PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela gets emotional watching MMFF movie with Ken Chan

Rita Daniela, pwedeng lumaban sa Best Actress ng MMFF 2021.
by PEP Troika
Published Dec 14, 2021
rita daniela ken chan
Rita Daniela on leading man Ken Chan: "I just wanna honor Ken, my partner not just in screen but also in life. I don’t think I’d be able to portray something like that and I’d be able to that way, kung hindi siya ang kasama ko."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napaluha si Rita Daniela nang mapanood ang pelikula nila ni Ken Chan na Huling Ulan sa Tag-araw.

“Ang pula po ng ilong ko!” bulalas ni Rita nitong Disyembre 13, Lunes ng gabi, sa Gateway Cinema 1, Cubao, Quezon City.

“Hindi po ako makapaniwala, grabe po, na nakagawa po kami ng ganun kagandang pelikula.

“Sobrang charming po ng lahat ng characters. As in, parang naging audience po ako kanina. Nakalimutan ko na parte ako ng movie.

“Sobrang… pinanood ko lang yung pelikula. Kasi, ang ganda talaga.”

Napaluha si Rita nang ilahad na dedicated niya sa kanyang ina ang pelikula.

Napapahikbing sambit ni Rita, “I’m really, really happy because I think my mom would be so proud of me, and my dad also.

“So, I’m just so happy po talaga.”

Ang Huling Ulan sa Tag-araw ay idinirek ni Louie Ignacio para sa Heaven’s Best Entertainment. Isa ito sa walong official entries ng MMFF 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa cast nito sina Lotlot de Leon, Richard Yap, Soliman Cruz, Ahwel Paz, Hero Bautista, Lou Veloso, at Rachel Jacob.

Pahayag ni Ken, “Ilang beses ko na pong napanood itong movie na ‘to pag pini-preview po namin ni Direk Louie Ignacio.

“And… parang first time ko ulit pinanood yung pelikula. At sobrang nakaka-proud, kasi hindi po namin akalain na itong pelikula na ito na ginawa namin sa Pagsanjan…

“Bawat araw, napakasaya po namin sa set. Hindi po kami na-pressure. Walang stress sa production.

“Lahat, kahit nasa kalagitnaan ng pandemya nung ginagawa namin ang movie na ‘to… talagang ini-enjoy pa namin ang bawa’t araw na magkakasama kami.

“Gusto lang namin gumawa ng isang pelikula na mai-inspire po ang mga tao. Na may matututunan sila sa kuwento…”

huling ulan sa tag-araw

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agosto 2020 nila syinuting ang pelikula sa Pagsanjan, Laguna. Kasagsagan noon ng pandemya. Hindi nila alam kung paano at kailan ipapalabas ang pelikula, pero hinintay nila ang tamang panahon.

Dagdag ni Ken, “Itinago po namin ang pelikulang ito. Siguro nga po, talagang… in God’s time. In God’s time!

“At talagang ibinigay po iyan ni Lord sa amin. Sabi Niya, ‘Maghintay kayo dahil may perfect time para sa pelikula na ‘yan.’

“At mas gusto ko na mas maraming tao ang makakakita nito. At ito na po ang araw na yun…”

GORGY RULA

Maayos ang pelikula at, sa tingin ko, ang lalong nagpaganda rito ay ang pag-arte ng mga artistang involved.

Wala na akong masasabi sa tambalan nina Rita at Ken, dahil lumalabas talaga sa screen na kumportable sila sa isa’t isa. Pero ang magaling talaga dito, sa totoo lang, ay si Rita.

Sabi ko nga sa kanya, hindi pa naman namin napanood ang ibang pelikula, pero puwedeng lumaban si Rita sa Best Actress category. Parang nahihiya pa si Rita nang sinabi ko ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi ng Kapuso singer-actress, “Sa totoo lang, nung nalaman namin na pasok yung pelikula namin sa MMFF, hindi na po kami naghahangad ng ano pa.

“The fact na nakapasok kami sa Magic 8 na tinatawag, sobrang grabeng blessing na yun, as in… yun nga po, laging sinasabi naming it’s been two years, kailan pa po ba namin mapapanood yung pelikula?

"Tapos, biglang, hala, pasok siya sa MMFF!

“Sa akin naman po, kung will naman po ni Lord talaga. If He thinks that my character is ready to receive an award like that, then thank You so much, Lord.

“Then, kapag hindi naman po, wala naman pong issue. Kasi naman po, napakagaling, napakahusay naman po lahat na aktor na nakasama po sa MMFF and sobrang special po nito talaga.

“And I have to say, I just wanna honor Ken, my partner not just in screen but also in life.

“I don’t think I’d be able to portray something like that and I’d be able to that way, kung hindi siya ang kasama ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkahawak-kamay pa silang dalawa habang sinasabi ito ni Rita sa presscon ng Huling Ulan Sa Tag-araw.

NOEL FERRER

Bilang kinatawan ng MMFF, hindi na lang muna ako magbibigay ng opinyon sa kalidad ng pelikula.

Gusto ko siyempre na kumita ito at tangkilikin ng mga tao ang lahat ng official entries sa ating taunang film festival.

Mahigit isang taon na nagsara ang mga sinehan dahil sa pandemya. Sana talaga, makabawi tayo kahit papaano this year… nang walang nagkakasakit na.

Paalala… sa Disyembre 19, Linggo ng hapon, ang MMFF 2021 Fluvial Parade of Stars sa Pasig River.

Mag-uumpisa ang fluvial parade sa Guadalupe Ferry Station ng Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela on leading man Ken Chan: "I just wanna honor Ken, my partner not just in screen but also in life. I don’t think I’d be able to portray something like that and I’d be able to that way, kung hindi siya ang kasama ko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results