PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V: Legacy, may patikim sa New Year Countdown ng GMA-7

Voltes V vs Darna: anong programa ang mas papatok sa 2022?
by PEP Troika
Published Dec 31, 2021
voltes v legacy
Magpapatikim ang Voltes V: Legacy na isa sa aabangan sa New Year Countdown ng GMA-7 ngayong gabi, December 31.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Isa sa aabangan sa New Year Countdown to 2022 ng GMA-7 ngayong gabi, December 31, ay ang behind the scenes ng lock-in taping ng Voltes V: Legacy.

Ang direktor nitong si Mark Reyes ang pinaka-excited sa lahat, lalo na’t pinadalhan siya ng sulat ng TOEI Company, Ltd., ang homebase ng Voltes V sa Japan.

Ipinost ni Direk Mark sa Instagram ang sulat na ipinadala ng TOEI na excited na raw silang mapanood ang Pinoy version ng Voltes V.

Alam ng TOEI mahirap mag-shoot ngayong panahon ng pandemya, pero excited na raw silang makita ang latest promo-reel ng Voltes V: Legacy series.

Bahagi ng caption sa IG post ni Direk Mark: “Now I can share this. One of the best Christmas gifts I received was this kind letter of support from no less than Voltes V’s home base in Japan, TOEI Company.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa teaser pa lang ng Voltes V na ipinakita noon ng GMA-7 ay marami na ang namangha, at napansin ko pa ngang ang daming nag-share nito sa TikTok. Dahil dito, na-inspire silang ituloy ang taping kahit mahirap ang sitwasyon ngayon.

Magpapatikim na mamaya ang Voltes V: Legacy na isa sa aabangan sa New Year Countdown ng GMA-7.

JERRY OLEA

Ang fantaseryeng Darna: The TV Series ang frontrunner sa mga bagong programa ng ABS-CBN para sa 2022. “Ding, ang bato!”

Sa GMA-7, ang telefantasyang Voltes V: Legacy ang pinakaaabangan natin. “Let’s volt in!”

NOEL FERRER

Pareho tayo ng naisip, Tito Jerry. Lunsaran ang dalawang iconic projects na ito ng bagong talents ng parehong networks.

DARNA or VOLTES V: kanino kayo mas excited? Let’s wait and see!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magpapatikim ang Voltes V: Legacy na isa sa aabangan sa New Year Countdown ng GMA-7 ngayong gabi, December 31.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results