelica lang talaga ang nasa isip niya nang na-conceptualize itong The Kangks Show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mala-Maalala Mo Kaya na may halong Dr. Margie Holmes ang series kung saan gagampanan ni Angelica ang role ni Doc Kara, isang sex expert na nagbabasa ng mga sulat tungkol sa kanilang experience at problema sa sex. Nire-reenact nila ang nasa sulat at nagbibigay ng payo si Doc Kara.

“Si Angge, pag di niya tinanggap ‘to, wala na yung show, change concept na kami,” bulalas ni Direk Tonette.

“Siya lang talaga ang naiisip ko na gaganap na Doc Kara. Si Angge lang talaga ang naisip ko.

“Nung nakuha na si Angge, saka na ako nag-casting. Kasi nga, baka hindi niya tanggapin, sayang lang yung casting ko na iba,” dagdag niyang pahayag.

Mapapanood ang The Kangks Show sa WeTV simula December 17 ng 8:00 p.m.

Sabi pa ni Direk Tonette, too late na hindi pa rin tayo open na pinag-uusapan sa isang programa ang sex.

“Feeling ko, matagal nang pinag-uusapan yung sex na hindi pinagbubulungan or yung sex na hindi na kailangang ibi-bleep sa pelikula or TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Happy ako na tinanggap ng mga nandito na cast ang mga roles nila na kahit kailangan pa naming lagyan ng leucoplast ang mga boobey nila. Sobrang happy ako sa kanila,” saad ni Direk Tonette.

JERRY OLEA

Patay-malisya siguro sina JC at Maris sa rating ng kani-kanyang kangks life dahil baka pulutin sa kangkungan ang kanilang pananaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang ngayon ay wala pa sa kamalayan ko ang WeTV. Kaya panonoorin ko na lang ang programa nilang iyan sakaling ipalabas sa Netflix.

Aba! Sandamukal lagi ang nakakaaliw na palabas sa Netflix, more and more!

As of this writing, No. 4 sa Top 10 List ng Netflix Philippines ang teleseryeng The Promise/Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Streaming na sa Netflix ang Bagong Umaga/New Beginnings nina Heaven Peralejo, Kiko Estrada, Barbie Imperial, at Tony Labrusca, maging ang Arisaka ni Maja Salvador.

Ipalalabas sa Netflix sa Disyembre 17 ang Status: It’s Complicated nina Eugene Domingo at Jake Cuenca, The Bride and the Lover nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe, My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, at Bawal Lumabas The Series/Her Rules, Her No’s ni Kim Chiu.

Sa Disyembre 23 naman ang Netflix streaming ng Will You Marry nina K Brosas at Elisse Joson.

Bago ko hagilapin kung nasaan ang WeTV, maglalaan na muna ako ng panahon sa panonood ng pelikula sa big screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palabas na umpisa Disyembre 8, Miyerkules, ang Venom: Let There Be Carnage. Sa Disyembre 15, looking forward tayo sa James Bond film na No Time To Die.

At siyempre, sa MMFF 2021, abang-abang tayo sa A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla, Kun Maupay Man It Panahon/Weather The Weather Is Fine nina Daniel Padilla at Charo Santos, Big Night ni Christian Bables, Nelia ni Winwyn Marquez, Huling Ulan sa Tag-araw nina Rita Daniela at Ken Chan, at Huwag Kang Lalabas nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.

Sabik din tayo sa pasabog ng Pinoy BL series na Love At The End Of The World umpisa Disyembre 30 sa GagaOOLala. At para next year, nagtabi na tayo ng budget para sa Spider-Man: No Way Home.

Kaya good luck na lang sa The Kangks Show.

NOEL FERRER

Ano, aware naman ako sa WeTV dahil sa projects na ginawa rito ng talent kong si Iza Calzado. Kasama na ang romc-om project nila ni Ian Veneracion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, pagandahan na lang ng content. At sana, itong The Kangks Show ay kumonek sa mas malawak na audience.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Antonette Jadaone (right) on Angelica Panganiban being her only choice as the lead star of WeTV series The Kangks Show: "Si Angge, pag di niya tinanggap ‘to, wala na yung show, change concept na kami. Siya lang talaga ang naiisip ko na gaganap na Doc Kara. Si Angge lang talaga ang naisip ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results