JERRY OLEA
Bida sa pelikulang Four Sisters Before The Wedding sina Charlie Dizon, Belle Mariano, Alexa Ilacad at Gillian Vicencio.
Nag-streaming ang naturang prequel ng Four Sisters And A Wedding noong Disyembre 11, 2020 sa KTX, iWant TFC, Sky Cable PPV at Cignal PPV.
Kumusta kamo ang career ng apat na dilag makalipas ang isang taon?
Naunang umarangkada ang career ni Charlie na tinanghal na Best Actress para sa MMFF 2020 film na Fan Girl.


Ongoing ang Kapamilya primetime teleserye niyang Viral Scandal, kung saan katambal niya si Joshua Garcia.

Samantala, itinambal si Belle kay Donny Pangilinan sa iWant TFC series na He’s Into Her, na magkakaroon ng second season.



Streaming na ang Star Cinema movie nilang Love is Color Blind mula Disyembre 10, Biyernes, sa SKY Pay-Per-View.
Inilabas na ng Star Pop label ng ABS-CBN ang debut album ni Belle na Daylight. Mapapakingan ito sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon Music, Deezer, at iba pang digital music services.
Nakapaloob sa Daylight ang hit single niyang "Sigurado."
Gaganapin ang virtual concert ni Belle na DAYLIGHT: The Concert sa Enero 29, 2022 handog ng ABS-CBN Events at Star Pop. Mabibili na ang tickets sa KTX.

For her part, nakasama si Alexa sa PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition.
Ligtas si Alexa sa double eviction (again) ngayong Disyembre 11, Sabado. Ang anim na nanganganib ay sina Anji Salvacion, Daisy “Madam Inutz” Lopez, KD Estrada, Samantha Bernardo, Benedix Ramos at Shanaia Gomez.
Si Gillian naman ay sumuporta kina Tony Labrusca at JC Alcantara sa Hello Stranger The Movie na ipinalabas noong Pebrero.
Kasama si Gillian sa forthcoming teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True.
Siyanga pala, streaming sa Netflix ang Four Sisters And A Wedding, Four Sisters Before The Wedding, Fan Girl, He’s Into Her, at Pinoy BL series na Hello Stranger.
GORGY RULA
Nakakamangha ang suporta ng fans sa DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Kahit simpleng episode ng He's Into Her, nagte-trending ito.
Nung Huwebes ng gabi ay trending ang #LoveIsColorBlindWorldPremiere pagkatapos ng premiere night ng first movie nina Donny at Belle.
Tuwang-tuwa ang fans sa sweetness ng dalawa, at nakukunan nila ang sweet moments ng dalawa at kung paano inalalayan ni Donny si Belle.
Ang pinaka-happy ay ang kani-kanyang mommy. Medyo emotional si Maricel Laxa sa isang interview kung saan nagpapasalamat siya sa Star Cinema at ABS-CBN sa ibinigay na magandang break sa kanyang panganay na binata.
NOEL FERRER
Ngayon ay nasa streaming sites pa lang sila. But I really wish the DonBelle team up na magkaroon ng loyal fans para kahit sa commercial theaters ay magkunek sila sa kanilang audience.
Maliban sa acting kasi, with what they represent and stand for, parang magiging magandang ehemplo sina Donny at Belle sa mga kabataang susubukan gayahin sila bilang kanilang mga idolo.
I am really hoping that their tandem will be blessed more!!!
