Vince Rillon, napalaban sa wild love scene nila ni Christine Bermas

by PEP Troika
Dec 31, 2021
Vince Rillon Christine Bermas
Vince Rillon on doing love scenes with Siko leading lady Christine Bermas: "Alam na namin kung paano yung sexy na ibibigay namin sa eksena, kung hayok na hayok ba, o sweet. Alam na namin."
PHOTO/S: Jerry Olea / Siklo

JERRY OLEA

Nagpa-"enka" muli ng boobey si Christine Bermas kay Vince Rillon sa pelikulang Siklo.

Hindi na raw sila nagkailangan dahil nagkatrabaho na sila noon.

Si Vince ay isang indie film actor, habang si Christine ay baguhang artista na napanood sa pelikulang Silab nitong 2021.

"Pangatlong beses ko nang naka-work si Christine sa Siklo, ang opening salvo ng Vivamax sa January 7, 2022," sambit ni Vince.

"Hindi na ako nahirapan kay Christine kasi, kumbaga, koneksiyon na kami. Pag nagkita kami, meron na kaming mga teknik. Alam na namin kung paano namin laruin yung karakter.

"So, nag-worry ako ay kay Ayanna Misola, yung gumanap na asawa ko sa Siklo. Kasi, first time ko siyang makatrabaho.

"Tinanong ko muna kung ano ang mga limitasyon niya. Ayaw raw niya… may mga sinabi siya na huwag ko raw anuhin yung dede niya. Huwag ko raw hawakan."

Naunang gawin nina Vince at Chirstine mga pelikulang Policeman aka Pola (Red Earth) at Sisid pero mas mauunang ipalabas ang Siklo. Sa Sisid, dumampi ang palad at labi ni Vince sa dibdib ni Christine. Kaya kampante na sila sa maseselang eksena sa Siklo.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Vince, "Alam na namin kung paano yung sexy na ibibigay namin sa eksena, kung hayok na hayok ba, o sweet. Alam na namin."

Sinabihan ba sila ng Siklo director na si Roman Perez Jr. na kailangang isilindro ni Vince ang boobs ni Christine?

"Kasi, ano, e… sa Siklo, asawa ko si Ayanna, si Christine ang kabit ko. Dapat, mas tender and loving ako sa asawa ko. Siyempre, bilang lalaki…" napapangiting sambit ni Vince.

Alam ba ni Ayanna na pinasadahan niya ang dibdib ni Christine?

"Hindi naman po niya alam. Hindi niya nakita ang eksena. Tinanong ko lang si Ayanna kung ano ang mga bawal, kung ano ang limitasyon niya," tugon ni Vince.

"Kasi ako, kung fight ka… ako ang mag-ano sa ‘yo. Enka ka!"

Anong “enka”?

Sagot ni Vince, "Kaen. Kakainin ka."

Anong reaksiyon ni Christine nung in-enka niya ang dibdib nito sa Siklo?

"Wala na po. Kasi, nagawa na namin yun sa Sisid. May eksena pa kami sa Sisid na umahon kami sa dagat na wala kaming tapis o suot.

Continue reading below ↓

"Tapos, lumalangoy kami, may drone shot, nakalawit yung mga puwet namin. Ha! Ha! Ha! Ha! Ganun. Floating kami.

"Wala na akong pakialam sa mga tao. Ang kailangan ko, kumonek ako sa eksena ko.

"Palaban si Christine. Malakas ang loob niya. Ako ang napapaatras dahil malakas ang loob niya. Ako yung umuurong.

"Pag umoo kasi ang babae, siyempre, challenging yun. Ano, hindi ka o-oo, samantalang yung babae, um-oo?

"Di ba? Parang mapapalaban ka. Parang mapapaano ka talaga, mapapaurong ka. Parang… pag umurong ka, talo ka!" bulalas ni Vince.

Nainterbyu namin ang 23-anyos na aktor nitong Disyembre 16, Huwebes, sa tahanan ng mentor niyang si Direk Brillante Mendoza sa Barangka Drive, Mandaluyong City.

GORGY RULA

Tahasang sinabi ni Vince na hindi siya nadarang sa maseselang eksena nila ni Christine. Hindi siya tinablan.

"Yun nga po ang ano ko, hindi ako tinitigasan ever since. Hindi ako tinitigasan," pagdidiin ni Vince.

Dagdag niya, "Naka-focus kasi ako sa kanya. Kailangang maiparating ko yun nang wala akong malisya sa kanya."

Continue reading below ↓

Nahihiya ba siyang makita ng mga tao sa set na tumetelag ang private part niya?

Napakunot-noo si Vince, "Ahhmm, kung tatanungin ako sa ganyan, basta kinakailangan sa pelikula, kung ikakaganda, OK.

"Pero kung hindi naman po gaanong kailangan na makita, hindi ko naman po ipapakita."

Kumusta naman si Paolo Gumabao sa Sisid? Palaban din ba si Paolo?

"Pareho po kaming dalawa. Kasi, alam ko naman na lalaki siya, e. At saka bago pa lang kami mag-shoot ng Sisid, tsina-chat na niya ako," sagot ni Vince.

"Napag-usapan na namin kung paano namin aayusin yung BL namin, ganyan-ganyan. So, yun.

"May mga time na pinupuntahan ko siya. Hindi na ako si Vince, yung karakter ko na yun. Sweet na kami.

"Sinusubuan ko siya sa mga lunch. Tapos, every morning, dinadalhan ko siya ng fruit shake. Ina-assist ko na siya.

"Kasi, yun po ang role ko, e. Sa story, si Paolo, marine biologist siya, darating sa isla namin. Ako, taga-isla ako, laking-dagat ako.

Continue reading below ↓

"So, pagsisilbihan ko siya. Yun ang role ko. Hindi pa kami nagsu-shoot, inaalalayan ko na siya.”

NOEL FERRER

Focused na focused si Vince sa kanyang artistry na dapat lang. Walang puwang ng makamundong pagnanasa dahil ang goal ay mai-deliver niya ang kahingian ng mga eksena.

Kung hindi, lagot siya kay Direk Brillante Mendoza. Aabangan natin ang lalim ng kanilang pagsisid!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon on doing love scenes with Siko leading lady Christine Bermas: "Alam na namin kung paano yung sexy na ibibigay namin sa eksena, kung hayok na hayok ba, o sweet. Alam na namin."
PHOTO/S: Jerry Olea / Siklo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results