JERRY OLEA
"Kung kaya mo, kaya ko rin. If you can do it, I can do it better!"
Iyan ang ipinahihiwatig ng versatile actor sa mahusay na aktres na ka-tandem niya sa trabaho. Bonggacious at fantabulous ang kanilang working relationship.
May magic, sparkle, at biochemistry ang kanilang tambalan. Platonic sa dilang platonic ang kanilang turingan, pero kering-keri nilang kilitiin ang kanilang masusugid na tagahanga.
Ito palang si mahusay na aktres ay matagal nang may ka-live-in na non-showbiz guy sa isang condo unit sa lungsod ng mga bituin. Maunawain si non-showbiz guy, hindi nagseselos o nai-insecure kahit lantaran ang pakikipagharutan ng mahusay na aktres sa ka-tandem na versatile actor.
E, kasi naman, itong si versatile actor ay pinagdududahang meron ding ka-live in na non-showbiz din, at mas talap-talap kesa sa kalaro ng mahusay na aktres.
Minsan, habang naggo-grocery ang versatile actor kasama ang pogilicious playmate, nakasalubong niya ang isang staff sa kanyang mother studio.
Natatanta ang versatile actor kung paano niya ipakikilala ang kasamang guwapo sa staff na itago natin sa pangalang Maria Teresa Lolita Cristinelli.
Sa palagay ba ninyo, nagko-compare notes ang mahusay na aktres at versatile actor sa kani-kanyang buhay pag-ibig?
NOEL FERRER
In fairness, magaling nga silang umarte, ha?
Wala mang acting award, wagi naman sila sa kanilang drama sa tunay na buhay. Sobra ang pa-tweetums nila at napaka-wholesome ng projection nila sa publiko, pero heto, marupok din pala sila tulad nating lahat.
This makes them more relatable kaysa sa larger-than-life characters nila sa TV man o sa sine.
In fairness sa versatile actor, mabait siya talaga, ha? Yung mahusay na aktres, seasonal ang pagkabait, depende sa panahon.
Wala namang masama sa pagmamahal nila — sabay silang aawit kasama si Maricris Bermont o Regine Velasquez, "Narito ako na lagi nang nakatingin sa mga ulap at bituin/ Puso't isip ko ay iisa ang hiwatig/ Narito ako, umiibig."
GORGY RULA
Sa tingin ko naman, hindi isyu ito sa tambalan nilang dalawa.
Ewan ko kung tama ang aking obserbasyon. Pero parang nagkakaintindihan sila, at alam nila ang drama ng bawat isa.
Ito lang ang malinaw sa aking naoobserbahan: ang nakikita ng fans ay trabaho lang.
Pero wala namang halong pagkukunwari yun, dahil iba na talaga ang level ng closeness ng versatile actor at mahusay na aktres.
Pagdating sa likod ng kamera at hindi lang natin alam, lalo na ang mga tagahanga, may kanya-kanya silang buhay at labas na yun sa trabaho nila at sa binubuo nilang tandem.
Kung ano man ang kanilang buhay na hindi nila ibinabahagi sa atin, sa kanila na yun at hindi na natin pag-aari yun.
Hindi na bago iyan. Ginagawa rin iyan ng iba. Ganoon lang talaga ang showbiz!
Sabi nga ng theme song ng programa dati ng namayapang Kuya Germs: "There’s no business like show business, like no business I know…. that’s entertainment!"
Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.