Derek Ramsay at Ellen Adarna, itutuloy ang honeymoon sa Africa sa kabila ng Omicron

by PEP Troika
Dec 14, 2021
Derek Ramsay and Ellen Adarna
Derek Ramsay on bringing Elias on his honeymoon trip with wife Ellen Adarna: "Yung Safari, once mo lang gagawin yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya."
PHOTO/S: Pat Dy via @maria.elena.adarna Instagram

GORGY RULA

Sa gitna ng pagkalat ng Omicron variant sa ilang bahagi ng mundo, balak pa ring ituloy ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang honeymoon sa Africa.

Bandang second week of January next year daw nila balak magbakasyon sa Africa. Kaya sana ay bumaba na ang kaso ng COVID-19 at ang pagkalat ng Omicron variant.

Nag-decide na rin daw silang isama si Elias, ang anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

“Gusto namin ma-experience ni Elias yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito, e, na kung nandun na kami, tapos yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias iyun.

“Yung Safari, once mo lang gagawin yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” pahayag ni Derek nang nakapanayam siya ni Morly Alinio sa DZRH nung nakaraang Linggo, December 12.

Gusto man daw nilang isama ang panganay niyang anak na si Austin, hindi raw puwede dahil nag-i-school na ito.

Continue reading below ↓

Masaya si Derek sa buhay may-asawa niya dahil wala raw ka-pressure-pressure ang pagsasama nila ni Ellen.

“Wala kaming away. Sobrang positive ang energy dito sa bahay. Parang Big Brother lang, ano?” napapangiti niyang pakli.

“After the wedding, talagang smooth-sailing ang nangyayari sa amin ngayon.

“Nagpaplano pa lang ng wedding, usually nagpi-prepare ka, nai-stress kayo, nag-aaway kayo dahil sa preparations. Pero sobrang relaxed talaga namin ni Ellen. Sobrang comfortable,” dagdag niyang pahayag.

Kahit daw patindi nang patindi ang mga prank na ginagawa sa kanya ni Ellen, enjoy lang daw sila sa loob ng bahay.

“Masaya talaga dito sa bahay, kaming mag-asawa, kaibigan, pamilya. Masaya talaga kami dito sa bahay.

“Kuntento na kami dito sa bahay para safe. Nandiyan ang coronavirus. Gusto lang namin dito sa bahay,” sabi pa ni Derek.

Pinabulaanan din ni Derek ang kumalat na tsismis na nagdadalantao na si Ellen. Pinaplano talaga nila ang magka-baby, pero next year pa raw. Si Elias daw muna ang baby nila sa bahay.

Continue reading below ↓

“Plano talaga namin magka-baby, not right now. Next year. May baby pa kami, si Baby Elias, nandito. Si Austin, hindi na baby. Sila muna ang focus namin.

“Pero next year, mag-aano na kami. Iyun ang plano namin. Mag-start na kami next year,” saad ni Derek.

Kung siya ang masusunod, gusto niya ay baby boy, dahil sobrang protective daw niya kung girl ang magiging anak nila ni Ellen.

“Hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin. Alam mo, kung magkaanak akong babae, she’ll have a complete control of me, di ba?

“Kapag may mga manliligaw, ay naku! Trust me!” natatawa na lang niyang pahayag.

JERRY OLEA

Next year ay sisimulan na raw ni Derek ang international movie na gagawin niya. Dito raw muna siya magpu-focus.

Wala raw siyang balak gumawa ng drama series. Ibig sabihin ba, isang project lang ang nagawa ni Derek sa GMA-7? Malapit na yatang matapos ang exclusive contract niya sa Kapuso network.

Continue reading below ↓

“No plans talaga for now. Next year, may international movie ako. So, focus ako dun,” lahad ni Derek.

“Pahinga muna ako from teleserye. Alam mo naman ako, sinabi ko sa mga interview natin, pag nag-umpisa na ako ng pamilya, talagang yyun ang focus ko.

“So, ‘yan, kakakasal lang namin. Wala, e. Hindi ako makaka-focus sa ibang bagay kundi pamilya ko.

“I really need to just take a break and enjoy the next chapter of my life.”

NOEL FERRER

Pagdating sa kanilang showbiz career, hindi raw pinapakialaman nina Derek at Ellen ang kani-kanyang trabaho at kung ano ang projects na tatanggapin nila. Wala naman daw siyang ipinagbabawal kay Ellen, sakaling gusto pa nitong magpa-sexy.

“Wala kaming rules sa mga ganyang klaseng bagay,” pahayag ni Derek.

“If she wants to still pursue show business, by all means. And the same way sa akin, kung gusto ko pang gumawa ng projects, wala kaming ano.

Continue reading below ↓

“She trusts me to choose my projects. She trusts me enough to choose my projects.

“Wala kaming ganun, e, na bawal kang gumawa ng ganito, bawal kang gumawa ng ganyan.”

Cool, open at masaya lang talaga ang pagsasama nina Derek at Ellen.

Nang makausap ko sila recently, looking forward sila sa Pasko with their blended families sa isang probinsiya.

Tama si Derek, hindi na muna showbiz, pero family life na talaga ang priority nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on bringing Elias on his honeymoon trip with wife Ellen Adarna: "Yung Safari, once mo lang gagawin yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya."
PHOTO/S: Pat Dy via @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results